OMH 2

562 8 1
                                    

TWO


Si Josh De La Vega ay isang (hot) badminton player nung nakilala ko sya.


Isa lang naman akong hamak na high school student non na walang katalent-talent bukod sa pagtugtog ng piano. Foundation Week non ng Hugo University kaya libre kaming nakakatambay sa loob ng gymnasium. At nakita ko syang naglalaro ng badminton. Kalaro nya ang kaklase ko non.


October 13, 2010. Maraming nagliliparang shuttlecock noon sa gym at nagkalat ang mga pogi. Nagliliwanag silang lahat sa mga mata ko, mga sugo ng kalangitan. Hay paraiso, sabi ko.


Magkasama kami ni Maj nung araw na 'yon at magkasangga kami sa paghahanap ng pogi. Noong una, hindi naman talaga si Josh ang tinitingnan ko. Ni hindi ko sya binibigyan ng pansin. Kung papansinin ko man, pipintasan ko lang naman. Si Maggie talaga ang may crush kay Josh. Kaya minsan naiisip ko kung mang-aagaw ba ako o ano.

"Uy Via, nakatingin si Josh sa'tin," bulong nya sa'kin.

"Nakatingin sa'yo!" aray ko 'teh!

"Hindi ah. Sayo, gaga!"

Maya maya'y may ibinato sa'ming dilaw na towel ang kaklase naming kalaro ni Josh non. Teka... towel 'to ni Josh 'di ba? Binato ko 'to kay Maj – na binato naman pabalik sa'kin. Binato ko sa kanya, at binato ulit sa'kin. Kairita! Binato ko naman pabalik sa kaklase ko – na pinagsisihan ko rin kasi dapat iniuwi ko nalang at pinaframe sa kwarto ko.


Pero okay naman sa kanya nung umamin akong crush ko si Josh kahit tangahin sya at pasabit-sabit sa net ang mga tira nya. Bukod sa napakagwapo nya, napakacool pa nya. Araw araw ko syang sinisilip sa room nila sa Ground Floor, High School Building, Katabi ng Chapel, Room HS 107, seat no. 24. Hindi ako stalker. Pero alam ko ang paborito nyang kulay, ulam, inumin. Alam ko rin ang brand ng sapatos nya, bag nya, at cellphone nya. Pati brand ng clay-do na ginagamit nya. Ultimo mga lapis na ginagamit nya sa drafting.


Hindi talaga ako stalker, promise. Hindi talaga.


Hindi ko alam kung anong ispiritu ng katangahan ang sumapi sa akin at nagpadala ako ng friend request sa kanya sa Facebook. Pakiramdam ko tuloy singkapal ng talampakan ni Hulk ang pagmumukha ko nung ginawa ko 'yon.


Nainggit lang kasi ako 'non, sa totoo lang. Inaccept nya kasi ang kaibigan ko kaya naisip ko na baka pwede nya rin akong iaccept bilang (girl)friend.


Namuti na non ang buhok ko kakahintay sa pag-accept nya. Nakailang pagkacancel at pagrerequest na rin ang ginawa ko para mauna ako sa notifications nya pero wala pa rin. Nawawalan na rin ako ng kumpyensa sa profile picture ko. Masyado ba akong panget? Sobrang ganda ko na nga don, sagad na sagad na. Dapat ba ipakita ko na ang mga nagliliwanag kong balikat? Cleavage? Hay.


Hanggang isang gabi nakita ko ang notifications ko at isa don ay ang mga katagang, "Josh De La Vega accepted your friend request. Write on his timeline now."


T*NG*NAAAAAA. Di ba? Syempre, nagtatatalon ako sa sobrang tuwa at kilig!


OH My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon