Kadena 74

34 4 0
                                    

Nagising si Maria na sila'y magkayakap ni Greg. Napatitig siya sa mukha ni Greg at inalala ang nangyari sa kanila kagabi. Napangiti siya nang marinig ang pangungulit ni Greg sa kaniya tungkol sa paggawa ng bata.

"k-kailangan ko ng mahanap si Mitch.. " sa isip niya.

Nagbalik ang alaala niya kay Jeziah simula nang ito'y maipagbuntis niya hanggang sa maipanganak.

Tumulo ang mga luha niya nang itabi ng Doktor ang ipinanganak niyang lalaking sanggol sa kaniyang bisig.

"Congratulations Misis! Napakagwapo ng inyong anak! --ano nga pa lang pangalan ng baby mo Misis? " tanong ng doktor.

Titig na titig siya sa mala-anghel na mukha ng anak niya. Saka sumagi ang sinabi ng lalaking nakabuntis sa kaniya na kapag lalaki inilaan niya ang pangalang..

"Jeziah.. Jeziah Jayrani Galvez. Iyon po ang pangalan niya dok. " masaya niyang sabi.

Dinampian niya ng halik ang kaniyang anak sa noo nito.

"mahal na mahal kita anak.. Palalakihin kita nang maayos kahit mag isa lang ako. " sambit ni Maria.

Napangiti ang doktor habang tinitingnan sila.

"mukhang maswerte si Baby Jeziah sa nanay niya.. " bati ng doktor.

Itinanong ni Maria kung hanggang kailan niya dapat magpa-breast feed sa anak niya.

"ang pagpapasuso sa sanggol ang pinakamahalagang pagkain nila. Lumalakas ang kanilang resistensya para maiwasan ang sakit gaya ng hika, allergies, diabetes, obesity at impeksyon. Nakukuha ito sa colostrum o malapot na gatas ng ina sa mga unang araw pagkatapos ng panganganak. Dapat tuloy tuloy hanggang anim na buwan ang pagpapasuso. Lalaking matalino, makinis ang balat at malakas ang baby boy mo..." paliwanag ng doktor.

Napangiti si Maria.

Narinig naman ito ni Mitch na kararating lang galing sa pag aasikaso ng release sa kulungan ng kaniyang kuya.

"wag po kayo mag alala dok.. Hindi ko hahayaang hindi magpa breast feed si Maria. Syempre para lumakas at lumaking gwapo ang baby Jeziah namin! " pangahas niyang singit sa usapan.

Hinaplos ni Maria ang pisngi ni Jeziah. Namumula ang mga ito. Hindi siya makapaniwalang magkaka anak siya ng ganitong kagwapong bata.

Inilapag ni Mitch ang mga prutas niyang dala sa side table ng kama.

"kumusta ang mestisong baby namin?? --sayang wala ako kaninang inihatid siya. " bati ni Mitch.

Kinumusta ni Maria ang lakad ng kaibigan.

"makakalabas na si kuya bukas. Nangako siyang hindi na magdodroga, na enrol ko na rin si bunso at inaasikaso na yong mga papel ng kailangan sa lupang nabili natin. May mga kinausap na rin akong kontraktor para sa pagpapatayo ng plano mong bahay.." paliwanag ni Mitch.

Ipinaubaya ni Maria ang tsekeng ibinigay sa kaniya ng lalaki sa hotel ni Madam Mimi matapos ang serbisyong ibinigay niya.

"m-may natira pa ba sa pera natin? "

Tumango ang kaibigan.

"oo.. Gaya ng sinabi mo. Ibabangko ko muna para pantustos sa araw-araw natin lalo na kapag umuwi ka na ng Sulu.. "

Nangilid ang luha niya nang maisip na kailangan niyang iwan si Jeziah kay Mitch para makabalik ng Sulu. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kaniyang Lolo at Lola. Ganon din ang kaparusahan sa kanilang tribo kapag nalamang nanganak siya nang wala namang asawa.

"babalik naman ako Mitch.. K-kailangan ko lang makumbinsi sila Lolo na lumipat na ng Maynila.. At kapag pumayag sila. Saka ko ipaliliwanag ang tungkol kay Jeziah.. " sagot ni Maria.

KADENA_DE_AMORWhere stories live. Discover now