Kabanata 6

459K 24.7K 43.4K
                                    

Kabanata 6

Winner


Dumating ang mga Lopez sa hapong iyon. Nasa bulwagan kami ni Senyora at sinusundo ang dalawa nang pababa pa lang si Uriel galing sa pagtatago sa pangit kong painting.

Nilingon ko siya. Ngumisi sa akin habang sinisimangutan ko. Nagulat tuloy ako nang niyakap ako ni Reynaldo bilang pagbati.

"It's nice to see you again," si Reynaldo.

"Nice to see you again, too!"

"Salamat po sa pag-iimbita, Senyora. Wala ang dalawang kapatid ko dahil hindi pa tapos ang eskwela nila," si Franco.

"Nasabi nga ng inyong ama," si Senyora. "Nasabi rin niya na may lakad daw kayo by the end of the week?"

"Opo. Pero mababagot kami kahihintay sa weekend para sa lakad namin," si Franco ulit.

They greeted Uriel, too. Biniro pa ni Reynaldo kasi nabanggit nga naman ni Uriel na hindi tatanggap ng bisita ang mansiyon.

"Ah! Just forget about it. Nababagot kasi si Lucianna rito kaya gusto kong narito kayo."

Tumawa si Franco at bumaling kay Uriel. Reynaldo then smiled at me.

"Hindi naman," I explained because Senyora is exaggerating it. "Ayos naman ako rito pero okay din na nandito kayo."

Franco is the eldest of the four Lopez brothers. Kung hindi sila magkaedad ni Uriel, siguro'y magkaedad sila ni Anton. Reynaldo is a few years younger than him. Mas hindi kami nagkakalayo ng agwat ni Reynaldo kaya mas nakakarelate ako sa kanya.

Maingay sa hapunan dahil lima na kaming nakaupo. The Lopez boys are rowdy and Uriel mixes with them well. Natutuwa naman ako sa pakikinig lang pero hindi yata palalagpasin ng mga ito ang katahimikan ko.

"Maaga pala natapos ang school year n'yo, Lucianna."

"Ah. Oo. Marami kasing aalis kaya nagrequest ang parents na agahan na ang pagtatapos," sagot ko.

"Si Wesley ba iyong nanliligaw sa'yo na Samaniego?" si Reynaldo.

Namilog ang mga mata ko. Napasulyap ako kay Senyora na nabitin ang pag-iinom ng tubig ngayon. I watched Uriel eating his meal seriously.

"Ah hindi. Si... Simon 'yon."

"Ah. Ang pinsan pala nila. Akala ko si Wesley," sabay tawa ni Reynaldo. "Nakuwento nga ni Renato na ang kaibigan niya raw, natatakot kay Lucho."

Tumawa lang ako at umirap. "Kapag kasi naririnig ni Kuya na may manliligaw ako, siya ang sumusundo sa akin, hindi ang driver. Kaya napapaurong ang iba."

"I really bet you have many many suitors, hija. Ang ganda mo. At tama lang ang mga Kuya mo na nagiging protective sa'yo," si Senyora naman.

"Oo. Nakuwento nga po ng ilang kilala namin na mahirap ligawan dahil laging kasama ang dalawang kapatid."

"Lucho Almodovar?" si Uriel na sumapaw sa usapan. "I met him a couple of times in a business meeting. Not someone who could scare anyone, unless if her suitors were little boys."

This arrogant bastard...

"Well, yes, my suitors are boys my age. Not your age," iritado kong sinabi.

Franco laughed. Napainom naman ng tubig si Reynaldo at si Senyora agad na nanaway.

"Oh, tama na 'yan! Hay naku!"

Nagpatuloy ang tawanan. Uriel's sharp eyes were directed at me. I ignored him and continued my meal.

"This is why I had to bring you boys so they won't kill each other when they are alone in the house."

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now