1-Uno

16.4K 297 40
                                    

Lucky POV

Ako si Alexander Lucky Sapalos isang simpleng bisexual na may isang kapatid na 12 months old, dalawa nalang kami sa pamilya dahil namatay ang inay at itay bago paman tumungtong si Uno ng isang buwan at dahil narin sa hirap ng buhay ay wala na kaming nagawa pa para isalba ang buhay nila.

Ngayong araw ay papunta ako ng palengke para magtinda ng isda raket of the day ko to ngunit bago yon ay kailangan ko munang iwan si Uno kay manang rosita.

Siya ang taong matagal ng kaibigan ng aking namayapang mga magulang at simula ng mawala sila ay siya na ang umalalay saming magkapatid.

"Manang Rosita" tawag ko sabay katok sakanilang mumunting pintuan.

"Oy Lucky ikaw pala yan halika..pasok... pasok" aya nito pero tumanggi nako nagmamadali narin kasi ako sayang ang kita.

Parang metro ng taxi umaandar kada minuto.

"Naku hindi napo iiwanan ko lang po sana sainyo si Uno para makasibat nako papunta sa palengke" medyo nahihiya ko pang turan rito.

"Naku gnon ba akin na at nagmamadali ka pala" at kinuha na nito si uno.

Mabuti nalang at bait si manang rosita hulog talaga siya ng langit saming magkapatid.

"Mauuna na po ako manang babalik nalang po ako mamaya para sunduin siyang muli" turan ko sabay kamot sa ulo.

"Naku oo sige, ikaw talagang bata ka parang nahihiya kapa sakin gustong gusto ko ngang may inaalagaan ako kesa sa wala, halat sige na at baka mapagalitan ka nanaman ng amo mo" pagtataboy niya sakin.

"Sige po mauuna na po ako salamat po" at tuluyan nakong umalis.

Nang makarating ako ng palengke ay agad ko ng pinuntahan ang pwesto ni Mang Nikanor.

Ang aking boss ngayong araw. Sinuot ko ang apron ko at pumwesto na saaking pwesto.

"Oh Lucky andiyan ka na pala tamang tama ang dating mo at marami ng bumibili kaya asikasuhin mo na yung iba" tumango ako dito bilang sagot.

"Lucky baby!! Waaah! mabuti nalang at nandito kana! Pabili naman ako ng isang kilong tilapia para pampulutan mamaya" sigaw nito na animoy sirena ng bumbero.

Susko napaka ingay talaga ng babaeng ito.

Siya nga pala si Chona ang babaeng singlake ng pirana ang ngipin at bunganga.

Hindi sa nangmamata ako ng kapwa pero iyon ang totoo sakanyang itchura.

Kinilo ko ang tilapia at isinupot ito sabay bigay sakanya.

Nagbayad siya ng 120 pesos kaya sinuklian ko siya ng sumpung piso.

Sa panahon ngayon wala ng mura kaya wag na kayong magtaka sa kilo ng isda.

Inabot niya ang sukli sa kamay ko ngunit may kasamang himas ang ginawa niya napaka tsansing talaga ng isang ito napaka lande -_-

"Ahm..Lucky kung pwde ka mamaya punta ka sa bahay birthday kasi ni ate may konting handaan baka lang naman gusto mong pumunta" kindat niya at kumagat labi pa.

Gerrr nakakakilabot😣

"Oy oy! Chona tigil tigilan mo yang paglalandi mo kay Lucky at walang talab yan sakanya may inaalagaang kapatid yan kung saan saan mo pa niyayaya" Sulpot ni mang nikanor.

Hayyy salamat at may dumating na tagapagligtas.

"Eh..si mang nikanor naman niyayaya ko lang naman si Lucky puro nalang kasi siya trabaho baka gusto niya namang lumabas labas paminsan-minsan " sabay himas nanaman sa kamay ko papuntang braso.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon