53

2.9K 86 0
                                    

Lucky

"Soph pwde ba kitang mayayang kumain mamayang gabi sa labas?" Nandito kami ngayon sa pool area ng bahay nila, tanging si sophia lang ang hindi nag siswimming sa mag kakapatid habang sila naman aandon sa swimming pool at sayang saya sa paglalaro ng race suot ang kanilang mga nag gagandahang two piece

"Totoo ba to? Niyaya mokong lumabas?" Hindi makapaniwalang tanong niya

"Oo sana, kung gusto mo lang naman" baka kasi ayaw niya pala tapos napilitan lang siya, ayoko naman ng ganon

"Wow! Sige sige game ako diyan!,yes! May date kami mamayang gabi woaah" sayang saya niyang turan at sumayaw sayaw pa napatingin tuloy samin ang lahat pati narin si maam pinckey na inaalalayan ang kapatid kong sayang saya sa tubig

Hinila ko siya "ano kaba nakakahiya"

"Sus ano namang nakakahiya don sina ate lang naman ang nandito haha" tawa niya sakin

"Anong oras pala tayo mamaya?" Tanong niya.

"7:30" sagot ko. 7:30 kasi ang pinag usapan namin noong dating katrabaho ko kung saan ko dadalhin si sophia. Maganda don hindi man masyadong mahal ang mga pagkain susyal naman tignan kaya maiisip ng mga tao na pang mayaman ang kainan nayon

"Okay sige sige, excited nako mabuti nalang at walang lakad ang barkada ngayong gabi" masaya niyang sabi sakin, kitang kita ang kinang sa mga mata niya sana ay hindi ito maglaho kahit ano man ang mangyari

Umalis si Sophia sa tabi ko at tumalon sa pool kung nasaan mismo ang mga kapatid niya para tuloy siyang malaking alon na bigla bigla nalamang dumating. Nag simula na silang maglaro si Sophia at Ellis ang magkakampi, si Ms,Violet at Eve naman ang kabilang kuponan. Umakyat si Sophia at Ms,Violet sa balikat ng mga kapartner nila at nagsimula na silang mag tulakan sa tubig

Unang nalaglag si Sophia kaya sila ang talo at ang pasura ay kailangang lumangoy ng dalawa sa ilalim at tyaka sila lulusot sa mga hita nina Ms,Violet. Ang saya nilang tignan lalu na si maam pinckey na pinapanood lang ang mga anak niya.

Nakita kong inipit ni Eve ang kapatid niya sa mga hita niya sa ilalim ng tubig kaya ng pag-ahon nito ay habol hininga siya "Ate!" Sigaw ni Sophia at nag tawanan naman sila habang inaasar si Sophia

"Oh tama nayan at kumain na muna tayo ng lunch" awat ni maam sakanila at bumalik na ulit dito sa mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain. Inabutan ko sila ng mga tuwalya na pampunas nila at sinunod ko naman ang mga plano na may nakalagay na kutchara at tinidor.

"Hmm.ang charap sino nagluto?" Tanong ni sophia habang punong puno pa ang bibig ng pagkain

"Si Lucky ang nagluto at ako naman ang assistant chef niya, ano masarap ba anak?" Tanong ni maam

"Yes mom ang sarap pwdeng pwde ka ng mag-asawa lucky girlfriend nalang ang kulang haha" nalunok ko naman ang sarili kong laway sa sinabi ni sophia, nagkatinginan silang tatlong magkakapatid pwera lang kay sophia na patuloy lang sa pagkain habang si maam pinckey naman ay pinapakain din ang kapatid ko

"Bata pa si Lucky tignan mo nga itong kapatid niya ang liit liit pa hindi pa siya pwdeng mag-asawa dahil dagdag gastusin lang yon" sabat naman ni maam pinckey

"Sabagay haha" tawa naman ni Sophia. Mabuti nalang at tumigil na si Sophia sa pagsasalita kaya nagkaroon din ng katahimikan sa hapag kainan

"Movie Marathon tayo mamaya" aya ni Ellis ng matapos na kaming kumain

"Game ako diyan" sagot ni Eve

"I'm in too" sagot naman ni Ms,Violet kaya si sophia at ako nalang ang hinihintay nilang sumagot

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon