OMH 6

442 9 0
                                    



SIX


Gusto ko ng prince charming. 'Yung hindi masungit.


Pede bang si Guji Tarence Kim nalang ang maging boyfriend ko. Bukod sa 5'9 nyang height at napakagwapong mukha, napakayummy pa ng katawan nya. Dahil sa isa syang soccer player, lagi kong pinapantasya na ako ay isang sexy na cheerleader. Sasayawan at ichicheer ko sya kapag nakakascore sya ng goal. Pagkatapos ng game, ako rin yung mag-aabang sa kanya sa bench at magpupunas ng pawis nya. Hay, gusto ko ng boyfriend na soccer player at boss ng isang gang – "VIAA-aaaaa-AAAh!" pagsigaw ni Maggie sa tabi ng tenga ko. Sinuntok ko kagad sya para tumahimik sya. Argh, kahit kelan talaga!

"What do you want, 'yo b*tch?"

"Hmmm... eh kasi kanina ka pang naglalaway kay Guji, the Devil Beside Me –"

"SINONG DEVIL SINASABI MO DYAN HA?" pag-alma ni Guji kagad-agad.


(# > .) ~ X ~ (□< /)


"Does it matter? Pareho naman kayong devil eh,"

"ANONG SINABI MO?"

(# > .) (_ _ ') (.< #) "Wala..."


Patuloy lang akong tinutunaw ng dalwang kulugong 'to sa mga tingin nilang mala-laserbeams hanggang sa ang matira nalang sa'kin ay mga kuko ko sa paa. Bakit ba ako nagkaron ng mga kaibigang walang pagmamahal sa buhay? I cry.


"Guys, let's have tea!"


Nabuhayan kaming lahat ng dugo nang makita namin si Kate, bitbit ang isang tray na puno ng pastries at tea. Dinadala ng malamig na hangin ang amoy ng mga dala nya kaya naman lalo kaming nabuhayan. Para bang may nagsasaboy ng mga bulaklak sa likuran nya habang naglalakad sya.


"Happy Happy Saturdays!"

"Wooow..."


(^o^)(^o^)(^o^)(^o^)

(^o^)(^o^)(^o^)(^o^)


Sa tuwing nakikita namin si Kate biglang nagkakaron ng sunshine sa paligid namin. 'Yung sunshine na nagtataboy ng mga masasamang panahon katulad ni Maggie – "Anong sinabi mo?! Ako, masamang panahon?!" Hineadlock nya kagad ako, saka sinakal hanggang sa kumawala ang kaluluwa ko. Pano naman nya nalaman ang sinasabi ko sa utak ko?


Mind reader ba sya? Matesting nga.


Panget ka, Maggie – "May sinasabi ka dyan?!" at hineadlock na naman nya ako. Pilit kong inaabot si Mame Pao para humingi ng tulong pero napakalayo nya sa'kin. Help mee...

"Maj..."

"Y-yes, Paola?"

"Kapag hindi ka pa tumino, itatali na kita."

OH My Heart!Where stories live. Discover now