Kabanata 24

413K 25.7K 47.3K
                                    

Kabanata 24

Pillowtalk


Napatayo ako sa gulat. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong bumaling si Uriel sa akin.

"Lawrence?"

Lawrence's walk slowed down, too. Nang nakita niya ako ay nagulat din siya. Lumapit ako, hindi napigilan ang kaunting excitement at saya.

"Luci- M-Miss Almodovar?" he stammered.

Nakita kong sumulyap siya sa likod ko bago muli sa akin.

"Kuya, what is it?" I heard Suzy behind me.

Kuya?

"By the way, Uriel, hindi mo siguro kilala ang kapatid ko. He didn't spend much time here growing up. Mas madalas siya sa Maynila."

Napabaling ako sa dalawa. Uriel's eyes was sharp as he looked at Lawrence.

"Uriel, si Kuya Lawrence. Kuya Lawrence, si Uriel Mercadejas at kaibigan niya, si Lucianna."

"Hinahanap ka sa bahay kasi umalis ka raw ng walang paalam," ani Lawrence.

"Ah..." humagikhik si Suzy at bumaling kay Uriel. "Birthday kasi ni Inay. May handa sa amin, kaya sabi ko tapos na akong mag breakfast kasi maraming pagkain doon."

Nagkatinginan kami ni Lawrence. I smiled at him.

"Nandito ka pala, Miss Almodovar."

I chuckled. "Lucianna na lang. Masiyadong pormal ang Miss Almodovar. Sige ka, tawagin kitang Attorney?"

Lawrence smiled shyly. Inayos niya ang salamin niya.

"You're here because?"

"Ah. Sinamahan ko lang si Uriel sa investigation. Sem break kasi. Wala ka bang gagawin ngayong sem break?"

"Umuwi ako ngayong weekend dahil sa birthday nang Inay. Pero... uh... babalik din sa school dahil may conferences na gagawin."

"Oh? Magkakilala pala kayo?" si Suzy at ngumiti sa akin.

"Ah. We met at school," sagot ko.

Uriel looked pissed beside her. Lawrence cleared his throat.

"May handaan sa bahay para sa birthday ni Inay. Baka gusto n'yong sumama sa amin ni Suzy? Uhm... Uriel... at Lucianna," si Lawrence sabay tingin kay Uriel.

"No, thank you. I have important things to do here."

"Oh? Iyong... imbestigasyon sa Orianne Ocampo kidnapping case?"

"Oo, Kuya. Nakuwento ko sa'yo, 'di ba?"

Nilingon ako ni Lawrence at ngumiti ito. I smiled back.

"So... let's go, Suzy..."

My mouth dropped and looked at Suzy. Nakita kong umiling siya sa kapatid.

"Tutulungan ko pa sila rito, e. Susunod na lang ako."

"Ako. Wala akong ginagawa, Lawrence," presinta ko.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Lawrence pero sa huli ay tumango siya.

"Alright."

"Gusto ko ng mga fiesta sa nayon. Alam mo noon sa Romblon? Madalas akong makikain pag may pista. Iba kasi ang pagkain sa mga ganoon kaysa sa mga party namin, e..." sabi ko habang naglalakad na palayo kasama si Lawrence.

Lawrence laughed shyly. "Ganoon ba?"

"Oo. Nakakahiya pero kasi... gusto ko talaga at minsan lang akong ma imbita. Sana okay lang?"

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now