20

592 33 5
                                    


A/N: HELLO HAPPY 4K READS!! I KNOW SOBRANG TAGAL SINCE MY LAST UPDATE AND I'M SORRY FOR THAT PERO ETO NA BABAWI NA AKO HEHEHE

PS. THIS IS A SHORT UPDATE BUT I PROMISE TO UPDATE FREQUENTLY FROM NOW ON. I HOPE YOU KEEP SUPPORTING ME. YOUR VOTES AND COMMENTS ARE THE REASON WHY I KEEP WRITING. I LOVE YOU ALL <3

ENJOY READING!!

SOUTH's POINT OF VIEW

A few seconds have passed and still, no one answered the door for us. Inulit kong pinindot ang doorbell at lalong mas kinabahan nang marinig ko ang yapak na papunta sa pintuan.

Then like in the movies, the door opened slowly.

It revealed kuya Ken. We both stood there, both just staring. Then I smiled widely bago tumakbo papunta sakaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ken! Sino ba 'yang nandiyan sa pinto at ang tagal mo?" Rinig kong sigaw ng napaka pamilyar na boses.

"Kuya Josh!" Sigaw ko at tumakbo rin papunta rito. Muntik pa niyang mabitawan ang kaniyang cellphone sa sobrang gulat. Agad ko siyang niyakap at gumanti rin naman siya ng napaka higpit na yakap.

"Totoo ba 'to? South?" Umalis ako sa pagkakayakap kay kuya Josh at tumingin sa nag salita. Si kuya Sejun, sa tabi niya ay si kuya Stell. Ngumiti ako sakanila bago sila sabay na niyakap.

Nang humiwalay ako ay agad akong tumingin sa paligid, hoping for that one special person to show up. But he never did. I pouted at that.

"Looking for him?" Tanong ni kuya Sejun. Napakamot nalang ako sa batok ko at tumango. "Bumili lang siya sandali. Nag hahanda kasi kami for a movie marathon."

Tumango-tango nalang ako. Pagkatapos ay narinig ko ang pag-ubo ni Five. Ah, muntik ko na siyang makalimutan.

"Ah! Mga kuya, siya nga pala si Five, Five, sila ang mga kuya ko, si kuya Sejun, kuya Josh, kuya Stell, at kuya Ken."

Nag kamayan pa sila na ikinatuwa ko. "Halina kayo rito sa sala, hintayin nalang nating dumating yung isa."

"Mauna na kayo kuya, sa kwarto lang muna ako sandali." Paalam ko.

Ibinilin ko muna sakanila si Five at mag-isa akong pumunta sa dati kong kwarto. I breathed deeply before turning the door knob and opened the door.

Walang masyadong nag bago, ganoon parin. At malinis ito, halatang hindi nila pinabayaan noong wala ako. Yung mga picture namin ay naka frame na at nakalagay sa bed side table ko.

Mayroon ding mga polaroids na nakasabit sa wall ko, mostly mga pictures nila noong umalis ako. I smiled as I took one of Justin's photo. "I miss you so much." I whispered.

"I missed you too."

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko yung picture at agad na humarap sa nag salita. "Justin!" I shouted and ran to him and gave him a big big hug.

"Justin... na miss kita...." I started to cry while hugging him while he was just patting my back.

"I know. Na miss din kita." He said. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sakaniya na para bang ayaw ko na siyang pakawalan. Sobrang na miss ko siya.

"Hey, tama na, 'wag ka ng umiyak, please? Hmm?" Umalis siya sa pagkakayakap namin at pinunasan ang mga luha ko.

"Sorry, hindi ko mapigilan. Na miss kasi talaga kita."

"Ganito nalang, mayroon kaming album kung saan nandoon lahat ng pictures namin nung wala ka, kukunin ko lang tapos ikukwento ko sayo lahat ng mga nangyari noon, ayos ba?"

"Sige. Balik ka agad." He hugged me once again bago siya umalis. Hinintay ko nalang siya sa kwarto at tinext si Five na mag enjoy nalang sa panonood kasama sina kuya Ken.

Not long after ay bumalik din si Justin dala dala yung dalawang photo album. Naupo kaming pareho sa higaan at saka siya nag simulang mag kwento.

Habang nag kukwento siya ay nakatitig lang ako sakaniya. Mas lalo siyang pumogi, pero syempre, hindi ko sasabihin sakaniya, baka lumaki pa ang ulo.

I smiled as I see his excitement in telling me all of their adventures while Inwas away.

"Ah eto, nung 3rd Anniversary natin, nag celebrate kami kasama yung mga A'tin. Sakto kasing Anniversary natin nung mah concert kami kaya ayun." He told me. Habang ako tumatango-tango lang.

Ang dami na nilang nakamit noong wala ako. And I'm very proud. More than proud actually.

Pagkatapos ay napadako sa kamay niya yung mata ko, nakita ko roon yung bracelet na niregalo ko noong 1st Anniversary namin. Unconsciously, I touched it.

"Ah, alam mo ba? Nahanap ko 'to few months after mong umalis, kasi kilala mo naman ako, medyo clumsy kaya madaling mawala yung mga gamit na binibigay sakin. Pero eto," he raised his arm to show me the bracelet, "hinanap ko talaga 'to, dahil regalo mo siya."

After that, he continued telling me about their adventures while I was just listening to him, mostly, just staring at him.

"Jah," I called so he stopped talking for a while.

"Mahal kita." I said.

He looked stunned for a second, when he regained his senses he caressed my hair, "mas mahal kita."

Kinuha ko yung kamay niyang nakapatong sa ulo ko at lumapit sakaniya bago siya hinalikan. Gumanti naman ito ng halik.

Mas lumalim pa ang halikan namin hanggang sa nahulog na yung mga photo album sa sahig, pero wala parin kaming pakialam.

We continued kissing until I was laying on the bed with him on top of me.

A/N: next update would be a little spg so... HAHAHA you can skip that part naman since mag lalagay ako ng warning hehehe labyu all

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now