31-Treinta y uno

2.5K 75 0
                                    


Pagkarating namin sa food station ay napatingin samin ang mga tao paano ba naman kasi si Sophia buhat buhat si uno na natutulog sa balikat niya at yung kanang kamay niya naman nakahawak sa kamay ko. Nakakahiya baka anong isipin ng mga tao.

"Ayun sila" Turo niya sa pwesto ng mga kapatid niya at syempre nandon din ang boyfriend ni Ms,Eve

Hinila ni Sophia ang kamay ko kaya napasunod ako sakanya papunta sa kinaroroonan ng lahat. Nakatingin din sila samin lalu na ang mga kapatid niya at si Ms,Lexi. Umupo si Sophia kaya pinagtulak ko siya ng upuan bago umupo inayos niya ang hawak niya kay uno bago nagsalita

"Sabi niyo hihintayin niyo kami ngayon pala pagdating namin dito kumakain na kayong lahat" Nakalabing tampo niya

"Ops sorry baby ang tagal niya kasi kaya kumain na kami" paliwanag ng mama niya

"Kumain narin kayo mga anak kuha nalang kayo ng pagkain don eat all you can yon kaya sulitin niyo nadin kagaya ko" pabiro ng papa nila pinalo naman siya ni maam pinckey pero mahina lang

"Ano kaba naman pa nakakahiya sa mga tao baka marinig ka" Saway ni maam tumawa lang si Ms,Farella "Kumuha na kayo ng pagkain don at ng makakain na"

"Yes mom" sagot ni Sophia "gusto mo ako nalang ang kumuha ikaw na munang humawak sakanya?" Tanong niya sakin

"Hindi ako na, ipagkukuha nalang kita" Sagot ko naman at tumayo na. Pagdating ko don ay nakakalulang pagkain ang tumambak sakin. Hindi ko alam ang gusto niya kaya kumuha nalang ako ng lahat ng potahe siguro mga 5 din na ibat-ibang klase ng ulam syempre ang kanin nadin. Ako naman 3 kalse lang ang kinuha ko more on seafood din kasi ang nandon. Diba allergic ako don.

Bumalik ako sa umupan namin at inilapag ang plato niya na naglalaman ng pagkain "Ang dami naman nito gusto mo ba akong patabain?" Sabi niya

"Sorry hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya kinuha kuna lahat para marami kang pagpipiliin atyaka ang payat payat mo narin kaya ubusin mo yan para tumaba ka naman haha" biro ko sakanya kinurot niya naman ako sa tagiliran. Nakitawa din ang mama at papa niya saming dalawa habang yung mga kasama naman namin ay tahimik lang na kumakain.

"Akin na muna yang si uno at ng nakakain kayo ng mabuti" Pahayag ni maam ibinigay naman ni Sophia sakanya si uno mukang tapos narin kasi silang kumain napatingin ako sa iba naming kasama.

Si Ms,Ellis kumakain na ng panghimagas si Ms,Lexi naman ay ganon din, habang si Ms,Violet ay kumakain ng kanin at gulay ang ulam at si Ms,Eve naman ay gulay lang ang kinakain himala hindi yata siya nagkanin ngayon, ah baka dahil andiyan ang boyfriend niya kaya hindi siya kumakain ng marami.

"Swimming tayo pagkatapos nating kumain" Aya ni Sophia sakin

"Hindi pa nga tayo tapos kumain nag-aaya kana kaagad" biro ko sakanya napanguso naman siya, nacute-tan ako kaya pinisil ko ang pisngi niya nagreklamo naman siya sakin pero tinawanan ko lang siya. Pagkatapos naming kumain at magpahinga ay bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto, sina maam pinckey muna daw ang bahala kay uno dahil nga gusto nga daw mag swimming ni Sophia hindi ko naman pwdeng ibilad sa mainit na araw ang kapatid ko baka tuluyang masunog biro lang hahaha.

"Wait lang ah magpapalit lang ako hintayin moko diyan" paalam niya at pumasok na ng banyo kumuha naman ako ng pampalit ko isang shorts na may designt at isang short sleeve na polo na pang summer, alam ko alam ko magmumukha nanaman akong lalake sa suot kong ito.

Bumukas ang banyo at inilabas nito si Sophia na nasuot ng maliit na short at puting tshirt na medyo may pagkalakihan sakanya pumasok nako ng banyo ng makalabas siya at nag bihis na.

(Ito nga pala ang suot niya mga anak)

(Ito nga pala ang suot niya mga anak)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon