Kadena 88

38 3 0
                                    

Maluwang ang ngiti ni Carlito sa dalawa Lalo na kay Aileen. Desidido na itong kausapin Ng personal Ang anak at ipagtapat Ang lahat.

Sa mga titig ni Carlito, agad na nalaman ni Aileen ang pakay ng ama sa kaniya.

Mabilis Naman na humalik si Samuel sa kanang pisngi ni Aileen at dinampian Ang kanang balikat ni Maria para batiin Ito.

" Kumusta kayo ngayon?" tanong ni Samuel.

"Well we're good of course!..and nice to see you again Dr. Suarez!" Kaswal na bati niya kay Carlito.

Saka nakipagkamay Ito sa ama. Ginaya rin siya ni Maria.

"Kumusta po kayo?, Nadalaw po kayo?" hayag ni Maria..

"Mabuti kami ni Samuel.. gusto ko talaga makita ang clinic ni Doktor Aileen Fuentebello.. may ikokonsulta sana akong personal case ko. Nakakaramdam kasi ako ng insomnia nitong mga nakaraang araw at nananaginip tungkol sa nakaraan ko.. baka Lalo Kay Samuel, matutulungan ako ng napakaganda niyang girlfriend " hayag ni Carlito.

Sumingit si Samuel.

"Syempre namimiss ko kayong dalawa ng girlfriend ko Maria.. Isa pa, may sadya ako sa'yo Maria.." sagot ni Samuel.

Sabay kindat kay Aileen dahil ang sadya niya ay tungkol sa mga mahahalagang papel na dala niya na kailangang mapirmahan ni Maria.
At alam ni Aileen ang tungkol dito.

Ngumiti si Aileen at niyaya niyang sumama muna si Maria kay Samuel sa garden na nasa labas Ng clinic nito.

Kahit nagtaka si Maria ay sumunod siya sa nais ni Aileen.

"Bakit mo ako kailangan dok Samuel?? May nagawa ba akong hindi maganda?" Maagap na tanong ni Maria.

"Wala.. may mga kailangan lang ako sa'yong ipaliwanag.." sagot ni Samuel.

Sumagi sa isip ni Maria na baka Ito ay tungkol sa sinunog na kontrata nila ni Greg.

"Tungkol ba ito sa sinunog na kontrata namin ni Greg, dok Samuel?"

Agad na nagkatinginan Sina Samuel at Aileen dahil hindi nila inaasahan Ang isinagot ni Maria sa kanila.

Ipinalagay na lamang Ito ni Samuel na ito'y tungkol sa kontratang sinunog ni Greg, kahit na Wala pa Naman silang alam ni Aileen tungkol dito. Ipinagtaka man niya Ito ay kinuha pa rin niya itong magandang pagkakataon upang mapadali Ang kaniyang pakay sa kapatid.

"Oo Maria, may dala akong panibagong kontrata na tungkol sa mga ginawang pagbabago ni Greg. Pinapunta nya ako rito para pakinggan ko Ang mga gusto mo pa.. dahil gusto niya talagang maging tunay na Ang kontrata ninyo... " Pagsisinungaling ni Samuel.

Napakunot noo si Maria.

"Wala siyang binanggit sa akin tungkol diyan..?" sagot ni Maria.

"Ah e.. s-sorpresa niya yon..!" maagap na sagot ni Samuel.

Marahang napatango si Maria.

Sa huli, pumayag si Maria. Maya naman naiwan sina Aileen at Carlito. At naglakad lakad Naman sa hardin sina Maria at Samuel. Dala dala niya ang mga papel na nais niyang ipapirma kay Maria.

Sa loob ng clinic ay parang may dumaang anghel sa pagitan nila Aileen at Carlito sa sobrang katahimikang namayani sa kanila.

Hindi nalaman ni Aileen kung ano nga ba ang dapat na mga unang salita na ibubuka Ng bibig niya. Kahit din si Carlito ay umurong ang kaniyang dila nang magkaharap na sila ng anak niya.

Kailangang mabasag ni Aileen ang katahimikan dahil kapag hindi, mawawala ang magandang pagkakataong ito para maipakilala niya ang sarili bilang anak nito. Pinilit niyang magsalita..

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon