14

615 31 8
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

"Justin! Hi!" Sabay sabay kaming napatingin sa pintong bumukas. Si Ms. Sharlene San Pedro.

Tiningnan ko ito ag bumaling kay Justin na namumula, halatang kinikilig. Umiwas na ako ng tingin bago pa niya makitang nakatitig ako.

May guesting kasi kami for ASAP. Mag pe-perform kami ng Alab.

Naririnig ko silang nag kakamustahan pero hindi ko na pinansin. Nang tumabi saakin si kuya Sejun ay malungkot ko siyang nginitian.

"You okay?"

"Oo naman. I pushed him away, maybe I deserve this."

Mabilis na natapos ang performance namin. Since wala na kaming sched after ng ASAP ay nag kulong ako sa kwarto ko buong mag hapon.

Nahiga lang ako at nag cellphone oh di kaya nag basa ng libro hanggang sa may kumatok sa pinto ko.

Tamad akong bumangon at binuksan ang pinto.

"Justin..."

"Inuutusan tayo. May pinapabili sa mall. Sabi nila isama raw kita."

His eyes looked cold. But I know I deserve it.

"Okay. Pwede pahintay saglit? Mag papalit lang ako ng damit." Tumango siya at umalis sa harap ng kwarto ko.

Nang maisara ko ang pinto ay napasandal ako doon at hinabol ang hininga. Bakit ganun, biglang naging nakaka tense kapag nag uusap kami?

Umiling iling ako at mabilisang nag palit. Tapos ay umalis na kami ni Justin. Nag pahatid kami kay kuya Yuri at sinabing antayin na kami dahil saglit lang naman.

Kumuha ako ng maliit ng cart at tahimik na kinuha ang mga pinabili nila. Sa gitna ng hypermarket ay may pyramid na gawa sa pinag patong-patong na tissue. Tumigil ako saglit upang pakatitigan ito.

Nagulat na lamang ako nang may sumigaw at unti-unting bumagsak ang malaking pyramid papunta sa kinatatayuan ko. Tila napako ako sa pwesto ko at hindi ko magawang umalis.

Naramdaman ko na lamang na may humigit saakin bago pa ako matabunan ng sandamakmak na tissue.

"Ano bang ginagawa mo at nakatayo ka nalang doon!?" Nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni Justin. Nilingon ko yung mga nahulog na tissue na isa isa nang pinupulot ng mga tauhan.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba natamaan?" Narinig ko ang pag buntong hininga niya.

Maybe he still cares. Just...maybe.

"A—ayos lang ako." I breathed in and out. Pag katapos niyon ay hindi na kami muling nag usap. Nang palabas na kami ng mall ay biglang umulan ng malakas.

"Wrong timing." Rinig kong sabi nito. "Hintayin mo ako. Saglit lang 'to." Tumango ako sakaniya.

Ilang minuto akong nakatayo doon nang may lumapit saaking lalaki. "Miss, eto oh payong. Ikaw na ang gumamit." He offered.

"Ha? Hindi na. Salamat nalang."

"Okay lang, miss. Baka mabasa ka pa." Pag pupumilit niya. Muli nanaman sana akong tatanggi ng may tumulak sakaniya, muntik pa siyang mapaupo.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now