7-Siete

4.8K 138 7
                                    

Lucky POV
"Oh my ghaddd best!! Waaah!!! Nakita mo ba yon ha? Nakita mo? Nakita mo?" Nagwawalang sabi nitong kaibigan ko.


"Aray naman Elena" nabalian pa yata ako.


Humingi siya ng tawad"Opss sorry, pero nakita mo yon diba tumingin siya satin! Waahh tinignan tayo ng idol kong si Everlyn Juliet Farella!" Sigaw niya.

Hindi ko alam kung sa bunganga ba ng bestfriend ko ako mabibingi o sa napakalakas na musika dito sa kinalalagyan namin pero oo tama siya nakita kong tumingin nga talaga yung Everlyn na sinasabi niya sa pwesto namin o baka naman may tinitignan lang siya sa likod namin.

Syempre hindi lang naman kami ang nandito diba.

Napaka impossible naman na kami ang tinitignan niya, sa dami ba naman ng magaganda at gwapo dito saamin pa siya titingin na mukang gusgu- sandali pormal naman kahit papaano.


"Wag ka ng mag abala pang mag isip Elena dahil hindi lang naman tayo ang tinignan niya" turan ko at ibinaling na ang atensyon sa harapan. Aminin ko man o hindi pero parang sakin siya nakatingin.

Ewan ko ah, ayokong mag isip ng kung ano ano lalu na sa isang kagaya niya na mayaman, elegante kung manamit at mahirap abutin.

Para siya bituin sa langit na kahit kailan ay hindi mo maaabot dahil labas sa mundo ang kagandahan niya.


Napaka asul ng kanyang mga mata sa malayuan pero kung titignan mo ito sa malapitan mas asul pa ang mapapansin mo na parang kumikinang ng sobra.

Sangayon nasa intablado na ang atensyon niya kung saan nakatayo ang nag gagandahang mga dalaga ng bawat barangay namin sa Santa rosas. Maganda din pala ang kandidata namin, medyo payat ngalang siya hindi katulad ng katawan ng isang Everlyn pero matangkad siya at maputi.

Nagsipasukan na sa gilid ang mga kandidata na kanina ay nakaposisyon sa kanilang mga pwesto habang ang kanilang mga kamay ay nasa kanilang bewang.

Tingin ko ay tapos na ang formal attire nila. Ano kayang susunod?.


"Anong susunod?" Tanong ko sa katabi ko,tumingin siya sakin at ngumiti ng pagkalaki-laki. Mukha nanaman siyang manyak sa pinapakita niya ngayon.


"Swimsuit na" aniya at kumindat pa sakin. Kinurot ko siya sa hita.


"Alam mo ikaw pati dito dinadala mo parin ang kamanyakan mo"


"Hala bestfriend hindi naman kaya, natutuwa lang ako dahil malapit ng matapos itong event" aniya. Na halata namang hindi totoo.


"Baka ang sabihin mo excited ka na makakita nanaman ng hubad na katawan" walang gana kong sabi sakanya.


"Lah hindi naman, sakto lang haha, minsan lang to eh, kaya sulitan nalang natin, isa pa alam ko naman na gusto mo rin ang makikita mo mamaya haha" at tumawa lang siya ng tumawa.


"Wag mokong idamay sa kamanyakan mo, walang akong panahon sa ganyan" sabay upo ko ng maayos.


"Weh.. Sige sabi mo eh haha" aniya at tumingin na ulit siya sa intablado
Tumingin narin ako sa intablado kung saan may mga sumasayaw na grupo.

Kanina payang mga yan. Sa tuwing papasok ang mga kandidata para mag palit sila ang lumalabas para aliwin ang mga tao.

Nawala ang atensyon ko ng may maramdaman akong mga matang nakatingin sakin.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon