18

677 38 6
                                    


A/N: GO UP SOTY!! NEW ARTIST OF THE YEAR!! ARTIST OF THE YEAR!! HAKOT AWARDS ANG AKING MGA BABY🥺THIS WAS FEW WEEKS AGO. DAPAT MAG U-UPDATE AKO NOON DAHIL HAKOT AWARDS KASO BIGLANG NAWALA 'TONG ACCOUNT KO HAHAHA. AKALA KO NGA HINDI KO NA MAKUKUHA ULIT EH. ANYWAYS, IM BACK. AND HERE'S AN UPDATE FOR Y'ALL!!

JUSTIN's POINT OF VIEW 

"Uy! Narinig niyo ba? May bago raw tayong member!" Rinig kong sabi ni Ken. Hindi ko siya pinansin at kumain nalang ng pizza.

Nag kwentuhan pa sila tungkol sa magiging bagong member habang nakikinig lang ako at nilalantakan ang pizza na malapit ng maubos.

"Pero, ang pinaka exciting na part..." pabitin na sabi ni Ken. Dahil doon ay napatingin din ako sakaniya, medyo na e-excite rin sa sasabihin nito.

Huminga siya ng malalim. "Babae raw ang bago nating member!" Sigaw niya.

Dumating rin ang araw na ipakikilala raw saamin ang bago naming member.

"Hi boys!" Bati ni Ms. Hong. Nasa likod niya yung— sa tingin ko ay — magiging bagong member namin. Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Ms. Hong, nakatitig lang ako sakaniya.

South.

When her eyes met mine, tumingin lang siya na parang wala lang. Ano 'to? Parang hindi kami mag kaibigan dati? Parang wala kaming pinagsamahan?

Ipinakilala na siya saamin ni Ms. Hong. Nag tama ang mga mata namin pero hindi ko siya nginitian. Naaasar ako, bakit hindi niya ako kilala?

Dumaan ang ilang buwan. "STAND BY PO!" Sigaw ng isang staff. Nandito kami sa ASAP ngayon para ipakilala officially si South as a member of SB19.

Tinanong pa nga kung sino ang crush niya, wala naman yun sa script! At talagang kilig na kilig pa siya habang kausap si Mr. McCoy.

Nung isang araw na wala kaming schedule, naligo kami sa ulan. Kinabukasan nilagnat ba naman si South.

Halata namang may lagnat siya pero ipinagpipilitan niyang wala, kaya nag presinta akong mag hugas ng mga plato kahit hindi ko gustong nag huhugas. Pinainom ko na rin ng gamot.

Nagulat nalang ako, nandoon parin siya at inaantay akong matapos mag hugas.

Nagulat nalang ako nang muntik na siyang mahulog sa sahig, buti nalang nasalo ko siya.

Inalagaan ko muna siya bago ako umalis. Nag iwan ako ng tubig at gamot sa bedside table niya at nilagyan ng letter, pero hindi ko sinabing galing saakin.

Nang bumalik ako sa dorm, dahil bumili ako ng makakain ni South, at si loko, naka bathrobe lang at halatang nag e-enjoy na makita akong flustered.

Hindi ko rin sinabi sakaniya na saakin galing yung pagkain kaya ang akal niya ay galing kay Sejun. Buti nalang hindi ako nilaglag ni Sejun pero si Ken talaga pahamak.

Dapat ay pupunta kami ng Amusement Park pero hindi natuloy, halatang dismayado si South buti nalang at sinabi ni Josh na mag re-resort nalang kami kaya medyo nabuhayan ulit siya.

Una palang naming pagkikita nung lalaking kapangalan ko, alam ko na agad na gusto niyang pormahan si South kaya hindi ko siya nagustuhan.

Si South? Popormahan niya? No way.

Halatang ilang si South kay Justine with E kaya naman ibinigay ko sakaniya yung bathrobe na gamit ko.

Pero etong si Justine with E ay hindi yata marunong makiramdam at tinabigan pa si South.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now