Kabanata 9

416K 22.7K 22.8K
                                    

Kabanata 9

King


I didn't understand. Why did she do that?

Bago pa lang ako makapagsalita, bumaba na sina Uriel at Ambrose sa sasakyan. Tumakbo na ang dalawa sa amin.

Nakatayo ako, walang galos o dumi sa damit habang si Mariana ay umiiyak, may putik sa baba at sa dibdib! May kasalanan ako, oo, pero hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ako bayolenteng tao, talagang natakot lang ako sa ginawa niya kaya nangyari ito.

"What happened?" dumalo si Ambrose kay Mariana.

Tumulong naman si Uriel sa pagpapatayo rito. Mainit ang natanggap kong sampal kay Mariana pero nanlamig ang kamay at mukha ko sa nangyari.

"I'm sorry," I uttered again trying to come nearer.

"What do you mean, I'm sorry?! Pagkatapos mo akong kaladkarin, sorry, tapos tingin mo ayos lang ang lahat?!" she screamed.

I am very frustrated. Kinabahan na nga ako dahil sa ginawa niyang pagtutulak at sa mga sinabi niya habang ginagawa iyon, tapos ganito pa siya ngayon. Kahit sa dahilan ko, alam kong may kasalanan pa rin ako sa pagkakakaladkad niya.

Ambrose was busy checking out Mariana's clothes and face. Pinunasan niya iyon at tiningnan kung may galos ba o ano. Kaya si Uriel ang tiningnan ko. He looked at me with accusation in his eyes that ticked me off.

"How dare you drag me to the dirt!" pahisteryang sinabi ni Mariana.

Nilingon ko siya, galit na galit na ngayon at parang sasabog.

"Well, in the first place ba't mo ako tatakutin ng ganoon?! I asked you to stop pushing the swing but you didn't! I was scared so I held on to you-"

"And you have the guts to justify your actions?! Uriel!" si Mariana na kahit dumadalo si Ambrose ay nauna pang humiyaw kay Uriel.

Nagtatawag na si Uriel nang mga kasambahay pero nang kinuha ni Mariana ang atensiyon niya, agad siyang dumalo rito.

"Siya na nga ang may kasalanan! Siya pa ang may ganang manisi!" she cried hysterically.

"I said I'm sorry but I did that because you were-"

"Cian," Uriel was calm when he called me out but I was already irked.

"She is engaged to you but she still gave Kuya a love note, can you believe it?!"

Uriel's eyes met mine. The darkness was for sure suppressed anger. Ni hindi ito ang punto rito kaya mas lalo akong nagalit!

"I did not! Stop putting fucking words on my mouth-"

"Lucianna!" umalingawngaw ang boses ni Uriel na ikinagulat ko.

Nairita lang lalo ako dahil pakiramdam ko walang nakikinig sa akin. Ambrose is busy with his sister and of course, why would I expect him to understand me? It's his sister that I hurt kahit pa kaya ko namang i-justify ang rason na iyon. Mali pa rin sa ano mang anggulo, at lalo na dahil kapatid niya. Kaya si Uriel na lang sana. Now even the brute thinks that way and I hate it!

Mapagtimpi naman ako at naiintindihan ko na may kasalanan ako pero sa stress na dala sa akin kanina pa lang, at sa histerya ni Mariana, hindi ko na nakayanan. I walked out of there without saying another word!

Bumaba ako sa hinagdanang bato. Dapat ay hindi ko ginawa pero kung maghihisterya si Mariana at patuloy niya akong ipagdidiinan, hindi ko maipapangako na magandang salita ang mga sasabihin ko. Kaya minabuti ko nang umalis, mapag-isa, at magpalamig.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now