09

708 30 13
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

"Kuya, dalian mo na! Aalis na tayo!" Sigaw ko sa kapatid kong parang pinaglihi sa pagong.

Katatapos lang namin mag agahan sa may lobby dahil may buffet pag breakfast. Nakita ko pa doon si Justin with his family, nag batian lang kami, binati ko yung parents niya, tapos binati niya rin yung akin, the end. Hindi niya rin ako kinausap tungkol sa jacket niyang suot ko kagabi kaya inisip ko nalang na nakalimutan na niya.

Nang maisarado namin ang kwarto ay sumakay na kami sa elevator pababa. Then I saw my mommy, daddy and Kiro waiting for us.

Daddy drove us to Burnham. Nahirapan pa kaming mag hanap ng parking-an dahil medyo madaming tao.

Agad na nag aya si Kiro na sumakay sa bangka kaya kaming dalawa ni kuya ang sumama sakaniya.

"Excuse me po. Hi po ate South, fan niyo po ako, pwedeng mag pa picture?" Masayang tanong ng— kung tama ako— isang A'tin.

Tumango ako.

"Thank you ate South! Fighting!" Sabi pa nito bago umalis. Sumunod na ako kina Kiro at kuya pagkatapos niyon.

Inilalayan kami ni kuya noong pasakay kami ng bangka. Kaming dalawa ang nag pepedal habang nakaupo lang si Kiro sa likuran halatang natutuwa.

"Picture tayo." Nag labas si kuya ng cellphone niya. "Kiro, look." Tawag pa nito kay Kiro.

Nang matapos kaming mag boating ay hinanap namin sina mommy. Nakita namin silang nag hahanda ng picnic mat. Mukhang nagutom si Kiro at agad na kumuha ng cookie.

"Kiro," sabi ni mommy nang kakagat sana si Kiro sa cookie na kinuha nito. Sumimangot si Kiro pero ibinalik niya rin ang cookie sa lalagyan at kumuha ng sandwich at strawberry.

Ayaw kasi ni mommy na palaging sweets ang kinakain ni Kiro. Kaya dapat proper food muna bago ang sweets.

"Daddy! Daddy! I want that. Please, please, buy me that." Pag papa-cute ni Kiro kay daddy. Nag papabili kasi ito ng laruan. Yung hihipan mo tapos may mga bubbles na lalabas.

Binilhan naman siya ni daddy after saying na hindi na niya bibilhan si Kiro ng iba pang laruan. Ayaw pang pumayag nung una ni Kiro pero dahil gusto niya talaga yung bubbles ay pumayag din.

Tahimik akong kumain ng sandwich. "South!" Tawag ni kuya. Agad akong ngumiti sa camera nang makitang nakatutok ito saakin.

Nag picture pa kami ni mommy tapos pinicturan niya din kami ni kuya. Tapos nag groupie kaming tatlo. Wala kasi sina Kiro at daddy busy na nag lalaro.

"Ate! Kuya! Let's go biking!" Kiro said.

Wala kaming choice ni kuya kundi sumunod dito. Spoiled samin 'to eh. We rented a bike. Isang single na bike for me tapos yung may sidecar for Kiro and kuya. Salitan nalang daw kami sa pag d-drive nung sidecar.

Nung ako na ang nag d-drive sa bike na may sidecar, I stopped biking for a moment kasi may nag ask ng picture.

"Who are you? And why are you taking picture with my ate?" Masungit na tanong ni Kiro. Imbes naman na mainis ang dalawang lalaki ay na-cute-an lang sila kay Kiro.

"Sorry about him." I said.

"Okay lang po. Hehe, salamat po! Enjoy your vacation!" Pahabol ng dalawa bago sila umalis.

I faced Kiro. "That wasn't nice, Kiro." I lectured. He looked down and mumbled a little 'sorry'.

"Don't do it again, okay? They're ate's fans. So don't be rude next time, hmm?" Kiro nodded.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now