CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY

536 42 14
                                    


"Marciella, sana sinabi mo na lang ang totoo, eh. Sana hindi ako nasaktan nang ganito!"

"Percy, I'm sorry. Naduwag ako, I'm sorry. Kung maibabalik ko lang sa dati ang lahat, gagawin ko ang sinasabi mo, gagawin ko Percy."

"But you did not!" Binunot niya ang baril na nasa kanyang tagiliran at ipinutok iyon direkta sa akin.

"Percy, no!"

"Tita, wake up."

Napabalikwas ako ng bangon. Nakapa ko pa ang dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog ito.

What was that?

"Percy?" usal ko pa at inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng aking kwarto pero wala naman akong nakita.

"Percy who, Tita Marci? It's me, Lyssa" saad ng bata na hindi ko alam kung bakit nasa kwarto ko na.

Tumayo siya sa bed ko at inayos ang magulo kong buhok. Kinalma ko ang aking sarili.

No, it was just a dream, Marci. Hindi ka magagawang patayin ni Percy for real. Nakokonsensiya ka lang.

"Nanaginip ka po ba?"

Marahan na tango lang ang isinagot ko sa kanya. Niyakap niya ako sa aking leeg mula sa likuran.

"Pareho lang po tayo, napapanaginipan ko po ang sister ko. She's crying Tita and I don't know why it hurts me."

Iniharap ko naman siya sa akin. Pinahid ko ang luhang kumawala sa magaganda niyang mata. Hazel brown, iyon ang kulay niyon.

"Tahan na, okay? Magiging maayos din ang lahat. Magiging okay din tayo pareho. Help Tita Marciella to move on and I will help you also, ayos ba iyon?"

"Po? Move on from what po ba? Did you and your boyfriend breakup, Tita?"

Natameme naman ako sa tanong niya. Paanong ang five-year-old kid ay alam na ang konsepto ng pagkakaroong ng boyfriend?

"Eh? Pero hindi naman po ako iniwan ng boyfriend ko, ha? Wala naman akong boyfriend. Ang bata ko pa, eh." Humagikhik pa siya.

Kapag move on, iniwan agad? Sakit din sa panga ng batang ito.

"That's not what I mean, Lyssa. Sa ngayon 'di mo pa maiintindihan ang punto ko."

"Gano'n po ba iyon? Kailan ko po maiintindihan? Matagal pa po ba?"

Ngumiti naman ako sa kanya at pinat ng  bahagya ang ulo niya.

"Matagal pa kapag malaki ka na kagaya ko."

"Ngek, tagal pa po pala niyon. Eh, where's my family po ba? Kailan sila babalik? Sabi kasi ni Tito Ash, umalis daw muna sila pero magkikita naman daw po kami sa tamang panahon. Hindi niya naman po sinabi kong kailan, eh. I just hope na makita ko na uli sila. Miss na miss ko na si Allyrra."

Napalunok naman ako. Bakit hindi niya sinabi ang totoo sa bata? Napakahaduf talaga.

Well, kung sabagay, kahit ako man ay hindi ko rin kayang sabihin sa kanya ang totoo, eh. I just don't know how.

"Sinong nagpapasok sa'yo rito?" tanong ko sa kanya. Umarko naman pataas ang isang kilay niya.

"Bakit po? Bawal?"

Pasimple akong napakamot sa noo. "Hindi naman. I mean, sino ang kasama mong pumasok dito?"

"Si Tita Gabriella po, 'yong kamukha mo nang konti saka si Tito Jin 'yong kaaway niya po."

"Kaaway?" natatawa kong tanong. Ang dalawang 'yon talaga. Hindi na nagsasawang magbardagulan.

"Yes po, sabi ni Tita Gab, sasapakin niya daw si Tito Jin. Sabi naman po ni Tito Jin, ihahagis niya raw sa bangin si Tita Gab. Bad po 'yon, 'di ba? Pinapagalitan po kami ni Mommy kapag nag-aaway kami ni Lyrra eh," naka-pout niya pang saad. I can't help myself but to kiss her pinkish cheek.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang