Kabanata 12

478K 22K 23K
                                    

Kabanata 12

Gone


Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hindi ako gaanong na excite nang ibinalita ni Senyora sa hapunan ang tungkol sa pagdating ni Orianne.

Pagkatapos ng pag-uusap namin sa boardwalk, umayos naman ang pakiramdam ko kay Uriel. I realized he's not that bad. Masyado ko yata siyang nahusgahan. I realized he's not like Kuya Lucky, who would kiss girls if he's given an opportunity. The brute is picky. It's not enough that a girl is pretty. And he is also not driven by his carnal needs, he's somehow... reasonable.

"Hija, huwag kang mag-alala at ma-bored dahil pupunta na si Orianne dito," ani Senyora sabay ngiti sa akin.

Naghahapunan kami. Kanina pa sulyap nang sulyap si Uriel sa akin pero nang nagsalita si Senyora ay ibinaling niya ang tingin sa ginang.

"She's not bored, Mama. Hindi na dapat pa inimbita si Orianne."

Senyora Domitilla looked at me with a smile. Nang bumaling sa anak ay natuyo ang ngiti nito.

"Ano ka ba, Uriel! Lagi kayong nag-aaway dito at baka pa maging dahilan iyon ng pag-uwi niya ng maaga kaya mabuti na iyon!"

"Hindi naman po, Senyora. I like it here..."

The side of Uriel's lips rose. I cleared my throat.

"I mean, the place. Kaya magbabakasyon ako rito."

"No need for Orianne-"

"Uriel!" iritadong sinabi ni Senyora. "Kaibigan iyon ni Cian!"

Uriel tilted his head and just looked at his plate. Iniisip ko rin na hindi na naman talaga kailangan si Orianne. I mean, if the reason Senyora wants her here is to keep me, then there is really no need to.

"Pinapahanda ko na nga ang silid niya, hija," marahan at nangingiting sinabi ni Senyora.

"Sige po."

I looked at my face in the mirror. Iyon ang tanging naiisip ko. I suddenly feel bad. Magkaibigan kami ni Orianne at malilibang ako sa kapag pumunta siya rito.

Iniisip ko nga lang ang huling pag-uusap namin tungkol sa kabiguan niya kay Anton Mercadejas Jr. I wonder if their engagement got really discontinued? Ayaw ko namang magtanong kay Senyora tungkol doon. At kapag wala na pala si Orianne at Anton, that means she really was just invited here because Senyora thinks that I want her here.

I put on some cream under my upturned eyes. It's getting chinkier when I'm sleepy. Katatapos ko lang maligo at nag-aayos na lang ng mukha rito sa harap ng salamin. Naka bihis na ng pantulog nang siyempre, bumukas ang pintuan.

I sighed. Ngayon, hindi na ako nagulat dahil ilang beses nang nangyari ito.

Sa totoo lang, maaga nga akong naligo na at iniisip kong magpang-abot na naman kami sa banyo.

"Sorry," he said and tried to go out.

"Patapos na ako kaya sige..."

Nanatili siya sa pintuan. I remember when he joked about us using the bathroom together. Ngayon, medyo seryoso pa rin siya at may paghingi pa ng paumanhin.

Nang umamba akong lalabas, pumasok naman siya ng tuluyan at nagkapalit na kami. Ako na ngayon ang nasa pinto, at siya nasa harap ng sink.

"Galit ka pa?" tanong ko.

Bumuntonghininga siya at nagbukas sa salamin. Natanto kong naglagay na pala siya ng gamit doon.

"Yeah," he answered after getting his shaving cream.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now