OMH 7

398 9 0
                                    

SEVEN

Bakit ba napakamalas kong babae?

Mapayapa kaming kumakain ng lunch ng mga blockmates ko sa cafeteria nang may biglang nagtapon ng isang shoe box sa lamesa namin. Dahil sa bwiset na shoe box na yon natapon lahat ng mga pagkain namin at nadumihan ang mga puti naming uniform. Leche!

"Gago ka ba –" T*NG*NAAAAAA. Di ba? "Kean!" Kumukulo talaga ang dugo ko sa taong 'to anytime, anywhere.

Tumingin lang sya sa'kin na para bang wala syang pakialam sa ginawa nya sa'min. Napakadumi na ng mga uniforms namin habang sya? Nakapokerface lang habang naghihintay na may sabihin ako. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" pagsagot nya sa'kin. Pagsagot? Pagsagot ba ang pagtatanong sa isa pang tanong? "Imbes na tunawin mo 'ko sa galit mong pagtitig, bakit hindi mo muna buksan ang box na 'yan?"

"As if!" Pinigilan ko ang sarili ko bago pa man ako makapagsalita ng kung anu-anong bagay. Based on experience, hindi maganda ang naidudulot ng bibig kong napakadaldal kapag naiinis ako. Kinuha ko ang shoe box saka binato 'yon pabalik sa kanya. Nasalo nya kagad 'yon. Kitang kita ko ang namumuong pagkainis sa mukha nya kaya naman napangiti ako ng tagumpay.

"How ungrateful. I can't believe you'd be this kind of person. Your personality kind of... stinks,"

S-stinks...?

Kinuha ko ang box sa kanya saka binuksan 'yon. Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat nang makita ko ang laman nito. Hindi ko inexpect na isang napakagandang sapatos ang laman nito. Kahit pa shoe box 'to, knowing Kean, malamang maglalagay sya ng ibang bagay dito para lang inisin ako. Ang bait nya... HINDE!

"I feel bad for your shoes last time kaya naisipan kong ibili ka ng bago –" bago pa man matapos ni Kean ang sinasabi nya, naibato ko na sa pagmumukha nya ang sapatos na 'yon.

"My personality stinks, huh? I feel bad,"

Natahimik ang buong cafeteria. Matapos ang ilang sandali, natigilan ako bigla. Nanlalamig ang mga paa ko. Pataas nang pataas ang panlalamig na 'to hanggang sa makarating sya sa bunbunan ko. Nanginginig ang tuhod ko, pati na rin ang mga kamay kong nakahawak sa shoe box na binigay sa'kin ni Kean. Mula sa namumulang pagmumukha ni Kean, ibinaba ko ang tingin ko sa sapatos na nasa sahig. Ang sapatos na binigay sa'kin ni Kean... Via... Viaaa-AAAaa-aaah!

"Ah eh, Via?" hinawakan ni Airah ang braso na para bang pinipigilan ako sa susunod kong gagawin, kung meron man. "I know it's very rude of him to throw a box like that, but you shouldn't –"

"You've just made the greatest mistake of your life," sambit ni Kean sa'kin habang tinitingnan ako nang masama. Lalo akong nanginig sa tingin nyang 'yon. Oh my gahd, anong gagawin ko?!

You've just made the greatest mistake of your life. You've just made the greatest mistake of your life. You've just made the greatest mistake of your life. You've just made the greatest mistake of your life.

"Can I... can I turn back time?" Halos mapaiyak ako habang tinititigan ang likuran nya habang naglalakad sya palayo. Habang pinapanood ko ang pag-exit nya sa eksena na 'to, nakatingin naman sa'kin lahat ng tao dito sa cafeteria. Lahat sila pakiramdam ko gusto na akong tuhugin sa isang BBQ stick at litsunin ng buhay.

"That's Kevin Andrei Medina of the Mechanical Engineering Department," sabi ni Belle sa akin, habang pinapat ang balikat ko. "He kind of owns this place... he's the President's son."

OH My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon