CHAPTER 26- OFFICIALLY

559 41 3
                                    


Pareho kaming napapitlag ni Ash nang bumukas ang pinto at iniluwal si Gab. Napansin ko ang biglaang paninilim ng kanyang mukha nang makita niya ang lalaki.

"Sorry sa disturbo. Hindi ko alam na may bisita ka pala," walang gana niyang saad at akmang lalabas na pero mabilis na nahawakan ko ang kamay niya. Malamig ang tingin na ipinukol niya sa akin.

"Bitiwan mo ako," may diin niyang asik. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito.

"Gab, mag-usap tayo, please?" pakiusap ko pa sa kanya at binitawan na siya pero sa halip na sumagot sa akin ay hinarap niya si Ash at binigyan ng isang matunog na sampal.

Wala sa sariling napalunok na lang ako. Ibang Gabriella ang nakikita ko. Hindi ko alam kung paano siya aawatin. Bakas sa mga mata niya ang galit.

"Matagal ko na 'yang gustong gawin sa'yo. Simula nang saktan mo ang kakambal ko. Alam mo bang tahimik siyang umiiyak ng dahil sa'yo?"

Napatingin naman si Ash sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Of course, not. Hindi mo alam kasi wala ka namang pakialam, eh. Sarili mo lang kasi ang iniintindi mo. Pero ako, Ashmer, alam ko ang lahat ng sakit na pinagdaanan ng kapatid ko dahil sa'yo. Alam na alam."

"I'm sorry, Gabriella..."

"Sinabi ko bang magsalita ka? I don't need your sorry dahil hindi naman na maibabalik pa ang nakaraan ng salitang iyan. We lost Percy at dahil iyon sa mga maling desisyon na nagawa mo. From the very beginning, Ashmer, alam kong mahal mo ang kakambal ko, eh, pero bakit pinili mong isantabi ang nararamdaman mo para sa kanya at pagbigyan si Percy? Bakit mas pinairal mo ang awa mo sa kaibigan ng kapatid ko kaysa sa pagmamahal mo sa kanya?"

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi niya kay Ashmer pero alam kong tama siya. Na natutupok niya ang katotohanan dahil sa emosyong nakikita ko sa mukha ng lalaking kausap niya.

"Tinanong kita noon, Ashmer, kung sino ba talaga ang mahal mo at sinabi mong si Marciella. Inulit ko pa ang tanong ko sa'yo at parehong sagot lang din ang nakuha ko pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may Percy sa eksena!"

Natigilan ako dahil sa sinabi niyang iyon. Gusto kong magtanong pero hindi ko na makapa pa ang dila ko.

"Yes, Marci, alam ko na ikaw talaga ang mahal ni Ashmer at bakit 'di ko sinabi sa'yo? Dahil ayokong kagaya ko ay maguluhan ka rin at mas lalong mahirapan. I chose to keep my mouth shut dahil iyon ang nararapat. Galit ka sa akin? Kung oo ay dapat na mas magalit ka sa lalaking ito."

"G-Gab hindi. Hindi ako galit kasi naiintindihan ko naman ang punto mo. Siguro nga mas mahihirapan akong magparaya kung alam kong ako naman pala talaga ang mahal ni Ash noing una palang."

"Alam kong alam mo, Marciella kaya 'di ko na din dapat pang sabihin sa'yo," walang gana niyang saad at tumingin ulit sa kay Ash.

"Ngayong wala ng Percy, malaya ka na ulit na mahalin ang kapatid ko, Boss. Pasalamat ka at nagtatanga-tangahan itong kakambal ko sa'yo kaya nakuha mo na naman ang loob niya. Ha! Payapa!" sarkastikoniyang saad. Siniringan niya ako ng tingin.

"In case na mangyari man sa akin ito, 'yong magpakatanga rin ako sa isang tao kagaya mo, gantihan mo na lang ako Marciella pero mukhang matagal pa iyon," nakangiwi niya pang saad.

Hindi ko alam kung maiinis mo matatawa ako sa sinabi niya.

"Tanga na kung tanga, Gab."

"Ay? Eh kung pagbuhulin ko kaya kayong dalawa? Wala akong tanga na kakambal! Tsaka ikaw." Kwinelyuhan niya pa si Ash.
"'Wag na 'wag na 'wag mo ng sasaktan itong tanga kong kapatid dahil kapag ginawa mo, ako na mismo ang mag papasabog sa camp na ito at uunahin ko ang office mo at sisiguraduhin ko ring nandodoon ka sa loob para payapa ang buhay natin pare-pareho, naiintindihan mo ba?"

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt