08

782 33 9
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

Mabilis na lumipas ang mga araw. Malapit na ang pasko at binigyan kami ng two weeks vacation.

Umuwi ako kaagad sa bahay namin.

"Mommy! Daddy! Kuya!" Sigaw ko pagkapasok ko palang. Hindi nila alam na uuwi ako ngayon kaya malamang ay magugulat sila.

Isa isa naman itong bumaba mula sa mga kwarto nila at nag unahan pang mayakap ako. Nauna si kuya na itinago pa ako sa likod niya para hindi ako mayakap nina mommy at daddy.

"Hoy, akin na yang baby ko!" Sigaw ni mommy kay kuya pero inilabas lang ni kuya ang dila niya kay mommy para asarin ito.

"Aba!" At nag habulan na nga po sila.

Naiwan sa tabi ko si daddy na agad akong niyakap habang wala pa yung dalawa. "My baby, why didn't you tell us you were coming?"

"Hindi na po surprise pag sinabi ko." Natatawang sagot ko. "Where's Kiro, daddy?" Kiro is my brother, younger brother.

"Sleeping."

Niyakap niya ako ulit pero itinulak na siya ni mommy na sobrang higpit naman ng yakap saakin. "I missed my baby so much!" Sabi pa nito at hinaplos haplos ang likod ko.

"Group hug!!"

Pagkatapos naming mag yakap yakapan sa harap ng pinto ay umakyat muna ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Nag commute lang kasi ako.

Ginising nalang ako ni mommy noong mag hahapunan na.

Nag hilamos muna ako bago bumaba sa hapag.

"Baby, lead the prayer." Tumango ako at nag dasal.

Pag katapos ay nag simula na kaming kumain. Nag luto si mommy ng paborito kong adobo. "Hmm, sarap..." sabi ko saka ngumiti ng abot tenga.

Si kuya ang inutusan mag hugas ng mga plato dahil wala yung mga helpers namin kasi bakasiyon din nila.

Nag shower na ako at nag suot ng pajamas. Kumuha ako ng isang unan at lumabas ng kwarto. Sakto ring lumabas si kuya. As if on cue, sabay kaming tumakbo papunta sa kwarto nina mommy at daddy.

"OH MY—" tinakpan ni kuya yung mata ko.

"Hindi manlang kayo kumatok!" Reklamo ni daddy.

Pag bukas kasi namin ng pinto ay nag hahalikan sila. Sana all.

Tinanggal ko na yung kamay ni kuya sa mata ko saka patakbong pumunta sa higaan nina mommy. Maluwag naman yung higaan, kasiya kaming apat.

"Mga baby ko oh, nanlalambing." Sabi ni mommy at hinaplos ang buhok namin ni kuya.

Katabi ko si daddy habang katabi naman ni kuya si mommy.

"Kamusta, South?" Biglaang tanong ni kuya.

"Ha?"

"Hatdog." Inirapan ko siya.

"Okay lang. Kaya pa naman. Pag nag p-perform ako sa stage tapos nakikita ko yung mga A'tins na todo support saamin, nakakalambot ng puso. Ang sarap sa pakiramdam makapag pasaya ng iba."

My parents and brother had always been really supportive ever since I can remember. They don't expect too much kaya hindi ako masyadong pressured, they let me take the path I want. They let me be the artist I wanted to be, kahit alam nilang delikado.

They support me in any way they can and I love them so much for that. My family, my top one priority.

"Your health?" Daddy asked.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now