26-Vientisèis

2.6K 86 0
                                    

Lucky

"Bestfriend!" Sigaw ng kaibigan ko sa may pintuan ng coffee shop. Lumapit siya sa kinauupuan namin kasama si bella

"Hello Ms,Violet and Ms,Sophia" bati niya

"Hello Eloi and Hello Bell" bati naman ni Sophia sa dalawa.

Tumigil naman si Ms,Violet sa pagkalkal sa phone niya at napatingin sa gawi nina Elena

"Mabuti nalang at nandito kayo" Sabi ni Ms,Sophia kay Elena

"Ah oo nagtext kasi ako kay bestfriend at ang sabi niya ay nandito nga kayo yayayain ko sana itong bestfriend ko na sumali sa mga laro sa labas" Paliwanag niya. Kanina ko pa gustong lumabas pero inaalala ko si Ms,Violet baka wala siyang kasama dito umaalis alis din naman kasi si Sophia para ibigay ang mga order ng mga customer nila. Ayoko namang iwan siyang mag-isa

"Maglalaro kayo? Wow sali naman kami diyan ni ate" masaya niyang sabi "ate sali tayo ah" kausap niya sa ate niya

"I cant im wearing my skirt" sagot niya naman. Napasad face naman si Sophia.

"Kayo nalang panonoorin ko nalang kayo" pahabol ni Ms,Violet naexcite naman si Sophia at siya na ang nagyaya palabas. Nagbilin muna siya sa mga kasama niya bago kami tuluyang makaalis

Naunang maglakad sina Ms,Violet kesa samin kaya kaming dalawa nitong si Elena ang magkasama sa likod

"Buti at kasama mo si Ms,Violet dito" Umpisa niya

"Kapatid niya si Ms,Sophia kaya normal na ang pagpunta niya dito, driver nila ako kaya kailangan ko silang ipagdrive" sagot ko sakanya may iba kasi sa sinabi niya.

"Ahhh. Oo nga pala haha" Sabi niya nalang na halata namang pilit ang

"Ang sexy ni Ms,Violet sa suot niya no" Sabi niya habang nakatingin sa likuran ni Ms,Violet. Andito lang sa harap ang girlfriend niya pero kung makatingin sa ibang babae parang walang kasintahan

"Aminin mo sexy din siya sa paningin mo hindi lang sakin" pahabol niya. Totoo naman ang sinabi niya pero ayoko nalang sumagot sakanya baka bigyan niya pa ng malisya

Close ba silang tatlo? Nakikipag usap kasi si Ms,Violet kay isabella na parang matagal na silang magkakilala. Sabagay kakilala ngarin pala siya ni Sophia

Nakarating din kami sa malawak na field at kung kanina iilan palang ang mga laro ngayon ay mas marami na. Meron din pala sila dito noong agawang panyo ibang klase larong kalye pala talaga ito. Halata sa mga tao dito ang mukha ng pagiging isang mayaman pero kung makapaglaro sila ng mga larong kalye eh parang bihasang bihasa sila

"Kaya mo pa bang maglaro ng sipa?" Tanong niya sakin. Napatingin ako sakanya at hinanap din ng mata ko ang mga kasama namin. Nakita ko naman sila nakaupo sa isang bench na napapaligiran ng mga puno. Ang presko naman don.

"Hm.sakto lang" sagot ko naman. Laman kami ng kalye noong mga bata kami halos lahat ng laro nalaro namin talagang walang patawad pinapalo pa nga kami dahil ayaw naming matulog ng tanghali pero hindi parin kami nagpapaawat

"Tara sali tayo sa sipa" Aya niya at hinila nako

"Teka paano sila Ms,Violet"

"Ano kaba andon lang naman sila hindi naman aagawin ng iba si Ms, Violet kaya wag kang masyadong matakot haha" Sabi niya naman.

"Gago hindi ako natatakot na maagaw siya ng iba kung ano ano ang sinasabi mo" Puro katarantaduhan pala talaga ang nasa isip ng isang to. Hay nako bakit ko ba naging kaibigan to

"Oo na oo na tara na para makasali na tayo" At hinila pako palapit sa mga taong nagsisipa. Iniwan niya muna ako saglit at kinausap ang isang teacher na tingin ko ay ang tumitingin sa mga nagsisipa. Competition pala ito akala ko laro laro lang.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon