OMH 8

384 10 0
                                    

EIGHT

Minsan naiisip kong ipagiba nalang 'tong cafeteria ng PSU.

"Hay," napabuntung-hininga nalang ako habang nirerewind lahat ng nangyari sa buhay ko mula nung sumugod ako sa emergency room ng isang ospital. Dapat siguro hindi nalang ako pumunta para hindi nasira ang (love)story namin ni Apollo at hindi ko rin sana makikilala ang (hayop) taong nagngangalang Kean. Nang dahil lang sa pagsugod kong 'yon napunta ang buhay ko dito sa cafeteria na 'to na punum puno ng kaaway ko. "Haaaay."

"Ano ba, Via? Pa-sampung buntong-hininga mo na yan ah," natatawang sabi sa'kin ni Airah, habang pinapagpagan ang ulo kong puno ng harina. Pagkalabas ko lang naman kasi ng room namin eh nakaabang na agad ang isang balde ng harina. Lecheng KEAN 143 Fans Club 'yan na tribo ng mga buhay na microphone. Wala na ba talaga silang ibang mapagtuunan ng atensyon? I'm just a commoner... "Akala ko ba shy type ka? How could you even start a fight with Kean? 'Yan tuloy, natrigger mo fangirls nya."

"Actually... it's kind of fun. This whole thing. Para akong naglalaro ng isang virtual reality game at araw araw umaakyat ako ng isang level. Yosss! I am the heroine in this game called –"

"Penguin Days!" pagsigaw ni Maggie sa utak ko. Nakapamewang pa sya at tumatawa nang matagumpay. Kairita! Pilit ko syang tinutulak palabas ng utak ko.

"Virtual reality game?"

"College na tayo,"

"Oo nga pala. Hay,"

(_ _ ') (_ _ ') (_ _ ')

"Para sakin," panimula ni Belle. "Para silang may sira sa ulo. To think they'd stoop this low for someone else. This kind of bullying are for gradeschoolers,"

"All hail, the queen. All hail, Belle-yaah!" lumuhod kami ni Airah sa harapan ni Belle at umasta na sinasamba namin sya.

Masaya't mapayapa kaming kumain ng lunch today, which is kind of unusual, kasi walang KEAN 143 fansclub na nakikigulo sa pagkain namin.

Akala ko lang pala.

"Hi Via," sabi ng babaeng biglang tumabi sa'kin. Halos mapabalingkos ako sa pagtayo nang marealized kong katabi ko na si Rein. "Do you have time?"

Rein Fuentabella. Cultural Arts, block 3B. Room 422, seat no. 14, Montano Main Building II.

Napanganga na lang sina Airah habang nagpapalipat lipat ng tingin sa'min ni Rein. Ano nga namang ginagawa ng isang Rein Fuentabella, isang Cultural Art student, dito sa Verano South Building? To think halos kalahating kilometro ang pagitan ng Main sa Verano.

"Do I have time...?" for you to strangle me to death? Actually, no, I'm quite busy trying to live peacefully. "Why...?"

"Wala lang, naisip ko lang magcut class then go malling today. G?"

Well, naisip ko lang din na i-cut yung lalamunan mo for being a bad influence. "I have practicals today,"

"Have it tomorrow, then."

"Wow, prof ako?"

Nakita ko ang tahimik na pagtawa nina Airah sa sinabi ko. Buti nalang natalikod sa kanila si Rein kaya di nya nakita. Samantala, nakataas lang ang kilay ni Rein sa'kin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Okay fine, di ako kasingganda mo pero to rub it on my face is kinda rude.

"Well, you're not the first one to reject me. Not that it hurts as much as the first, but it hurts still. To think I made an effort to go all the way here to see you,"

"Uhm... are we friends?"

Nagulat sya nang saglit pagkatapos ay tumawa nang malakas. Pati ang pagtawa nya napakaganda, parang mga humuhuning ibon. San ba pinaglihi ang babaeng 'to? Ba't di ako pinaglihi sa magagandang bagay bukod sa penguin? Hay.

"So Kean is right. You're a very hard girl to deal with," sabi nya, habang nagpapaalam sa'min.

Aba at pinagchichismisan pa ako ng dalawang 'yun.

"If I were you, I'd run as far as I can away from that girl," sambit ng isang lalaking bigla nalang sumulpot sa likuran ko. Deputa muntik ko na sya masuntok sa sobrang gulat ko.

"And you are?"

Napatingin nalang kaming tatlo sa kanya – isang matangkad at balingkinitang lalaki na may napakagandang mukha, mga matang seryoso at malalim na waring may nais sabihin ngunit hindi maitawid gamit ang bibig. Hinawakan nya ang baba ko para itikom ang bibig kong nakanganga pala. Bwiset!

"Someone you won't be seeing again for the fifth time," at humayo na sya paalis.

"Gwapo pero weirdo,"

"Engineering din siguro yun. Masyadong pa-cool,"

"Sabi nya..." nagbilang ako sa kamay ko ng limang beses, at pinakita sa kanila. "Fifth time! So may second, third, at FOURTH time. Shet crush ata ako non!"

"Tigang na tigang 'teh?"

"Kahit ano ano nalang pinapatulan,"

At iniwanan nalang nila akong dalawa dito nang basta basta. "Ganyan ba ang kaibigan? Nang-iiwan?!"

Hay. 

OH My Heart!Where stories live. Discover now