OMH 3

497 10 1
                                    


THREE


Sa sobrang excitement ko napahiya ako.

Naghyhysterical na kasi ako sa hallway non kaya sobrang dramatic ng entrance ko. I banged the door. Slow mo ang lahat. Extreme ang facial expression ko. At eto ang line ko:

"APOLLO?!"

Nasitinginan silang lahat sakin. Halos mapanganga silang lahat nang makita nila ako. Tiningnan ko naman sila isa isa habang pinagpapawisan ako nang sobra. Nang mapagmasdan ko ang mga mukha nila, pinagmasdan ko ulit sila.


May mali e.


"Sino ka?" Nagtatakang tanong sa akin ng isa sa kanila. Napanganga nalang ako sa sarili kong katangahan! Room 214 pala 'to, 204 nga pala ang kwarto nya!


Via naman e. Sinabi ko naman sayong bawas-bawasan mo na ang pagdodroga, ha? "Sorry po... maling kwarto po..."

Nakakahiya grabe.


Nagtatakbo ulit ako sa hallway para marating ang tamang kwarto. At syempre tatanga-tanga na naman ako... nadulas ako. ARAY KO (!!!). Ang sakit ng pwet ko utang na loob! Minsan, pinagdududahan ko na ang pagmamahal sakin ni Lord, eh. Walang ganyanan, please?


Kinain ko na ng buom-buo ang kahihiyan ko at tumayo ako. Sana naman wala ng sumunod na kahihiyan dito – EFF. Hindi pa ako tapos humiling nasundan kagad ang kamalasan ko. This time, may nabunggo akong isang lalaki. Natapon ang iniinom nyang kape sa sarili nya.


Sinamaan nya ako ng tingin.


Sinamaan ko rin sya ng tingin.


T*NG*NAAAAAA. Di ba? May pagtitinginan na kaming dalawa – masama nga lang.


Plano kong lampasan sya at iwasan ang kung anumang gulo na pedeng kong kasangkutan pero nahuli nya kagad ang kamay ko.


Uy, na-love at first sight ka ba sakin kaya ayaw mo na akong pakawalan? Pero shit, nanginig ang buong katawan ko nang hawakan nya ako. "Teka," sabi nya. Ang (gwapo) lalim ng boses nya.

"Anong problema mo?" sabi ko nang taas-noo.

"Ikaw, anong problema mo?" Ayos a. Nagbabalikan lang kami ng tanong sa isa't isa. Upakan ko sya e. "Di ba tinuro sayo ang magsorry?"

"Ako? Magsosorry? Sayo? No way," I rolled my eyes in disbelief. Hindi sya tumitingin sa dinaraanan nya kaya sya ang may kasalanan. Mapride din ako, excuse me, kaya hindi ako ang mauunang magsorry.


Lalo lang nya akong sinamaan ng tingin. Para bang gusto na nya akong lamunin sa mga tingin nyang 'yon!


"Hindi ko kasalanang tanga ka," sabi ko para tigilan na nya ang pagtitig sakin ng masama.


"So ako pa ngayon? Sino kayang nadulas dyan kanina lang?"


Nanlaki bigla ang mata ko ng marealized ko ang sinabi nya. Nakita nya ang pagkakadulas ko kanina. 'Tay tayo dyan 'teh, magsaksak ka na Via! "Sige na! Sorry na! O ano, masaya ka na?! Kaya kung pede bitawan mo na ako!" Agad naman nyang binitawan ang kamay ko na halos mamatay na sa pagkakahawak nya. Konti nalang talaga iiyak na ako don, pero mas malakas ang willpower ko.


Paglingon ko, nakatingin sya sakin.


Nakatingin sya sa akin na para bang nalilito. Anong problema nya?



Buo na ang loob kong nasa tapat ako ng Room 204. Buo na rin ang loob kong gawin ang Dramatic Entrance ko.


Huminga akong malalim. I banged the door. Slow mo ang lahat. Extreme ang facial expressions ko. Eto na ang line ko, "AP –" Hindi ko nagawang tapusin ang Dramatic Entrance ko dahil napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sahig. Si Maggie. "Anong nangyare sa'yo?"

"Uso naman kumatok, 'di ba? BIGLA BIGLA KANG PUMAPASOK DYAN, AKALA MO KWARTO MO 'TO –" Pinatahimik ko sya gamit ang daliri ko, na kamalas-malasan e napapunta sa ilong nya. Napalunok ako sa sobrang kadirian. Agad kong tinanggal ang daliri ko don at pinahid sa damit nya.

"Ano? Nasan na si Apollo?" Imbes na sagutin ako, nakatitig lang sya lampas sakin. At bigla ata akong nabusog sa mga paru-paro sa tiyan ko.

"Sino ka?" May tao sa likod ko at kilala ko ang boses na 'yon. Nasa likod ko sya. Nasa likod ko lang Ultimate Crush ko. At tinamaan ka ng lintek, hindi na naman ako makakibo!

"Ma, sino sya?" Ganda ng bagong hi, ah? Hello sayo.

"Di ba kaibigan mo sya? Almost everyday nga syang nandito para bantayan ka. 'Di ba, Via?" Napalingon naman ako para tumango. Nagtama ang mga mata namin ni Apollo kaya nagkaron ng instant fireworks sa loob ko.

"Via? Via Aguirre?" then he smiled at me. "Ikaw 'yan?"

I think my world stopped for 63194801931 years.

I think my world stopped for 63194801931 years

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
OH My Heart!Where stories live. Discover now