OMH 5

432 10 0
                                    


FIVE


Sa lahat naman ng makikita kong (hayop) tao eh itong isang 'to pa.


"Amazona ka pala eh," pa-cool nyang sabi habang nakangisi sa'kin. Kairita! Sarap gusumutin ang pagmumukha nitong mayabang na 'to!

"Ikaw na naman? Sinusundan mo ba talaga ako?" pag-aakusa ko sa kanya. Nako Kean, kahit ilang beses mong ideny alam ko namang type mo 'ko –

"Ha. Ba't naman kita susundan? Ni hindi nga kita type. Malayo ka sa standards ko,"

T*NG*NAAAAAA. Di ba?

"Hoy! Mas lalong hindi naman kita type! Yung standards ko, eto oh, Mt. Everest ang taas. Eh ikaw? Anthill ka lang,"

Napatawa lang sya sa sinabi ko. "Pwede ba, miss? Ibagay mo 'yang standards mo sa itsura mo." Napatingin naman ako sa sarili ko hanggang paa. Panget ba talaga 'ko? Hindi naman eh... Patikimin ko kaya sya ng isang matinding uppercut! "Ibang klase ka rin ano? Hindi ka na nga marunong magsorry, hindi ka pa marunong magpasalamat. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?"

"Eh ikaw, ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?"

"Na ano?"

"Napakasungit mo! Parang pinaglihi ka sa sama ng loob. Alam mo ba ang pinakamalaking kasalanang nagawa ng magulang mo?"

"Ano?"

"Ang... ipanganak ka!"

Tinitigan nya lang ako, habang nakataas ang isa nyang kilay. Habang lalo syang sumusungit, lalo lang siyang gumagwapo – PAK. Sinampal ko ang sarili ko. Ano ba 'yang sinsabi mo, Via!


Dahil masyado nang napapatagal ang aming pag-uusap, tinulak ko na lang sya at sinipa sa binti. Hindi pa ako nakakalayo non nang marinig ko syang sumigaw ng, "Ganda ng thank you mo ha!"


"Truth! Thank you talaga!"


Hay, nakakainis naman ang araw na 'to. Muntik na akong manakawan, late pa ako sa scheduled enrollment ko, nasira pa ang sapatos ko, at higit sa lahat... nagkita na naman kami ni Kean!


Pero... kung hindi naman kami nagkita ni Kean baka napahamak pa ako kanina. Savior ko sya – WAIT, did I just call him my savior? No freaking way! Kahit wala sya magiging okay ako. Tch. Savior, ew.


Palabas na ako sa PSU nang makarinig ako ng mga nagkakagulong estudyante. May artista bang dumating? May ilan akong kilalang low profile na artista na pumapasok daw dito sa PSU. 'Yung iba sa kanila eh mga sumali sa mga reality show ng ABS. Mag-artista na nga lang kaya ako?


"Pede ba, miss? Ibagay mo 'yang pangarap mo sa itsura mo," pang-aasar ni Kean sa'kin sa utak ko – AAAAAAARGH. Hanggang dito ba naman sa isip ko nagsusumigaw ka Kean, ha? Hindi naman ako panget!


Paika-ika akong lumabas ng Main building para hindi nila mahalata ang sira kong sapatos. Kunwari napilayan nalang ako, ganon. Dahil chismosa ako ng very light, sinubukan kong sumilip sa nagkumpulang mga tao. Sino ba kasing – "Pakshet."

OH My Heart!Where stories live. Discover now