Kadena 101

48 4 0
                                    

Apat na tauhan ni Lionel ang kasama ngayon ni Greg dahil nagdagdag ng ito ng dalawang tauhan pa Niya. Mahigpit niyang ibiniling proteksyonan si Greg sa kanilang lakad.

Lihim na nag abot ng wine si Greg sa mga guwardiya ng gate ni Lionel. Mas matapang ito at mabilis umepekto ang hilo at antok.

Maingat na sinundan nila ang sasakyan ni Cortez.

Habang nasa daan ang mga Ito ay naitanong ni Greg sa apat kung sino ang mga kilala nilang kaaway o kakompetensya ang Ninong niya.

Sumagot ang nasa kaliwa nito.

"Maraming kakompetensya si Boss, sa negosyo at sa posisyon nito lalo na ngayong usap usapan sa army na Isa siya sa may mabangong pangalan para sa pagka General nito. Alam mo naman sir, palakasan din sa mundo nila." hayag nito.

Sumagot naman ang isa na katabi ng driver.

"Meron sa kabaro ni bossing... Si Major General Theodore Casimsim. Mabango rin ang pangalan non sa presidente ngayon. Sa negosyo naman halos wala namang magtangkang kalabanin siya dahil sa kapangyarihan niya rito sa lugar.." pagsisigurado nito.

Pinindot ni Greg ang cellphone nito, kinalikot para magsearch ng tungkol sa pangalang sinabi ng mga ito. Nang lumabas ang mga resulta ay agad niyang ipinakita ito sa mga kausap.

" Siya ba yong binabanggit nyo?" tanong niya.

Mabilis na kinilala at nagsipag 'yes sir' ang mga ito.

Agad rin niyang isinend ang pangalang ito sa numero ni Mitch.

Napakunot noo si Mitch nang mabasa ang mensahe ni Greg.

Napaisip siya kung bakit ito isinend ni Greg. Pero dahil lumabas na ng kwarto si Lionel ay mabilis niyang naibulsa ang cellphone nito sa blazer nito na ibinaba niya hanggang siko niya para maakit si Lionel na papalapit na sa kaniya.
Nakita niya na may dala ring bote ng alak ito. Ngumiti siya at ipinakita rin ni  Mitch ang dala nitong wine.

"Magandang ideya Sir General Macaraeg!! Gusto kong tikman ang dala mo.. pero dapat ubusin muna natin ang dala ko.." malambing na hayag ni Mitch.

Minasdan siya ni Lionel, mula ulo hanggang paa niya. Alam ni Mitch na walang kahit na sinumang gaya ni Lionel ang makatatanggi sa suot at alindog nito.

Naka-silver silk sexy sleepwear ito. Lutang na lutang ang hubog ng katawan niya. Nakadagdag pa ang mabango at fresh looks nito dahil bagong ligo lamang siya.

Niyaya siya ni Lionel sa malaking terrace nito.

"What a lovely night... " sambit nito habang nakahawak sa napaka-sexy nitong bewang.

"And let's enjoy the night Sir General Macaraeg..!!" malambing naman na sagot ni Mitch.

Inamoy niya ang kanang leeg ni Mitch. Saka bumulong..

"We can do anything here Maria.. tayong dalawa lang ang tao rito. Pinauwi ko na lahat ng katulong at wala na rin ang mga alipores ko. Lahat sila nasa bodega ngayon.. Tatrabahuin nila ang milyon milyon kong kikitain sa mga susunod na araw.. at kapag nangyari yon.. Dadalhin kita sa Maldives.." pagmamayabang nito.

Nagpakita ng lubos na kasiyahan si Mitch.

"Talaga My handsome General?.. Tayong dalawa lang?? Kung ganon gusto ko ng magkamilyon ka kaagad agad.." mapanghamong sagot ni Mitch.

Humarap si Lionel sa kaniya at nakipagtitigan..

"Sigurado akong mabilis lang ang milyon sa akin.. " sagot nito saka kinuha ang hawak na wine ni Mitch.

Binuksan niya ito at kinuha ang Isang wine glass na nakahanda na sa mesa. Nilagyan niya ito. Lumagok ito. Saka iniabot Kay Mitch. Inubos naman ito ni Mitch nang kunin. Sinadya niyang may lumagpas na wine sa kaniyang labi. Mabilis naman na lumapit si Lionel sa kaniyang labi para sagipin ang lumagpas na katas ng wine. Nagulat na lamang si Mitch nang sunggaban na siya nito ng maaalab na halik nito. Napakabilis din ng mga kamay nito na pumulupot sa kaniyang katawan.

KADENA_DE_AMORWhere stories live. Discover now