CHAPTER 31- DREAM

453 38 6
                                    


"Uy, magkagalit kayo niyon?" usisa sa akin ni Gab sabay nguso sa lalaking nasa table nina Kenya. Kapapasok pa lang din nito at kasama si Lyssa.

Mula kaninang tanghali ay hindi na kami nagkausap pa. Gusto ko sana siyang puntahan sa opisina niya pero nahihiya ako. Kahit hindi niya man aminin ay alam kong galit o nagtatampo siya sa akin. Iyon kasi ang nararamdaman ko.

"Hindi naman," tanggi ko pa.

Umismid lang ang Silang. "Payapa! Di kayo magkagalit pero magkaiba kayo ng mesa at hindi pa kayo sabay na dumating? Actually, kahapon ko pa kayo napapansin. Mga adik!"

Napabusangot na lang ako dahil sa tabas ng dila nitong kausap ko.

"Mas adik ka nga, eh," sabat ni Jinro na nasa tabi ko lang habang tutok na tutok sa kaniyang cellphone. Naglalaro na naman ng online game.

"Ikaw nga ang pinakaadik, eh. Kita mo nga, kakain na lang pero nagce-cellphone pa rin. Matalo sana."

Kasabay nang pagkasabi niyon ni Gab ay narinig namin ang 'Defeat' mula sa phone ni Jin. Napahagalpak ng tawa ang haduf kong kambal habang nakabusangot at matalim naman ang tingin ng isa sa kanya.

"Payapa talaga. Anyway, balik tayo sa usapan, magkagalit nga kayo ni Boss?" usisa niya na naman. Napasandal habang napapa-cross-arm na lang ako.

"Hindi ako galit pero siya ay parang," pag-aamin ko. Wala din naman akong ligtas sa isang ito.

"Weh? Galit si Ashmer sa'yo, Marci? Himala yata?" sabat ni Jin.

Napabuntonghininga na lang ako. Minsan lang magalit sa akin si Ash at madalas ang dahilan niyon ay ang hindi ko pagsunod sa gusto niya mangyari lalo na pagdating sa misyon pero hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos.

Iba naman kasi ang sitwasyon namin noon sa ngayon. Pasimple akong napasiring ng tingin sa kaniya at sakto naman ang paglingon niya sa gawi ko. Nang magtama ang mga paningin namin ay siya na ang unang nag-iwas. Nanatili lang ang paningin ko sa mukha niyang wala namang emosyong nakaplastada.

Zsss, robot.

"Umamin ka nga, Marciella. Ikaw ang may kasalanan, 'no?" nangungutya pa ang tono ng haduf na Silang. Dahan-dahan kong inalis ang tingin ko sa kaniya at ipinukol iyon sa makulit na Gab.

"Mer and I are just friends," agad na saad ko na hindi na ipinaliwanag kung ano ba talaga ang nangyari dahil tinatamad ako at baka pati sila ay husgahan na rin ako.

"Ayun naman pala, eh. Nagselos ang boss sa closeness niyo ni Babe Lovimer. Marciella, may boyfriend ka na. Dapat ay hindi ka na nagpapalandi sa haduf na iyon."

Umarko naman pataas ang kilay ko sa panenermon nito sa akin.

"Maka-babe, zsss," rinig kong bulong ni Jin.

"Iyang bunganga mo talaga, napakahaduf. Anong landi, ha? Ayan tayo, eh. Porke't close lang ay naglalandian agad. Hindi naman din porke't may karelasyon ka na ay iiwasan o babalewalain mo na 'yong mga taong naging karamay mo noon. Immature lang ang gumagawa niyan, Silang."

"Kawawa naman, nasampal ng katotohanan!" asar sa kaniya ni Jinro. Imbes na sumagot sa akin ay sinambunutan niya na lang si Jin at saka tumayo at pumunta na ng counter.

"Masyadong mapang-api talaga 'yang kakambal mo, Prime, eh. Kundi lang 'yan babae ay inaya ko na 'yan ng boksing," angil pa ng lalaki habang hinimas-himas ang ulo.

"Kakayanin mo naman ba? Eh, ngayon pa nga lang na babae ay suko ka na?" alaska ko naman.

Napakamot lang siya sa kaniyang pisngi sabay tingin sa kakambal kong nakatalikod sa gawi namin.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now