OMH 4

502 9 0
                                    


FOUR


Nagwalkout ako. Madrama kasi ako eh.

Pero pinigilan nya ako. Lumingon ako sa kanya – napakadramatic pa ng pagkakalingon kong 'yon, slow-mo, at lumilipad-lipad pa ang buhok ko. Nang tumingin ako sa kanya, nakatitig lang naman sya sakin mga bakla! Feeling ko pa nga tumigil sa paggalaw ang lahat, na para bang sa amin lang umiikot ang mundo.

"Ikaw nakabangga sa'kin noh?"


T*NG*NAAAAAA. Di ba? Nanggigigil ako sa taong 'to!


"Gago ka ba?" hinampas ko paalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. "Mukha ba 'kong gagawa ng masama, ha?"

"Naisip ko lang na baka nagbabayad pinsala ka lang sa'kin kaya ka nandito –"

"Bayad pinsala? Psh. Gago. Syaka mukha ba 'kong nagmamaneho ng trak? Kotse nga hindi ko mapatakbo trak pa ba! Bwiset naman o. Ako na nga 'tong nagmagandang loob ng ilang araw dito, ako pa 'tong pinagbibintangan dito. Langyang buhay 'to o,"

Matapos manlaki ang mata nya sa mga pinagsasabi ko, napanganga pa sya. Natigilan ako saglit bago mapatakip ng bibig. Langya! First time nga pala naming nagkita at nagkausap nang personal sinigawan ko pa sya at minura, kaloka talaga mga baks! Pakiramdam ko namumula na ng sobra ang mukha ko kaya nag-iinit 'to. Imbes na masira pa lalo ang image ko dito, tinalikuran ko nalang sya saka nagtatakbo palayo. Habang tumatakbo ako, hindi ko mapigilang maiyak. Kumbakit ba naman sa lahat ng pagkakataon ngayon pa 'ko nagkaganto!


Sana kainin nalang ako ng lupa.


Nang makalabas ako ng ospital, napaupo nalang ako sa hagdan. Napabungtong-hininga ako habang pinipilit na pigilan ang pag-iyak ko. Grabe! Ba't ba ko naiiyak nang sobra? Hay, naiiyak talaga ako sa sobrang kahihiyan. Ano ba! Tama na pag-iyak, via! Parang bottomless 'tong mata ko eh!

"Alam mo para kang bata,"


Ting.


Pamilyar ang boses nya. Naiinis ako. Di ko alam kung bakit ako naiinis ako, basta naiinis ako sa kanya. Umupo sya sa harap ko at inalok ang panyo nya. Tumingala ako para makita kung sino man 'tong nakikieksena sa buhay ko.

At pinagsisihan ko rin 'yon.

What the hell biruin mo nga naman nagkita ulit kami ng pinakamasungit na nilalang sa mundo! Dineadma ko 'yung panyo nya. "Wala kang pakialam. Syaka pwede ba? Wag mo 'kong kausapin!"


Ting.


Gamit ang panyo nya, pinunasan nya ang mukha ko. Ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya?! Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko hindi pa rin sya tumitigil.

"Ano ba?!" pagpalag ko sa kanya.

"Ikaw na nga dyan ang pinapakitaan ng maganda ikaw pa dyan ang nagagalit! Bahala ka nga sa buhay mo!" Pagalit nyang itinapon sa mukha ko ang panyo nya.

T*NG*NAAAAAA. Di ba? Napakawalang modong lalaki! Batuhin ba naman ang panyo! Pektusan ko sya sa ngala-ngala eh. Makaasta sya akala mo kailangan ko ng panyo nya, sakalin ko sya eh. Itatapon ko na sana ang panyong 'yon pero nacurious ako nang maramdaman kong may nakaburda sa tela nito.

OH My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon