OMH 1

948 15 2
                                    

ONE

[VIA]


May tatlong uri daw ang soulmates:

1. 'Yung unang pagkikita nyo pa lang, alam nyo na para kayo sa isa't isa. Forever. Period.

2. 'Yung mga alam na sila ay soulmates pero hindi pinagtagpo at tanggap nila na para sila sa iba.

and lastly...

3. 'Yung kahit anong deny at tanggi na di sila para sa isa't isa, sa huli sila pa rin..


At ang kadalasang napapaglaruan ng tadhana ay ang No. 3.



Lahat ng tao may karapatang magmahal.



Kahit sino – maging panget ka man o bading o lesbian, kapag tumibok ang puso mo, push mo lang 'teh, ipaglaban mo! Sa pagmamahal kasi, ang isang tao ay nakakagawa ng mga bagay na hindi nya inaakalang magagawa nya. Kahit anong bagyo, kidlat o Zombie Tsunami man ang humarang sa inyong dalawa, makakayanan nyong malagpasan.

"Drama mo oy bawas-bawasan mo," sabi ng kaharap ko pagkatapos nya akong batukan. Kanina pa nya akong pinapanood habang nagsusulat ng essay ko. Inip na inip na siguro 'tong anak ng lupang 'to. "Siguradong tititigan lang yan ng professor mo, tapos iikutin nya sa palad nya sabay shoooooooot - sa basurahan,"

"Masama bang magdrama? Hello? Mayron tayong one earth, seven continents, napakaraming bansa, at milyung-milyong tao, pero bakit wala pa rin akong boyfriend?"

"Alam mo, kung may boyfriend ka ngayon, naibalahura ka na palabas ng momshie mo," dagdag pa ni Maggie. Kung sa bagay, hindi ko naman ikakamatay ang pagiging single. Si Maggie nga eh buhay na buhay pa, so ligtas pa ako sa sumpa.

Ipinagpatuloy ko pa ang pagsusulat ng essay ko para sa professor kong kalbo sa Filipino. Tapos na ang finals namin humirit pa sya ng last requirement. Hay sarap upakan talaga ni Sir Mon.


Mon, Mon, mukhang Full Moon, singlambot ng Mamon-mon-mon-mooon ~


Natigil lang ako sa ginagawa ko nung biglang tumunog ang cellphone ni Maggie.

"Yes, hello?" pagbati nya. Mula sa pagbati nyang 'yon, nagsimula nang sumama ang tingin nya sa lahat ng bagay. Pakiramdam ko natutunaw na ang bintana sa tabi ko, jusko tulungan nyo 'ko universe! "Ako? Tarantado ka ba? Kung halimaw ako ano ka pa? Tss. Kahit kelan talaga panira ka ng araw!"

"Nasubukan mo na bang sabihin yan sa salamin, Maj?"

"Isa ka pa!" pagduro nya sakin, pero pagkatapos nun ay bumalik na ako sa pagsusulat. Feeling ko naman kasi si Guji Tarence Kim lang ang kausap nya ngayon. Sya lang naman kasi nakakasira ng mood ng tutor nya. Hindi ata pedeng makalipas ang isang araw nang hindi binubwiset ni Guji si Maj eh. Buti pa sya, kahit pa'no may ka-interaction kahit puro pambabanta ng buhay lang, how about me? I cry.


Bakit ba napakailap sa'kin ng pag-ibig? 'Yung mga kabarkada ko naman ang suswerte sa love life (liban kay Maggie na puro gangsters lang ang alam). HOY KUPIDO! Hindi mo ba ako nakikita? Single ako, oy! Available 24/7!


Hindi ba pwedeng isang araw may magtatanong nalang kung kasya ang sapatos na hawak nya sa akin at Happy Ever After na? Cinderella, ganon?

OH My Heart!Where stories live. Discover now