Chapter 7: To That Place

59 3 6
                                    

Paglabas ko ng restaurant ay sa akin agad at sa mantsado kong uniporme napunta ang tingin ng mga estudyante. Ang iba ay nagtataka subalit ang iba ay nagbulungan na para bang alam ang nangyari.

Mentally shaking my head, I proceeded on my tracks. Those stares and malicious whispers won't clean the stains. Kailangan kong pumunta sa locker room para magbihis. I have my gym clothes there.

Hindi natigil ang atensyong nakuha ko sa aking bawat pagdaan hanggang sa marating ko ang isang hallway malapit sa locker room. Walang ibang estudyanteng naroon maliban sa dalawang aking nakasalubong. My damn bitch of a so-called sister was widely beaming asking some random questions. So she's back, huh. Habang ang kasama nitong si Mikael ay hindi nagsasalita ngunit ineexamine ang isang drawing sa sketchpad hanggang sa naramdaman niya ang aking presensya at ibinaba ito.

Oh please why should it be now that I look like a freaking loser with these stains? Mas pipiliin ko na lang ata ang maraming pares ng chismoso at chismosang mga mata kesa sa dalawang pares na nakatingin sa akin ngayon.

They came to a stop nang makita ang itsura ko but I didn't. Wala naman silang maitutulong. Nilagpasan ko ang mga ito, pretending I didn't see them kahit na kami lang namang tatlo ang nasa hallway na ito. Thank God they didn't say a word nor my sister did anything that would showcase her scumbitchiness, if that's even a word, 'cause I won't hesitate to let my hands spread its wings and fly landing on her face. But then again why would she? She's not that kind of person in this school.

I grabbed my shirt and pants nang mabuksan ko ang aking locker at mabilis na pumasok sa shower room na katabi nito. Kinailangan kong maligo because the juice felt sticky on my skin. Damn, Ylissana sisiguraduhin kong makakabawi ako sayo.

Pinapatuyo ko ang aking buhok matapos ang ilang minutong pagligo habang nakatingin sa schedule ko sa phone. Definitely my next class won't be a gym class and I will never be allowed to attend proper classes in a gym attire. Isang subject na lang ulit ang klase ko sa araw na ito so why don't I just ditch it? It's a major but I think I can make up for this crime sa next recit. Yun nga lang kailangan ko na namang mas lunurin ang sarili ko sa pagbabasa.

Lumabas ako pagkatapos magsuklay at magsuot ng sapatos ngunit hindi ko inaasahan ang aking nadatnan. Sa tapat ng boys' shower room ay isang lalakeng estudyante ang nakaupo, ang kanyang dalawang kamay ay nakapatong sa ulo nito na tila ba pinipigilan ang isang sakit na nadarama roon.

"Hey, you okay?" lumapit ako sakanya.

Normally, I wouldn't mind people who aren't part of my business but it looked like he was in a serious pain hearing his whimpers. Nanginginig rin ang kanyang buong katawan at namamawis ito. Walang ibang tao sa paligid para tumulong sakanya so I have no choice, I still have humanity in me.

I tried crouching in front of him para makita ang kanyang mukha ngunit natatarantang lumayo ito sa akin. He dragged himself farther away from me.

"L-lumayo ka. Layuan niyo ako," was his repetitive muttering.

Why does the behavior familiar? Tumayo ako at kinuha ang aking phone para tumawag sa clinic, mas alam nila ang dapat gawin.

Nakaisang ring na ito nang naramdaman ko ang pagtayo rin ng estudyante. Nilingon ko ito at nang makita ang phone sa aking tenga ay mabilis itong tumakbo palayo.

"Wait! Stop!" I ended the call and was about to run after him when a hand grabbed mine.

Nabunggo ang aking katawan sa matigas na dibdib ni Mikael. He stared down at me.

"What's wrong?" may konting pag-aalala sa tanong nito habang hawak hawak pa rin ang aking kamay.

Lumayo ako sakanya dahil medyo malapit ang mukha namin sa isa't-isa but he didn't let go of my hand.

Reyna Hustisya: Righteous Outlaw (Dauntless Series #1)Where stories live. Discover now