CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE

521 40 11
                                    


All the PAs have gathered in the Conference Room, most likely to discuss the recent attack on GC Mall by an unidentified assailant.

Currently, the mall is temporarily closed for renovations. Regarding the Snellenn Family Case, Ashmer and I have decided to keep it a confidential mission. Kenshane and I will be handling it. Gabriella was initially considered, but she still has a pending mission with Jinro, and agents can't take on double missions.

Following this meeting, I'll have a conversation with Shane, and we'll review the CCTV footage from the day of the attack.

What truly puzzles me, assuming the target is Snellenn, is the extent of the mall's damage. Something doesn't quite add up. Formulating a theory about this tragedy is proving to be a challenge. Nonetheless, I'm determined to uncover the entire story.

Focus ka muna sa meeting na ito, Marci at baka makahalata silang lutang ka.

"Sana naman ay magsilbing leksyon sa ating lahat ang nangyari. Walang tutulog-tulog sa pagkakataong ito dahil sinasabi ko sa inyo, maaaring may umatake ulit sa mall natin," ani Boss. Nagtanguan naman kami.

Yes. Maaaring may umatake ulit dahil kung totoo man ang hinala namin na ang Snellenn Family talaga ang target ng pasabog na iyon at nagkataon lang talaga na nasa GC mall ang buong pamilya.

Ibig sabihin din ay hindi pa kumikilos ang PC laban sa amin. Hindi pa rin kami ligtas sa kanila. At kahit kailan  ay hinding-hindi talaga magiging ligtas ang GC.

"Walang lovelife-lovelife, Kenshane, pati na ikaw Lovimer," malokong saad ni Xandria.

"Ahuh!" sang-ayon naman ni Shines.

"Since nakabalik na rin naman sina Lite and Nite, pwede na silang sumabak sa isang pagsubok para maging ganap na rin silang Prime Agents," suhestiyon ni Crystal.

"Alam na ba ito ng dalawa?" usisa ni Kenya na nasa katinuan niya na matapos ang eksena niya na ginawa kahapon sa DH. Confirm, buntis nga ang haduf. Ilag na tuloy sa kanya si Lyssa.

Speaking of that kid, nasa flat siya ni Ashmer kasama si Lite. Mas gusto niya yata sa lungga ng isa kaysa sa akin, eh. Hinayaan ko na lang muna since magiging busy din naman ako. Tsaka na ako babawi kapag tapos na ang misyon ko sa pamilya niya.

"Actually, sila rin naman ang may gusto. Mas okay na rin 'yon since n-nabawasan kayo ng isa," sagot naman ni Ashmer.

Nakakabinging katahimikan ang namayani, ang iba ay alam kong palihim na napatitig sa akin. Pinigilan kong huwag mapabuntong hininga.

"Yeah, Boss is right. Kailangan na ngang dumagdag ang bilang ng PA lalo na ngayon at lumalaki na rin ang pamilya ng GC. Mas mabuting marami tayong well-trained," kalmadong basag ko sa katahimikan.

Saka after ng misyon ko, aalis na rin naman ako dito. It's either si Kenya or Kenshane ang pumalit sa akin bilang PA leader. Pwede ring si Gabriella but knowing my twin, baka sumabay pa ito sa akin.

"Sa bagay, at saka right din naman nina Lite at Nite na maging PA dahil pioneers naman ang parents nila," saad din ni Lovimer.

"One more thing, magpapa-resgister na din pala sina Aciekel and Froizel. Sa wakas, nagising din ang dalawang 'yon, kaloka."

Nagkatinginan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Kenya. Ang tinutukoy niya ay
ang dalawa pang Guieco na pinsan nila na hindi pa nga member ng clan pero nakapag training na sila rito noon.

Well, good to hear. Mas marami, mas masaya at mas ligtas ang camp sa mga kalaban.

"Saka 'yong pinsan nila sa mother side na si Beatrice," dagdag ni Kens sabay siring ng tingin sa akin. Nagtatanong ko naman siyang tiningnan. Ngumisi pa siya bago magsalita. "Ang best friend ni Marciella," aniya sabay hagalpak ng tawa, sinabayan pa siya ng mga pinsan niyang sina Lovimer, Jinro at Kenshane. 

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now