Kabanata 5

423K 22K 39.1K
                                    

Kabanata 5

Painting


I like it here but somehow, I regret that at the first day of our school's vacation I immediately left. Kung sana hinintay ko kahit mag April, sana ay hindi ako maagang nairita rito.

He's too much, that's what I think. There's something about him that I don't want to deal with. It's like it's a burden or a very big pressure. I can pinpoint which or what. I just know that I hate the arrogant Uriel Mercadejas. Kung uuwi naman ako, mababagot nga ako sa bahay dahil hindi naman makakauwi ng Romblon. Maybe I can deal with him for a while longer and just ignore him when he's being difficult.

"Pasok ka po," sabi ko kay Senyora.

She tried to pacify us back on the beach. Nanahimik ako at ganoon na rin si Uriel. I think she talked to Uriel before the dinner. Tahimik ito sa dinner at kami lang ni Senyora ang nag-usap tungkol sa mga beaches na gusto ko.

Pero alam kong hindi siya matatahimik kung hindi niya ako nakakausap tungkol doon. I was already in my nightgown, brushing my hair, before going to sleep when she knocked.

"I'm sorry about earlier," aniya.

Naupo na ako sa silya sa tukador. Nasa harap ko si Senyora at iminuwestra ko ang sofa sa gilid pero umiling siya.

"Ako po dapat ang magsorry. Hindi na dapat pa ako nakipag-away kay Uriel."

Umiling siya. "I know he's very arrogant at times kaya naiintindihan ko na hindi mo iyon kasalanan. I just hope that you give him a chance and get to know him somehow. I want you two to get along well. Para naman hindi ka nahihirapan sa pagtira mo ngayon dito."

Hindi ko alam kung pagkakaibigan ba ang tinutukoy ni Senyora pero gusto kong isipin na iyon nga. Kung sa bagay ay napakawala ko namang respetong bisita kung hindi ko man lang mapakikisamahan ang anak niya.

"Sorry din po. Maybe I'll try my best to be patient with him."

"Sorry if you find me nosy but I just want to know why you two are fighting when you came home kanina? Nagtanong kasi ako sa kanya, hija, at ang sabi'y may hindi lang kayo pagkakaintindihan. I think that we must find the root cause of your misunderstanding."

I twisted my lips. I'm not sure if it is something I can share but she's his mother. She's concerned so...

"Hindi naman ako makikialam. Gusto ko lang maintindihan kung bakit kayo nag-away."

"Hindi ko rin po kasi alam kay Uriel, Senyora. Pero nairita po kasi ako sa kanya noong binastos niya ang pinsan niya."

"Pinsan? Sinong pinsan 'yon?"

"Si Ambrose po. Nakasalubong kasi namin sa Caticlan habang namimili. Nagpakilala sa akin at nalaman ko na pinsan niya. He was a kind person so far but Uriel was rude to him in the end."

Nanliit ang mga mata ni Senyora. "Si Uriel?"

"Opo. Uh... something about him carrying the things we bought. Ayaw niya lang ipatulong si Ambrose sa akin. He was rude when he rejected him and I got pissed. I'm sorry po."

Nagpatuloy ako pero natahimik si Senyora ng ilang sandali. Nagdidilim ang mga mata niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi. Hindi ko alam para saan.

"Thank you, hija," aniya at ngumiti.

Mahimbing naman ang tulog ko sa gabing iyon. Siguro dahil na rin sa pagod sa buong araw na pamimili tapos naligo pa ng dagat pagdating ng hapon.

I wanted to explore more on the beach but it was so hot the next day. Nag-isip akong mag pinta na nga lang talaga sa araw na iyon at ilaan na lang sa ibang araw ang pag-iikot.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now