22-veintedoś

2.8K 81 1
                                    

Lucky

"Oh anak ang aga mo yata?" Dinig kong tanong ni Maam Pinckey sa anak niyang si Ms,Ellis

Nakaupo ako ngayon at tahimik na umiinom ng kape na may gatas at pinarisan ng pandesal. Masarap to tuwing umaga

"Yes ma, pinapapunta po kasi ako ni manager Blake para macheck ko na ang mga contrata na dapat kong tignan" Sagot niya.

"Ah ganon ba, susunduin ka ba niya?" Tanong ulit ni Maam Pinckey.

"No ma" Sagot naman ni Ms,Ellis. Napatango nalang si maam habang hawak ang kapatid ko.

Ang sabi niya sakin kapag kailangang ipagdrive ang mga anak niya ay siya na muna ang bahala kay uno tutal kasama naman daw niya ang mga yaya kaya hindi lang siya ang mag-isang mag-aalaga. Ayoko pa sanang pumayag pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang mismong boss ko

"Hindi kaba muna kakain?" Muling tanong niya

"Hindi na ma doon nalang po may dinner din naman po kami brix" Sagot niya. Sino si brix?

Sumagot naman sakin si maam ng pabulong na akala mo ay nabasa ang nasa utak ko "bago niyang manliligaw" bulong niya. Ahh.. "Bantayan mo ang anak ko ha, may tiwala ako sayo hindi ka nalang ngayon basta driver gagawin narin kitang body guard" dugtong niya...

Tumango nalang ako para hindi mahalata ni Ms,Ellis ang sekreto naming pag-uusap ng mama niya

"Pano ma alis na po ako Lucky lets go" Anunsyo ni maam agad naman akong tumayo.

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa back seat at sumakay na sa driver seat.

"Ahm maam este Ellis san po tayo?" Tanong ko

"Sa Wamper Agency tayo" sagot niya.

"Ahm.saan po yung wamper agency?" Tanong ko naman. Hindi pako pamilyar sa mga lugar dito kaya hindi ko alam kung paano ko siya ihahatid don.

"Magdrive ka nalang at ituturo ko sayo" Sagot niya.

Makalipas ang ilang minuto ay narating din namin ang Wamper Agency, isa itong malaking building na napapaligiran ng kabi-kabilang billboard. Dito ba siya nagtatrabaho? Pero ang alam ko sa beauty pageant siya sumasali bakit nandito kami sa isang modeling company?

Pumasok na siya sa loob kaya sumunod naman ako, hindi nalang ako basta driver ngayon dahil body guard narin ako oo tama.

Nakasunod lang ako kay Ms,Ellis hanggang sa elevator hindi naman siya nagtanong kaya patuloy lang ako sa pagsunod sakanya. Bumukas ang elevator at sabay narin kaming bumaba

"Good morning Ms,Ellis" Bati ng iilang empleyado

"Good morning din" Bati niya "hintayin mo nalang ako dito sa labas" Pahayag niya sakin, tumango naman ako bilang dagot.

Nakaheels pala siya kaya naman pala mas matangkad nanaman siya sakin. Hindi ba sumasakit ang mga paa nila sa sobrang taas ng heels na sinusuot nila? Ibang klase pala talaga ang mga babae.

Oo alam ko babae din ako pero hindi pa ako nakakapagsuot ng mga heels at hindi ko nakikita ang sarili ko na magsusuot non balang araw

"Hello bago ka dito?" Inosenteng tanong ng isang babae sakin. Nasa harapan ko siya ngayon, pormal ang suot niya at nakatali din ang buhok niya isa siya sa bumati kay Ms,Ellis kanina

"Ay naku hindi po, driver bodyguard po ako ni Ms,Ellis" Magalang na sagot ko, mukha naman siyang mabait kaya wala akong karapatang mag maldita.

"Ah ganon ba akala ko bagong recruit ka ang tangkad mo kasi at ang ganda din ng katawan mo kahit ang laki laki ng damit na suot mo. May abs kaba?" Nakakabiglang tanong niya

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon