Dreamer : Chapter Three

46 10 4
                                    

Chapter 3

Namjoon's POV

"TALAGA?" sabay-sabay nilang tanong.  Tumango nalamang ako at naghihi-hiyaw na sila.

Kaninang umaga kasi, nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko. Si bang si-hyuk kasi tinawagan ako, at sabi nya magba-bakasyon daw muna kami.  Sabi ko nga hindi naman ganung kamayan yung company namin para ipadala nya kami sa isang bakasyon pero sabi nya ok lang daw dahil treat nya na daw 'yon sa'min. Isama ko na din daw yung assistant ko na si yannah. Bali sampu kaming lahat kasi may dalawa pang staff na sasama samin para daw may mata si bang si-hyuk.

Nakita kong lumabas na ng kwarto si taehyung may dala-dala syang maleta at isang hand bag. Tapos yung outfit nya readyng-ready na. Si yoongi lumabas na din ng kwarto nya at katulad lang din ng kay taehyung yung dala nya. Yung mga dadalhin ko kanina pa naka-impake. Si yannah nga pala hindi ko pa nasasabihan.

Tinignan ko yung wall clock namin at 5am palang, baka hindi pa gising si yannah.

Aktong lalabas na 'ko nang biglang may kumatok sa pintuan namin. Ako na din yung nag-bukas since halos katapat ko na yung pinto. Pagkabukas ko ay nakita ko sya, si yannah. Nakaimpake na din sya.

"Paano mo nalaman?" naguguluhan kong tanong sakanya.

"Kagabi kasi may nag send sa'kin ng text message, si bang si-hyuk pala. Tapos kaya nya daw alam yung number ko kasi nga binigay mo daw sakanya, tapos yun sinabi nya na magba-bakasyon nga daw kaya nag-impake na kaaagad ako. Tsaka nga pala namjoon—"

"Unnie?" medyo tinulak ako ni taehyung para makita kung sino yung kausap ko "Namjoon hyung dapat pinapasok mo muna sya, ang lamig kaya sa labas" pagkatapos nun ay hinatak nya na si yannah sa loob kaya naiwan yung dala nyang duffle bag. Kinuha ko nalang 'yon at pinasok na din sa loob.

Nakita ko silang pito kasama na do'n si yannah na nakaupo na sa may sala. Isang duffle bag at backpack 'yong dadalhin ni jungkook para sakanya. Si jimin naman ay may maliit na maleta tapos may dala din syang backpack. Si seokjin, hoseok ganun din.

Ako? May dadalhin akong maleta tapos isa ding duffle bag.

Napatingin kami sa bintana nang may bumisina sa labas. Yon! Andyan na yung hinihintay namin na van. Si tyron yung nasa driver seat at nakaupo din sa harap si madie. Sila nga ata yung dalawang staff na pinadala ni bang si-hyuk.

Aktong lalabas na 'ko pero nagulat ako kasi wala yung malet ko.

"Nakita nyo ba yung maleta ko?" tanong ko kay jimin at seokjin.

"Ayun oh" tinuro ni jimin si yannah, hila-hila nya yung maleta ko.

Dali-dali akong lumabas at hinabol si yannah, medyo mabigat kasi 'yong maleta ko. Nasa tapat na sya ng trunk ng van, tinulungan na sya ni taehyung na ipasok yung maleta ko tapos yung iba pa nilang dala.

Lumapit ako sakanya sabay sabing "Thank you"

"Wala 'yon gawain ko kaya 'yon, as you're ASSISTANT" hindi ko alam kung bakit nya inemphasize nya yung 'assistant'.

Nagulat kami ng binuksan na ni yoongi yung van, may babaeng nakaupo sa loob.

"Ah si rain nga pala" tinignan muna kami ni madie isa-isa bago ituloy yung sasabihin nya "Personal assistant din sya, kaso ang sabi daw ni bang si-hyuk wala pa syang iaassist.  Kung sinong member nalang daw yung gusto na maging assistant sya, yun nalang daw yung iaassist nya" tinignan ko yung rain at mukhang mabait naman sya.

Dreamer [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon