04

948 45 19
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

"South, gising na." Rinig ko mula sa labas yung boses ni kuya Stell kaya humikad ako at tumayo pero agad ding napaupo dahil sa hilo.

Mukhang epekto ng pagligo ko sa ulan kahapon? Haha. Kaya ko naman siguro. Saka hindi lang naman ako ang naligo, kahit sila kuya din.

Sinubukan kong tumayo at pumunta sa cr para mag hilamos. Tapos kumuha ako ng hoodie at sinuot iyon. Ang init init tapos naka hoodie ako? Nice.

Itinalo ko ng messy bun yung buhok ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. "Goodmorning mga kuya." Bati ko at naupo sa designated na upuan ko sa hapag.

Tahimik lang akong kumakain. Wala din naman akong energy para maging madaldal ngayon, sobrang sakit ng ulo ko shet. "South, okay ka lang?" Nag angat ako ng tingin kay kuya Sejun, "opo kuya." Tapos pilit ko siyang binigyan ng ngiti.

"Schedule mo sa pag huhugas ng pinagkainan ngayon, South. Pero kung hindi ka okay, ayos lang naman na ako nalang," sabi ni kuya Stell, tumangi ako, "hindi na kuya. Kaya ko naman."

Tss. Kaya pala ha, South?

"Hay," napabuntong hininga nalang ako nang makita ko yung mga hugasin. Ang dami! Bakit ang dami? May party ba dito? Huhu.

Nag simula nalang akong mag hugas despite sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Dapat pala hindi ko na tinanggihan si kuya Stell kanina. Pabebe kapa kasi self.

"Ako na diyan," tumingala ako sa nag salita at halos masilaw pa sa liwanag na nanggagaling sa ilaw, "huh? Hindi okay lang. Ako na." Sagot ko naman. Narinig kong bumuntong hininga siya bago ako hinila paupo sa isang upuan sa hapag. Nakita kong may gamot doon at isang baso ng tubig. Mag tatanong pa sana ako kaso pumunta na siya sa may hugasan.

Bumuntong hininga nalang ako bago ininom yung gamot. Tss, bakit kaya nagiging mabait yun? For the last six months kasi na nakasama ko sila walang araw na hindi niya ako sungitan! Nagiging mabait lang sakin kapag nag v-vlog kami. Hmp!

Hinintay ko siyang matapos. Agad akong napatayo nung makita ko siyang paparating. "Justin—"

"Bakit hindi kapa nag papahinga?"

"Ha? Ah— ano, inaantay kita para mag pasalamat sana sa gamot—"

"It's fine so rest."

Kita mo na! Sinungitan nanaman ako! Bakit kaya ang init ng dugo sakin neto?

Umiling iling nalang ako bago nag lakad papunta sa kwarto. Pero bago pa man ako makalayo ay bigla nalang dumilim yung paligid.

Nagising nalang akong nasa kwarto na ulit ako. Sinubukan kong tumayo pero masakit parin talaga yung ulo ko. Kinakapa kapa ko yung noo ko, may towel.

Tiningnan ko naman sa bed side table ko at may tubig doon at gamot tapos letter.

South, drink this after mo mag lunch okay? May pagkain sa fridge, i-init mo nalang if kaya mo na. Take care, get well soon.

- Sejun

I frowned. Sejun? Akala ko si Justin. WAIT. WHAT.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now