Dreamer : Chapter One

64 10 7
                                    

Chapter 1

Yannah's POV

"Tara na!" masiya nyang aya sa'kin. Pero tinatamad talaga 'kong umalis.

Pilit nya 'kong hinahatak. Tinatamad talaga ako. Bakit ba kasi ngayon pa sya nag-aya? Gantong meron ako. Monthly period ko kaya ngayon tapos grabe pa sya makahatak sa akin ha.

"Aish. Bitawan mo nga ako!" sabi ko sabay hila ng braso ko na kanina nya pa hawak. Sobrang pula ng braso ko. "Pag eto naging pasa! Bibigyan kita ng black eye!" nakakarindi kong sigaw.

Napaupo nalamang sya sa tabi ko. Siguro napagod na sya kakaaya at kakahila sa akin. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng kaibigan nya ako pa yung naisipan nyang isama. Hay nako namjoon.

"May anim ka naman kasing kaibigan na lalaki tapos ako pa yung gusto mong isama" dinedma nya lamang yung sinabi ko. Wow ha.

"Eh tinatamad din sila eh, gusto ko lang naman bisitahin yung art museum na sinearch ko eh" pag-katapos nyang sabihin yon ay bigla syang nag-pout.

Kala nya ba ang cute nyang tignan? Ang panget nya kaya. Tinulak ko ng napakalakas yung noo nya kaya napahiga sya.

"Pwede bang next week mo nalang puntahan 'yon? Pang sampung beses ko na 'tong sasabihin ah" huminga muna ako ng malalim. "MERON AKO! OK!?"

"Hoy ang lakas ng boses mo may natutulog dito!" sigaw nung kapitbahay ko.

Napatingin ako kay namjoon kasi halatang nag-pipigil sya ng tawa. Bumwelo ako at malakas syang pinalo sa batok.

"ARAYYYY!" sigaw nya kaya ako naman ngayon yung nag-pipigil ng tawa.

"Sabing may natutulog eh!" sigaw ulit nung kapitbahay ko.

Napatingin kami sa mata ng isa't isa at sabay na humalagapak ng tawa. Halos mabulabog nanamin ang buong mundo dahil sa tawa namin.

Napatigil nalamang ako sa pag-tawa ko. May naramdaman ako. Napatingin ako kay namjoon at kitang-kita sa mga mata nya ang pag-tataka. Pinilit kong ngumiti. Grabe, dahil siguro sa sobrang pag-tawa ko naramdaman ko na may bumulwak. Meron nga pala 'ko ngayon.

Agad-agad akong pumunta ng kwarto ko at kumuha ng isang napkin, baka kasi masyadong madami yung bumulwak. Pumunta na 'ko sa banyo at nag-palit na ng napkin. Grabe hindi na ulit ako tatawa ng gano'n.

"Tara na" sabi ko sakanya sabay suot sa rubber shoes ko na kulay puti. Nakita ko yung rubber shoes ni namjoon. Puting-puti din.

"Sasamahan mo na 'ko?" tumango nalamang ako alam ko naman na ililibre nya ako eh.

Pumara na kami ng isang taxi. Tinignan ko yung suot ko. Pair of white shoes, jeans, tapos may suot akong white t-shirt na pinatungan ng isang jacket at ng isa pang mas makapal na jacket. Tinignan ko yung suot ni namjoon. Nakasuot din sya ng jeans kitang-kita tuloy yung haba ng mga binti nya. Isang jacket lang yung suot nya pero napaka-kapal.

After thirty minutes ay nandito na kami sa harap ng isang iskinita?

"Kala ko ba museum yung pupun-"

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon