00

1.5K 42 12
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

"Hello po!" Bati ko sa CEO ng ShowBT Entertainment. "Hello, upo ka." Tumango naman ako at naupo sa upuan na nasa harap ng lamesa ni Mr. CEO.

"Ilang taon ka ng trainee dito?" Tanong ni Mr. CEO, "4 years po." Sagot ko naman. Nakita kong tumango tango ito bago tiningnan ako habang nakangiti.

May kumatok naman sa pinto at pumasok doon si Ms. Hong, trainer ng SB19.

Wait, what? Anong ginagawa niyo dito?

"Hello po." Bati ko nalang at ngumiti, binati naman niya ako pabalik at naupo sa upuan na nasa harap ko na katabi ng table ni Mr. CEO.

"Siya ba yun, Mr. CEO?" Tanong ni Ms. Hong, ha? Ano daw? Ako yung alin?

"Siya nga, ikaw na ang bahala sakaniya." Sabi ni Mr. CEO at nginitian kami.

Inaya na ako ni Ms. Hong sa lumabas at pinasama ako sa office niya. "Ie-explain ko sayo ang mangyayri, Ms...?"

"Ventura po. South Ventura." 

"Ms. Ventura. Ang kailangan mo lang naman malaman ay ikaw ang magiging 6th member ng SB19, at ang nag iisang babae." Sabi ni Ms. Hong. Napatulala ako ng ilang minuto bago sumagot.

"PO!? 6th member? AKO?" Halos pasigaw ko ng tanong. Tumawa ng saglit si Ms. Hong bago tumango. "You'll have one week to prepare kasi lilipat kana sa dorm nila. Na-explain ko na din sa boys pero hindi nila alam na babae ang magiging bago nilang membro kaya, halika, ipapakilala na kita."

"Wait lang naman Ms. Hong! Saglit po, pwede? Hindi pa nga nag si-sink in sa utak ko na sasali ako sa grupo nila, tapos meet na agad!?" Nag pa-panic kong sambit. Hays, napakabiglaan naman nito!

Hindi naman sa ayaw ko, I mean, antagal ko na ring trainee, pero, I mean, ugh! Ewan! Basta gulat lang ako. Pero hindi ko sinabing ayaw ko ha!

At isa pa, mukhang mabait naman yung mga lalaking yun.

"Haha, oh sige. Mamaya nalang after lunch, balik ka dito, okay?" Sabi ni Ms. Hong kaya wala sa sariling tumango nalang ako bago lumabas ng office niya.

Habang kumakain ako sa cafeteria ay dumating yung SB19. Napatitig lang ako sakanila pero agad ko din iniwas yung tingin ko.

Sabi ni Ms. Hong kanina, ipakikilala daw nila ako as member ng SB19 sa isang show. Iniisip ko palang kinakabahan na ako.

Ni SB19 nga 'di pa'ko kilala kaya hindi ko alam kung tatanggapin ba nila ako, paano nalang yung fans nila? Shet. I'm so nervous.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa rooftop para mag pahangin.

Kaya mo 'to, South! Let's go! Aja!

Huminga na ako ng malalim bago nag lakad pabalik sa office ni Ms. Hong. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at tumayo mula sa pag kakaupo at inaya ako papunta sa practice room ng SB19

This is it pancit! Shet! Para akong maiiihi sa kaba!

"Kinakabahan kaba?" Tanong sakin ni Ms. Hong. "Medyo po." Anong medyo!? Sobra, South! Sobra kang kinakabahan!

"Heto na yung room nila." Sabi naman ni Ms. Hong at mas dumoble pa yata yung kaba ko. Ano ba, South? Ipakikilala ka lang naman! Kalma bes!

"Hi boys." Panimula ni Ms. Hong habang nasa likod niya lang ako at nakayuko.

"Diba sinabi na namin sainyo na mag kakaroon kayo ng new member? Well, meet South Ventura, your newest member." Sabi ni Ms. Hong kaya nag taas ako ng tingin at tiningnan sila isa-isa.

Nakangiti sila at mukhang masaya, maliban sa isa, si Justin. Tss, problema niya?

"Hello po! South Ventura imnida!"

"Get in the zone, break! Annyeonghaseyo, SB19 imnida!" Sabi naman nila ng sabay sabay at yumuko kaya yumuko rin ako ng konti.

"Osiya, kayo ng bahala sakaniya ha? Pag may nangyari dito o pag tinakot niyo lagot kayo sakin!" Sabi ni Ms. Hong at ngumiti sakanila.

Tiningnan naman ako ni Ms. Hong at nginitian bago umalis.

ETO NA 'TO, SOUTH! MAG DE-DEBUT KANA! AJA!

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now