14- Catorce

4.2K 131 9
                                    

Lucky POV

"Wow ang liit talaga ng mundo" Sabi ni Elena pagkatapos kong ikwento kung paano ko AKSIDENTENG nakilala ang magkakapatid na Ferella, totoo namang aksidente lang ang lahat ng nangyari hindi ko rin naman inaasahan na mga sikat at mayaman pala sila kung kay Everlyn ay alam ko naman na mayaman siya at si Lila(violet) narin dahil sa nangyari pero hindi ko naman inaasahan na magkakapatid pala silang lahat.

Yung isa tinulungan lang ako para bitbitin ang pinamili ko at yung isa naman binigyan ko lang naman ng panyo kahit sino naman siguro gagawin ang ginawa ko diba?.

"Alam mo bestfriend tingin ko itinadhana talaga to eh" Makahulugang sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"Bobo lang bestfriend?" Binatukan ko siya

"Aray! Kasi naman eh napakasimpleng bagay dimo magets"

"Ayusin mo makakatikim ka ulit ng isa sakin" banta ko.

"Oo na! Oo na! Ibig kong sabihin ay parang itinadhana talaga na makilala mo ang Farella sister, alam mo yon yung parang ang kapalaran na yung nagtatagpo sainyong lahat malay mo baka isa na pala sakanila yung para sayo diba"

"Alam mo ang tanda tanda muna mahilig ka paring maniwala sa mga tadha-tadhana nayan, hindi totoo ang tadhana dahil ang tao ang gumagawa ng tadhana niya" Sabi ko naman.

"Tss. Oo nalang" pagsang-ayon niya.

"Dito nalang ako, ibaba mo nalang ako dito" utos ko sakanya.

"Sige bestfriend next time nalang ha" sabi niya at tuluyan nakong bumaba ng kotse.

Kumatok ako sa pinto at agad naman itong binuksan ni manang "Hello po manang" bati ko sakanya

"Hello din naman sayo  halika pasok ka". Pumasok ako at umupo sa upuan.

Hindi kasing lambot ng upuan sa bahay ng mga Ferella pero sapat na para hindi ka mangawit sa kakatayo .

"Nagmeryenda kanaba?" Tanong niya.

"Hindi na po kailangan busog pa naman po ako" Pagpapaalam ko

"Ah ganon ba" umupo siya sa kabilang upuan at uminom ng kape.

"Alam mo ba yang kapatid mo ang takaw takaw sa tulog, aba'y iniwan ko sa kama ng 2 oras para makapag linis ako at hindi manlang nagising" Tuwang tuwang kwento niya

"Haha baliktad po sakin kapag po kasi nasa bahay kami ay mulat na mulat ang mata niya ni hindi nga po ako makapag linis dahil gising na gising siya. Kaya kapag nakatulog siya ay naglilinis ako ng mabilisan" Pagkukwento ko naman.

"Siya nga pala kumusta ang pinuntahan niyo?" Tanong niya.

"Sa totoo lang po ay okay na okay binigyan po ako ng trabaho noong taong nakaalitan ko" Pagkukwento ko.

"Aba'y maganda yan" Masayang sabi niya.

"Oo nga po eh, kaya hindi niyo na po kailangang bantayan pa ang kapatid ko doon na po kasi kami titira simula sa lunes pumayag po sila na dalhin ko don ang kapatid ko" Kwento ko.

"Ganon ba mabuti nga yan para hindi nawawala sa paningin mo ang kapatid mo, basta anak kapag kailangan mo ng tulong andito lang ako" Pahayag niya at hinaplos ang kamay ko.

"Opo manang salamat nga po pala sa pagttyaga sa kapatid ko at salamat din po sa lahat ng mga ginawa niyo para samin wag po kayong mag-alala dadalaw dalaw po kami dito sainyo" Paninigurado ko sakanya.

"Aba'y hihintayin ko ang araw nayan" Inabot niya sakin ang kapatid ko kasama ang bag na naglalaman ng mga gamit niya.

Umuwi nakami ng bahay at naligo narin ako agad kinuha ko ang cellphone kong di-keypad at tinext si sophia.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon