01

1K 44 13
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

Ilang months na din, ilang months na mula nung nag start akong makipag practice kasama ang SB19.

Palagi naming pinapractice yung Go Up para mahanapan ako ng pwesto at yung ibang songs din kung saan ako pwedeng isingit sa pag kanta.

Kaclose ko na din halos lahat, well, except for Justin na hindi ko alam kung bakit sobrang mainitin ang dugo sakin. Wala naman akong ginagawa!?

Huhu.

"South! Halika sali ka samin mag tiktok!" Pag aaya sakin ni kuya Stell. Kasama naming nag tiktok si kuya Josh.

"Wow, mga tiktokerist!" Natatawang sabi ni kuya Ken saamin.

Next month na pala ang debut ko kasama ang SB19 kaya medyo kabado ako, pero lagi naman nilang pinapagaan ang loob ko na, okay lang daw, ganito ganiyan.

"Tama na nga yang tiktok na yan, kain na!" Sigaw ni kuya Sejun kaya nag unahan kaming tatlo sa pag i-indian seat sa sahig at kumuha ng pizza.

Pineapple with pizza!

Natawa ako sa naisip ko, tss, baliktad kasi pagkakasabi ni Justin sa isang video nila.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag prisenta na mag tapon ng mga basura, "ako na." Biglang sabi ni Justin, mas matanda naman siya sakin ng two years, kasi 2000 ako at 1998 siya, pero sabi niya Justin nalang raw itawag ko sakaniya dahil ang weird daw ng kuya. I mean, anong weird doon? Pero sinunod ko parin naman.

"Ha? Hindi na, ako na." Sabi ko naman pero inagaw niya na yung basura saakin at tuluyang lumabas ng practice room. Napakamot nalang ako ng batok.

Pag balik ni Justin ay nag pahinga pa kami saglit bago muling nag simulang mag practice ng Go Up.

Hindi ko sure, pero si ASAP daw yata nila ako ipapakilala as member ng SB19 ibig sabihin...

ANDUN SI DONNY PANGILINAN, SI KYLE ECHARRI AT.. HOMAYGAD!!! SI MCCOY DE LEON!!

Iniisip ko palang kinikilig na ako! Si McCoy ang pinaka crush ko sakanilang tatlo. Eh kasi naman! Ang pogi pogi niyang sumayaw, argh. Shet nemen.

25 palang naman siya at 20 ako, pwede pa. Waw ang landi self ha!? Pero kahit pa crush ko yun ship na ship ko sila ni Ate Maris Racal. Basta bagay sila dun sa We Will Survive na drama nila.

Oh diba alam na alam ko? Parang laging active sa panonood ng tv hahaha!

Anyway, mamaya ko na nga iisipin si McCoy! Hay! Mag po-focus muna ako sa practice namin para ma-perfect na hihi.

// // // //

After ng practice ay nagpa drive na kami kay kuya Yuri sa dorm. Pero syempre, nag drive thru muna kami sa McDo.

As usual, chicken kay kuya Ken, parehas kami. Tapos Ala King kina kuya Sejun, Stell, Josh at Justin. Yung drink ko ay Iced Coffee Vanilla because Iced Coffee is life! Yay!

Pagdating namin sa dorm, tahimik kaming kumain... charot! Syempre maingay sila at tawa ng tawa habang nag kukwento si kuya Stell. Si kuya Ken ang quiet lang at busy sa chicken niya... tulad ko!

Nang matapos na ako ay hindi parin sila tapos mag kwentuhan kaya nauna na akong nag shower at late ko ng ma-realize na wala pala akong dalang twalya! Pakshet na malagkit!

Binuksan ko ng bahagya yung pinto ng cr at sakto namang dumaan si Justin. Shet, shet. Bahala na.

"Ahm, Justin!" Tawag ko dito, tumingin naman ito saakin, "oh?" Tanong niya. "Ahm, pwede bang pakisuyo nung twalya ko sa kwarto? Naiwan ko kasi. Pleaseee!"

Nakita ko pa itong lumunok dahil gumalaw yung adams apple niya saka pumunta sa kwarto ko at agad na iniabot yung twalya ko. "Salamat!" Sigaw ko bago pumasok muli sa cr.

Pagkatapos ako pumunta na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Ako lang mag isa sa kwarto kasi daw ako lang ang babae. Wala naman akong problema kung kasama ko ang isa sakanila kasi alam kong wala naman silang masamang balak, pero para na rin daw sa privacy ko. Yun ang sabi nila.

Nang matuyo na ang buhok ko ay tuluyan na rin akong nakatulog.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now