Kabanata 1

694K 22.8K 38.2K
                                    

Kabanata 1

Blow


I am pretty sure that I didn't marry him. Kung nabagok ang ulo ko at nakalimutan ko bigla na napakasalan ko siya, puwede pa. Pero alam kong hindi, at alam ko ring hindi niya ako pakakasalan. Patas kaming dalawa.

"Sean!"

It all began with her, I clearly remember it.

It was the first day of vacation. Katatapos lang ng school ko at kung gusto ng mga kapatid kong manatili sa Manila, gusto ko namang umuwi sa Romblon.

I like the beach. Masyado akong madalas sa siyudad at sa pag-aaral naman ay babad sa mga kaibigan. The vacation is my chance to unwind and relax by myself. Besides, it's not like my friends are also in their houses, anyway. Umaalis din sila, pupuntang ibang bansa para magbakasyon.

Ganoon din naman kami pero dahil sa trabaho ng parents ko, kailangan pa ng tamang panahon at bilang na mga araw para lang maka-travel kami. Our longest vacation was last year on Switzerland. This year, they are planning to go to the U.S. to visit some of our relatives and friends but we will go there for a limited time only.

Kaya habang wala pa ang schedule nina Mama at Papa, sinamantala kong umuwi sa probinsiya.

There's something about the househelps here too, that are warmer. Kumpara sa househelps namin sa Maynila na istrikto at trabaho lang talaga ang iniisip, ang nandito ay mistulang pamilya.

"Ano na naman, Nay?"

I smiled. Sean isn't one of our househelps but her grandmother is. Hindi kalakihan ang bahay namin dito pero may ipinapatayo kaming mas modernong resthouse sa Poblacion. Malaki kasi ang lupain namin dito at iyong nasa Poblacion pa, ang kalahati roon ay ang quarry. The new resthouse will be covered with marble. Gaya nitong bahay namin dito, na may kaunting marmol din pero mas marami ang hardwood.

Gaya sa bahay namin sa Poblacion, tabing dagat din ang bahay namin dito. It's just more secluded here and also safer because this is on Romblon's biggest island. It is also more convenient because the airport is just a few kilometers away from here.

Umirap si Sean. Madalas niya akong samahan kapag naliligo sa dagat doon. Apo siya ni Nanay Sita, ang tagapangalaga rito. Marami sila kahit na may kaliitan ang mansiyon dahil malaki ang bakuran namin. Madalas na magpaputol ng mga talahib sa likod ng bahay hanggang sa malaking lupang sakop pa rin namin.

"Kunin mo 'tong merienda ni Lucianna!"

"Saglit lang, ah..." si Sean sa akin, sabay irap at lumakad na pabalik ng bahay.

Sean is pretty. Dalawa hanggang tatlong taon yata ang agwat niya sa akin, hindi ako sigurado. Laking probinsiya at matagal ko nang nakakalaro tuwing umuuwi rito. When I was younger, she used to ask me about my brothers.

"Kumusta na si Lucho, hindi ba siya uuwi rito?"

"Hmm. Ayaw noon dito."

"Eh si Lucky? Hindi ba mahilig iyon sa dagat?"

"Yeah, but he's got a trip to the U.S. for that. Hindi iyon pupunta rito."

Bubuntonghininga siya at papangalumbaba sa harap ko. Kahit kumakain pa ako, gusto niyang marinig ang mga kuwento ko tungkol sa dalawang kapatid.

"Sino ang pinakahabulin sa kanilang dalawa?"

Sometimes I have to stop and think. Pareho lang sa isipan ko ang dalawang kapatid, walang pinagkaiba. Parehong mapang-asar sa akin kaya tuwing tinatanong lang talaga ako ni Sean napapaisip.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now