Kabanata 27

466K 22.8K 38.6K
                                    

Kabanata 27

Delusional


We started planning for the wedding. Involved na involved si Senyora at si Mama. Naisip ko tuloy minsan na hindi na naman ako kailangan. Their tastes were fine for me so I am not complaining. Kahit pa nasa akin pa rin naman ang huling desisyon, wala pang insidente na inayawan ko ang suggestion nila.

It was a month before the wedding when I finally decided to meet Sonja. Iniiwasan ko ang club dahil ayaw ko nga'ng makita si Sean. Wala rin naman kaming pag-uusapan ni Sean kaya hindi ko alam bakit pa kami kailangang magkita.

"Long time no see!" si Sonja sabay beso sa akin.

Nagkita kami sa isang restaurant. Sinamantala ko iyon dahil doon lang ako nagkaroon ng free time. Sa nakaraang mga weekend, kung hindi eskuwela ang inaatupag ko, pag-aayos sa kasal naman o 'di kaya'y date kay Uriel. Sa buwang ito, sigurado na ang pag graduate ko, hinihintay na lang ang mga araw. Maayos na rin ang mga kailangan sa kasal. At si Uriel naman may niretrieve na data sa Batangas para sa imbestigasyon.

We both agreed to just do our things for this weekend. Bumagal din kasi ang imbestigasyon dahil nga abala kami sa ibang bagay. Isang buwan na ang nakakaraan nang may nakapagsabi na nakita na naman si Orianne pero ngayon lang aaksiyonan ni Uriel dahil ngayon lang walang gagawin.

Imbes na sumama sa kanya, nagpasya akong magpaiwan muna para makausap si Sonja. Isa pa, nangako ako na pagkatapos ng pagpa-plano sa kasal, maglalaan ako ng araw para kay Mama at Papa. I decided to treat them to spa.

Bukas ng umaga ang uwi ni Uriel. Didiretso siya sa bahay para bumisita kahit na sinabi kong umuwi na lang siya at ako na ang bibisita sa kanila.

"Nasaan na?" untag ni Sonja, ngiting ngiti.

"Eto..." umirap ako at nilapag sa kanyang harap ang invitation sa kasal namin.

With her jaw dropped, she opened it in awe and read the names on it.

"Totoo talaga?" nanlalaking mga mata niyang baling sa akin.

"Ba't naman ako magsisinungaling?" I smiled sweetly.

"Baka mamaya may kliyente ako rito, ah..." she laughed.

I sipped on the fruit shake I ordered.

"Anong gagawin mo kung meron? Huwag kang mag eeskandalo."

"Anong eskandalo? Ba't naman ako mag eeskandalo? Siyempre, patay malisya at hindi na lang papansinin, 'no!"

I chuckled.

"Hindi naman kami nagkakaroon ng relasyon sa kliyente kaya ba't ako mag eeskandalo."

"O sige na..."

"Ikaw talaga... nasa utak mo pa rin 'yan, 'no? Na imposibleng hindi kami magkagusto sa kliyente?"

Tumawa ako. "Kung sa bagay, isang gabi lang naman ang madalas n'yong booking-"

"Huwag na nating pag-usapan 'yan. Ikuwento mo muna sa akin paano mo nabingwit 'yong Mercadejas! Aba, natatandaan ko na si Preston iyong pumoporma sa'yo no'n, ah?"

Naalala ko tuloy si Simon. I sent out invitations but he already heard about my relationship with Uriel Mercadejas. Nang nalaman niya iyon, hindi niya ako kinausap. Noong una, akala ko abala lang sa trabaho. Pero last month, nang nabigyan siya ng invitation, he immediately said no to the RSVP. He said he's busy with work pero halata naman na nagdecline dahil nagtatampo.

Interesadong interesado si Sonja na marinig iyon kaya ikinuwento ko mula sa unang nangyari.

"Naalala ko tuloy 'yong kuwento ng ilusyunadang kaibigan mo." Umirap si Sonja.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now