Kadena 100

62 5 0
                                    

(Grabe umabot ako sa 100 episode nito😳😳😳, di ko alam kung saan ako humugot ng lakas para maipagpatuloy ko Lang to. Siguro dahil sa mga readers nito kaya ako nagpapatuloy🥰🥰🥰, Salamat Po sa inyo)

Maayos na naghiwalay sina Greg at Cortez matapos mapag usapan ang gagawin nila mamayang gabi. Naunang lumabas si Greg ng CR at sumunod naman si Cortez. Agad din namang kinontak nito ang kausap niyang pulis para baguhin ang nais nitong mangyari na mula sa plano ni Greg.

Hindi niya binanggit si Greg.

Habang nagmamaneho si Grace para baybayin ang restaurant na sinabi ni Joel sa kaniya ay hindi niya maiwasang tanungin si Maria kung saan ito galing at hindi nito kasama ang mga pulis na nagbabantay sa kaniya.

"Akala ko mahihirapan kang tumakas sa mga bantay mo.. Where did you come from? Bakit Wala sila? Sinilip ko rin ang clinic ni Aileen pero wala ka?---- so saan ka nga ba galing?" sunod sunod na tanong niya.

"Namasyal lang kami nina Mama Lea at Papa Luis.." kaswal na sagot nito.

Ikinagulat ni Grace ang tawag ni Maria sa mga magulang ni Greg. Nangangahulugan lamang na kasundo at tanggap na tanggap si Maria sa pamilya ni Greg dahil sa tono ng pananalita nito. Lalo na si Lea na kinamumuhian ni Greg.

"Alam ba ni Greg na Kasama mo ang babaeng yon?--- I mean si Tita Lea?"

Tumango si Maria.

Pero binago na ni Maria ang usapan, at diretsahan na niyang tinanong ito.

"Hindi si Greg ang nagbigay ng cellphone number ko hindi ba?"

Napalunok at napasulyap si Grace sa biglaang tanong nito sa kaniya. Ibinalik niya muli ang tingin sa kalsada.

"Well how did you know that?? Well at first, ayaw niya p-pero maniwala ka siya mismo ang nagbigay ng number mo ok?" pautal utal na sagot ni Grace.

Napailing si Maria dahil sa pagsisinungaling nito.

"Ang nakakaalam lang ng numero ko ay si Greg at lahat ng taong pinagbibigyan niya ng numero ko ay siya mismo ang naglalagay dito sa contacts ng cellphone ko. Sorry dahil wala ang pangalan mo rito.. " diretsang sagot nito.

Nais ni Maria na ngayon pa lang ay magtapat na si Grace.

Nag-clears throat ang kausap para makabuwelo ng pag amin nito dahil wala naman na siyang takas pa.

"Alright nabuking mo na ako! --- I got your number from Sir Joel. I really want to talk to you personally. Before I leave here, let's talk about our issues. I want to clear things between us." paliwanag ni Grace.

Napatango lamang si Maria.

Nakauwi na sina Greg sa mansyon ng kaniyang Ninong. Nagpahanda naman agad si Lionel ng dinner para sa kanila sa mga katulong nito.

Gustong gusto ng sabihin ni Mitch kay Greg ang tungkol sa napakinggan nitong tawag ni Lionel. Malakas ang kutob niyang ang ipinahahanap niyang tao na nagngangalang 'Robert' ay ang ama ni Maria.

Naunang nakapasok ng kwarto si Greg, nasa likod naman niya si Mitch na malalim ang iniisip. Isasara na niya ang pinto nang may kumalabit sa likod niya. Nilingon niya agad kung Sino Ito.

Kumindat agad si Lionel nang lingunin siya nito.

"My door is widely open for you later.. " bulong nito Kay Mitch.

Malambing na ngumiti si Mitch. Saka isinara ang pinto.

"Bwisit!!!--- maniac talaga!" Inis na bulong ni Mitch sa sarili.

Mabilis niyang ini-lock ang pinto, hinila niya si Greg papunta sa loob ng banyo. Nanlaki naman Ang mga Mata ni Greg hanggang sa makapasok na sila sa loob ng CR.

KADENA_DE_AMORWhere stories live. Discover now