CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE

681 65 4
                                    

Tahimik akong naglalakad-lakad sa camp. Bagot ako saka wala rin akong ganang magbasa dahil hindi naman iyon ina-absorb ng utak ko. Masasayang lang ang oras at pagod ko dahil babasahin ko lang naman uli lahat.

Nakita ko si Kenya at Dailann na nasa benches ng field at mukhang kulang na lang langgamin dahil sa sweetness. Mapapa-sana all ka na lang kahit bitter o broken ka.

Wala bang expiration 'yong ka sweet-an ng mag-asawang ito?

Napaiwas ako ng tingin ng ninakawan ni Dailann ng halik ang asawa at narinig ko pa ang nang-aasar na tawa niya kay Kens.

Ang lalandi! Mga nyawa! Ang aga-aga, eh.

Sa kabilang side naman ay sina Kenshane na ginugulo ang nagjo-jogging sa field na si Faller. Mukhang naiirita na naman ang mukha ng lalaki kapag nakatingin si Kenshane pero kumakalma iyon kapag nagsimula ng magmaktol ang dalaga.

Kakaiba ang dalawang ito. Iyong tipong kapag kinulit ng babae ang lalaki ay mapipikon pero kapag nagtampo si babae ay susuyuin din naman ng lalaki.

Papaano uunlad ang kabuhayan nila kung puro sila kajejehan?

Naabot din ng paningin ko sina Gab and Jinro na kulang na lang magsapakan. Nakakabilib ang dalawang ito. Magkaaway pero hindi naman mapaghiwalay. Sarap nilang isako at itapon sa labas ng Planet Earth.

Si Crystal ay nasa isang sulok ng camp mag-isa habang si Jeannie ay hindi mahagip ng paningin ko.

Love is complicated but beautiful.

"Hey there! What's going on?" Lovimer cheerfully greeted me.

"Not much."

"Not much? Is it because of my cousin that you're feeling down?" He asked with a playful tone, even draping his arm around me. I nudged him, causing a grimace of pain, but he remained amused.

"Give me some space, Lovimer. Remember the last time you teased me? We got scolded in front of everyone."

"Whoa! Are you suggesting you're actually intimidated by Ashmer? Marci, that's quite a development, isn't it? Yieee," he continued to tease.

"Why would I be? I'm Marciella Perrer for goodness' sake. I'm not concerned about what anyone thinks. I won't bow my head to anyone."

Buwisit, kaunti na lang iisipin kong bakla ang isang ito dahil diyan sa pa 'yieee' niya.

"My God, Mer! Will you shut your mouth up? You're just talking nonsense. Iyong lalaking inaano mo sa'kin ay may girlfriend na," sermon ko na talaga sa kanya.

"Anong inaano, ha? Ikaw, ha?" asar niya pa sa akin.

Sinipa ko siya pero ano nga ba ang aking inaasahan? Malamang sa malamang ay nakaiwas siya. Hindi ko rin naman seneryoso ang paninipa sa kanya dahil baka mabalian siya ng buto kapag ginawa ko iyon.

"Whooa, joke lang naman, eh."

"Wala ako sa mood para biruin ngayon, ang aga-aga, Mer, ah?" asik ko pero tumawa lang siya.

Napapatingin na sa amin 'yong mga agent na dumadaan din sa gawi namin. Kapag babae ay kinikindatan niya at kapag lalaki ay sinasaluduhan niya naman.

This man is a happy go lucky. Sarap niyang ipalapa sa mga sea horse.

"By the way, Marci baby, shall we have dinner together later? I'll pick you up at your flat," malakas ang pagkakasabi niya niyon at pagtapos ay  bumulong siya sa'kin. "Papalapit sila, 'wag ka ng umalma. Baka ang kambal mo naman at si Jinro ang gumawa ng eksena kung magkataon. Can't you see? Baseball bat ang hawak ng kakambal mo."

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon