Simula

162 11 4
                                    

Bayani


Mga katagang masarap pakinggan ngunit may kaakibat na responsibilidad.



Gugustuhin mo pa bang maging isang bayani kung ang kapalit nito ay ang sarili mong buhay ?



Hindi ko lubos maisip na sakabila nang lahat ay mas pinili ang pagiging tapat.


Tapat



Magandang katangian, ngunit gugustuhin mo pa bang maging tapat kung ang kahihinatnan ay kamatayan?.



"Mahal ko, ito na ang ating huling pagkikita nais ko sanang sabihin sayo na labis kita minamahal."


Mga katagang labis nag padurog sa aking damdamin. Hindi ko kayang makita ang aking mahal na labis na nag hihirap sa mga kamay ng mapang-aping dayuhan.



Naging tapat sa bayan, ngunit ang naging sukli sa iyong katapatan ay ang sarili mong buhay.


Mabilis kong sinundan ang mga gwardia civil, nasa gitna nila ang taong labis kong minamahal. Diretso ang tingin ko sa maamo nyang mukha, nababakas dito ang matinding pag sukong lumaban sa kanyang kalayaan..


Kalayaan.



Hiling ko'y tuluyan nang makalaya ang inang bayan sa malulupit na kastilang naghahari-harian sa ating bayan. Tayong mga tunay na anak ng bayan dapat ang may karapatan sa lahat ng yaman nito.


Ngunit..

Tayo'y inaabuso at nilalapastanganan maski ang mga inosenteng kababayan ay ginigipit. Para tayong mga hayop na pinagkaitan ng karapatan sa sariling pamamahay.

Ito'y ilan lamang sa aking natutunan sa ginoong tinitibok ng aking puso. Ngunit itong paniniwala din ang nagdawit sakanya sa kamatayan.


" Mag iingat ka parati mahal ko, huwag mo pababayaan ang iyong sarili."

Nakayuko ang aking ulo, hinigpitan ko ang belong nakakabit sa akin nang lumakas ang ihip ng hangin. Biglang kumulimlim, para bang nakikisimpatya ito sa anumang maaaring mangyari.


Isa isang pinapapila ang mga bihag sa isang entablado, marahas silang pinapwesto sa nakahandang mga silya, Sa likod nito ay may tag iisang poste,nakakabit dito ang lubid.


Lubid


Na tatapos ng lahat. Marahas kong pinunasan ang tumulong luha sa aking mga mata. Nagtama ang aming mga mata. Nasasalamin dito ang matinding 'pangamba', 'pagmamahal' at 'pamamaalam.'


Agad naputol ang aming pagtititigan nang sunod sunod na dumating ang mga gwardia civil na hahatol sakanila.

Umalingawngaw ang tunog ng trumpeta, hudyat na magsisimula na ang pagsisintensya.

Namayani ang mga bulong ng mga makakasaksi, ngunit agad na natahimik ito nang dumating ang heneral ng gwardia civil.

"Escucha, aquí están las consecuencias de la traición al gobierno".

Nagsitanguhan ang mga kapwa principalia na nakaintindi, may ilan na kapwa walang muwang sa mga narinig. Makikita din sa di kalayuan ang mga nakakataas na nakamasid.


Malaking bagay ito, dahil ito ang kanilang tanging solusyon upang matakot ang mga pilipinong kalabanin ang kanilang baluktot na pamamahala.


" vamos a empezar. "


Dali daling nagsipanhikan sa entablado ang limang mga gwardia na nakatalaga. Muling nagtama ang aming mga mata, hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha.

'uno'

Hindi ko maalis ang aking paningin sa lalaking sinisinta, ni kumurap ay hindi ko magawa. Natatakot akong sa oras na kumurap ako'y, tuluyan ng maglalaho ang lahat.

'Dos'

Isang ngiti ang kanyang isinukli sa akin, ngiting kailanman ay labis kong hahanap hanapin.

'Tres. AHORA! '


Nasaksihan ng dalawang mata ko ang paghihirap ng aking pinakamamahal. Sa lugar kung saan tinatawag na 'makasalanan'.

Bagumbayan ang naging saksi ng lahat ng mga inosenteng inakusahan ng mga maling paratang.

Ngunit paano ko nga ba magagawang alagaan ang aking sarili kung ang dapat na gumawa nito ay wala na?

"tignan mo lang ang mga bituin sa langit sa oras na ika'y mangungulila."


tuwing natingin ako sa kalangitan ay ikaw ang aking naaalala. Tuloy tuloy ang agos nang aking mga luha. Isang taon na. Ngunit sariwa pa rin ang nakaraan. Tila ba'y kasama lang kita kahapon, ngunit ngayon wala ka na sa aking tabi.


Ako si Inez Amara Ymel Dela Paz, isang insulares na umibig sa isang taong 'matapat sa bayan'


at ito ang kwento ng aming pag iibigan...

Consummatum Est [Completed]Where stories live. Discover now