10- Diez

4.5K 145 4
                                    

Lucky POV

"Heyo my dearest lucky! How u doin men" sulpot ni Elena sa pinto namin.

"Wag mo kong english-sin hindi ako americano" Walang gana kong sabi rito.

Thursday ngayon may trabaho sana ako pero wala si mang nikanor at wala rin si manang rosita kaya ang lagay ay nanatili nalang ako sa bahay.

"Init naman ng ulo mo ma men, papasok ah" Galing wala pa nga akong sinabi pumasok na agad-_-

"Ano nanaman bang kailangan mo sakin? kung naghahanap ka ng makakasama hindi ako pwde binabantayan ko tong kapatid ko kaya yayain mo nalang ang girlfriend mo para hindi ka nang-aabala ng ibang tao"

"Kalma kalang mamen" aniya sabay patong ng paa niya sa mesa.

"Wag mong ipatong ang madumi mong sapatos sa lamesa kakatapos kolang linisin yan" agad niya itong binaba at umayos ng upo.

"Ito na nga ang init talaga ng ulo myghadd! anyway nandito ako para ipaabot sayo ang isang magandang balita, good news to mamen ah, GOOD NEWS kaya sure ako na magugustuhan mo" paulit ulit niyang sabi

"Ano bayon?" Walang tingin tingin na tanong ko sakanya.

"Bago ko sabihin wala ka manlang bang pa meryenda diyan, you know pakain kahit coke lang or sprite tapos tinapay"

"Ibang klase karin talaga eh no, ikaw na nga itong mas may kaya sating dalawa, ikaw pa tong may ganang magtanong sakin kung wala bakong pameryenda diyan.

Alam mong wala akong trabaho ngayon kaya wala akong pera, pero kung nagugutom ka pwde ka ng umuwi sainyo at doon ka kumain" litanya ko.

"Arouch naman mamen pinapalayas mo na talaga ako" hawak niya sa dibdib niya."sasabihin ko na nga lang. Okay...ehem. Nandito ako kasi inirekomenda kita sa tito ko na pumalit doon sa nag resigned nilang taxi driver, wala pa silang nahahanap kaya naisip ko na baka gusto mong pasukin ang pagmamaneho tutal dati ka namang nagmaneho ng tricycle, sayang din yon boundary lang ang kailangan mong ibigay the rest sayo na ang lahat ng perang kikitain mo. Malaki laki din ang kita sa taxi kesa sa pagtatrabaho sa palengke at iba ibang grocery store diyan" Inilagay ko muna sa higaan ang kapatid ko bago tuluyang nakipag-usap sakanya.

"Pag isipan mo munang mabuti kung gusto mo, tyaka kita isasama sa pwesto ni tito para maipakilala na kita" habol niya pa.

"Ikaw narin ang nagsabi tricycle ang minamaneho ko dati hindi taxi na may apat na gulong"

"Wala namang problema don, pwde naman kitang turuan sandali lang naman yon. Sayang yon kesa ibigay sa iba diba" Napaisip ako saglit..sabagay sayang din yon.

"Hm. Sige pumapayag nako" tugon ko

"YES!" malakas niyang sigaw. Nagising niya tuloy ang kapatid ko kaya umiyak ito ng malakas.

"Bunga nga mo talaga, pati kapatid ko ginising mo kakapatulog ko panga lang" asar kong sabi .

"Hehe sorry,pero bestfriend aminin mo ang ganda talaga ni Ms,Everlyn no" pagbubukas niya ng usapan
Pinakita niya sakin ang litrato sa phone niya na ako ang kumuha.

Aaminin ko nahiya ako sa sinabi ko ng mga oras nayon pero ano pabang magagawa ko nasabi kona pero sa totoo lang kung anong ginanda niya sa malayo ay mas higit pa pala yon sa malapitan, ang tangkad din niya, sobrang tangkad, mas matangkad pa sakin well nakatakong nga pala siya.

"Ito naman yung sainyong dalawa haha, ayaw mo pang ngumiti dito oh" Tama hindi nga ako nakangiti don purong flat na emosyon lang ang ipinakita ko hindi ako sanay sa picture picture bakit ba.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon