37

3.2K 112 1
                                    

Lucky

Nagising ako sa iyak ng kapatid ko kasama ko siya ngayon sa higaan kinuha ko siya kay maam pinckey kagabi dahil nahihiya nako na siya nalang palagi ang nagbabantay sa kapatid ko. Ibabalik ko din siya mamaya dahil gustong gusto talaga ni maam na kasama ang kapatid ko ewan ko kung bakit pero mukang namimiss niya talagang mag-alaga ng bata

"Shhh tahan na" Pagpapatahan ko sakanya at binuhat siya sinayaw ko siya para muli siyang makatulog pero parang walang epekto sakanya. Baka gutom na siya nasa kwarto pa naman ni maam ang mga gamit niya.

"Akin na dalhin ko na muna siya kina mommy maligo ka nalang muna para makababa na tayo" bungad ni Sophia ng lumabad siya mula sa banyo. Gising na pala siya akala ko tulog pa

Kinuha niya sakin ang kapatid ko at lumabas na ng kwarto pumasok ako sa banyo at nagsimula ng maligo. Siya nga pala akala ko ba pupunta sila Elena sa palawan kahapon? Bakit hindi manlang siya nag text o tumawag kung nandito na sila? Biniburo lang yata ako ng gagong yon.

Bumaba na kami ni Sophia ng matapos akong mag-ayos dumirteso kami sa catering kung saan kukuha ng pagkain at sumandok na, ayaw kong magkanin ngayon tingin ko kasi may gagawin kaming nakakapagod, ramdam ko lang kaya ko nasabi yon ewan ko ba malakas pakiramdam ko eh. Umupo kami sa upuan nakahiwalay kaming dalawa sakanila ewan ko anong trip nitong si Sophia pero hinayaan ko nalang siya baka gusto niya lang ng katahimikan

"Selfie tayo" Sabi niya sakin sabay pakita niya ng phone niya.

"Pwde mamaya na? Kumakain pa tayo eh, kumain kanalang muna"

'Pssh oo na nga" Nakalabing sabi niya at kumain na gaya nga ng sinabi ko pagkatapos naming kumain ay nagselfie kaming dalawa. Nagpapicture din siya sakin habang may hawak siyang mug na animoy umiinom talaga. Ang ganda talaga ng babaeng to halatang beauty queen tss. Edi sila na haha

"Laro tayong volleyball" Suggestion niya ng may makita siyang naglalaro ng volleyball sa dikalayuan, sabi ko na nga ba may mangyayari eh.

"Okay" sagot ko natuwa naman siya at napapalakpak pa. Napailing nalang ako sa inakto niya para siyang bata. Umakyat kami sandali ng kwarto at nagbihis dahil pagkatapos daw naming maglaro ay tuloy na kami sa paglangoy sa dagat. Oh diba hindi lang aalat ang dagat aasim pa haha.

Bumaba na kami at tumuloy na sa dalampasigan kung saan nakalagay ang net nagagamitin namin. Andito ang lahat sakto lang kaming anim kaya pumili na sila ng mga kasama nila. Si Ms,Eve pinili niya si Ms,Lexi at Ms,violet habang ang kasama ko ay sina Sophia at Ellis.

Sila ang unang magsserve ng bola. Pinalo ni Ms,Eve ang bola papunta sa pwesto namin at agad din naman itong inangat ni Ellis tinos ni Sophia at pinalo ko ito ng pagkalakas lakas akala ko sa lupa na ito tatama pero biglang lumitaw si Ms,Violet at itinaas ang bola tinira ito ni Ms,Eve pabalik samin, si Sophia naman ngayon ang sumagot at tinos ito ni Ellis at ako nanaman ang pumalo at sa ngayon ay sa buhangin na ito tumama. Nagtalunan kami at nag apir sa isat isa.

Nag serve ako at nasalo naman ito kaagad ni Ms,Lexi tinos ni Ms,Violet at tinira ni Ms,Eve ang layo ng narating dahil palobo ang pagkapalo niya hindi kagaya ng akin nasalo ito ng isang babae at ng makita ko kung sino ito ay si Elena pala kasama ang girlfriend niya. Pupunta pala talaga sila.

"Pwde sumali?" Tanong niya samin habang hawak ang bola na nakaipit sa balakang niya nagmukha tuloy siyang volleyball player. Naglaro siya noong highschool sa skwelahan namin kaya masasabi kong kaya niyang makipag sabayan

"Yeah sure pick your group" Sagot ni Ms,Eve

"Salamat idol pero gusto ko sanang makateam si bestfriend at si Isabella pati narin si Ms,Lexi kaya kung okay lang sana kayong apat na magkakapatid ang magkakasama sa isang group" Sabi niya pumayag naman si Ms,Eve kaya lumipat na sila Sophia sa kabilang net. Ayaw pa sana ni Sophia pero wala na siyang nagawa kundi sumunod sa ate niya.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon