Kabanata 15

399K 21.4K 29.3K
                                    

Kabanata 15

Off


Matagal bago siya naupo sa harap. I can sense his hesitation especially that I can't fake mine. Hindi ko siya matingnan at nanatili ang mga mata ko sa tsaa at sa cheese cake na kinakain sa harap. Kung hindi lang sa respetong ipinakita ni Mama, may pakiramdam akong hindi na siya tumuloy.

"Upo ka, Uriel..." si Mama nang natanaw siguro ang hesitation kay Uriel.

I know that she's probably thinking about me but it's also polite to invite him. Anak siya ng Senyora, may ari nitong mansiyon. Kaya bakit pa siya mahihiyang sumali sa pagtitipon.

The table is round and he has enough distance from me but I can smell his scent. It was a mixture of an expensive male bodywash and perfume. Puti ang t-shirt niya at naka kulay asul na maong, may itim na relo sa palapulsuhan, at basa pa ang buhok.

"Ayos ka lang ba, hijo?" Mama asked politely.

I glanced a bit at his face. Nakaabang siya sa titig ko kaya agad kong iniwas ang tingin at binaba ang tsaa para pagtuonan naman ng pansin ang cheese cake.

"Ayos lang po. Nagkaproblema lang sa track."

"Oh, you do racing."

"Yes, he has a lot of sports. Pinapatigil ko nga sa competitive martial arts dahil kinakabahan ako lagi lalo na kapag umuuwi siya rito. Pero sa racing naman abala..." umiling si Senyora at sumulyap sa akin.

"Oh, Lucho does brazilian jiu jitsu. Pero tumigil noong nagsimulang magtrabaho."

"Naku, rito kay Uriel. Kung ano ano na lang. Pati na rin iyang jiu jitsu. Wala na kasing ibang ginagawa kundi trabaho at sports, wala nang girlfriend. Kaya hinahayaan ko na," Senyora laughed a bit.

I lifted my eyes at her then to Uriel. Uriel cleared his throat and looked away. Bumaling siya kay Senyora ngayon.

"Mama," saway niya na hindi gumana.

"Mas dumami ang sports niya ngayon. Dati pa naman itong nag re-racing, pero kaiba ang dami ng sports niya ngayon. It must be really tough to have a bachelor's life with no side chic!" pahisterya ang tawa ni Senyora, dinidiin ang huling sinabi.

"Mama..."

"Uriel, I can't help it! I guess I'm just proud. Anton has side chics somehow, you have none for years now. Pero huwag ka namang magbabad masyado sa extreme sports, hijo, at aatakehin ako sa puso sa'yo!"

"Naku, ganoon din ang nararamdaman ko kay Lucho noon. Lucky is very out going so he's busy with girls. Lucho likes extreme sports. Buti na lang naging abala na sa negosyo. He still does sports now but not like before," untag ni Mama.

"Baka may girlfriend si Lucho, o may babae? Eto kasing si Uriel, wala," sumulyap si Senyora sa akin.

Kumunot ang noo ko at binaba ang tinidor. I am silently chewing the cheese cake right now. It melts in my mouth but I needed an activity so I won't have to pretend that I'm listening. At bakit parang diin na diin na wala nga siyang babae?

"Malay mo, Domitilla. Men have ways to multitask these days. Baka extreme sports at babae ang inaatupag ni Uriel," biro ni Mama.

"Ah, wala naman po, Tita. Masyadong abala sa negosyo kaya hindi na ako nagkakaroon ng oras para diyan," sagot ni Uriel.

"See?" sa mayabang na tono ni Senyora.

"A young and handsome bachelor like you, it's impossible that you don't have any!" si Mama. "You're hot-blooded and very active, kaya hindi kapani-paniwala!"

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now