Kabanata 13

20 3 0
                                    


Tatlong araw ang lumipas simula nang dumating kami dito sa kampo nila ay masasabi kong, maayos naman ang trato sa akin ng ilang mga miyembro nito. Mataas ang respeto nila kay Simoune kung kaya't pinapakisamahaan ako ng ilan.

Isang araw matapos ang insidente ng una naming pagtapak dito ay ang siyang pagdating ng mga kasamahan ni Simoune na aniya ay tumulong sa pagtakas sa akin. At tama nga ang sinabi niya sa akin noon, kasama nila si Endong.. Ngunit wala ng buhay ito...

Ang kwento nila ay hindi daw nila agad nalapitan si Endong dahil agad na pinalibutan ito ng mga guwardia at pinaputukan pa ng ilang ulit upang makasiguradong patay na nga ito. Huli na ng matanto daw ng guwardia ang hindi dapat pagpatay kay Endong dahil maaari pa nilang paaminin muna ito. Kinabukasan daw nito ay pinatapon ang bangkay ni Endong sa ilog ng mga makasalanan.

Labis ang hinagpis ng pamilya ni Endong may nanay nito ay pinagsalitaan pa ako ng hindi maganda, nauunawaan ko naman ang kaniyang nararamdaman. Dahil maski ako ay hindi magawang mapatawad ang sarili. Ibinalita din nila ang ginagawang pag hahanap sa akin ng gobyerno, dahil sa ginawang pagtakas namin ay mas lalo akong nadiin na kasapi ako sa kilusan ng mga rebelde.

Nais kong tanungin kung kamusta ba si papa', ngunit nahihiya ako. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na tanungin ito dahil.. Labis ko na silang inabala at dahil sa akin ay nawalan sila ng isang matalik na kaibigan.

Ngayon ang araw nang libing ni Endong, abala ang lahat sa pagluluksa at pag gawa ng kabaong nito upang sa gayon ay mabigyan ito ng maayos na libing. Nakapag ayos na din ako, hawak ko ngayon sa dalawang kamay ang mga puting rosas, nakasuot din ang karamihan ng puting bestida kaya naman ganoon din ang sinuot ko, pinahiram ako ng mga damit ng isa sa matalik na kaibigan dito ni Simoune si Natasha mabait ito at maunawain. Bagay na lubos kong nagustuhan sa kaniya.

Abala ako sa pagmamasid nang sumagi sa aking paningin si Natasha at Simoune na nag uusap sa di kalayuan, agad kong inilihis ang paningin ko dito.

"Nako, Luring tignan mo. Bagay na bagay talaga si Natasha at Simoune hindi ba?"

"Oo, buong akala ko noon ay may namamagitan sa dalawang iyan. Kaya nagulat ako ng iuwi dito ni Simoune iyang babae."

Kapwa sila natigilan nang nakita nilang malapit lang ako sa kanila, nag iwas silang tingin sa akin at mabilis na umalis. Nagpakawala ako nang marahas na buntong hininga. Sa tatlong araw ko dito ay napansin ko nga na malapit nga sa isa't isa ang dalawa. Pilit kong isinisiksik sa aking isipan na magkaibigan lang sila, pero may pagkakataon na hinahayaan ko ang aking nararamdaman.

Nang magsimula na ang seremoniya ng paglilibing ay tahimik kaming nakidasal, ang pinuno nila na si tatay Emilio ang nagsilbing pari sa seremoniya na ito.

"Ayos ka lang ba?" napapitlag ako sa sobrang gulat sa biglaang pagtabi ni Simoune. Tumango ako bilang sagot.

"Kanina ka pa, tahimik. May bumabagabag ba sa iyong isipan?"

"Wala Simoune, ayos lang ako." binigyan ko siya ng pilit na ngiti.


"Wala naman akong nakakausap dito Simoune, kaya normal lang ang maging tahimik. Gusto mo ba akong akusahan na nababaliw dahil nagsasalita ako nang mag isa?" mahina kong pagdadahilan sa kaniya.

Narinig ko siyang mahinang tumawa. "Hindi ko nga naman gustong mangyari iyon."

Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kung kaya't sinalubong ko ang kaniyang mga mata. Matamis siyang ngumiti sa akin, agad naman akong nag iwas ng tingin dahil sa matinding pag iinit ng aking mukha.

Sabay kaming lumapit upang ihulog ang rosas sa ibabaw ng kabaong ni Endong. Matapos ang paglilibing ay sabay sabay na kaming bumaba sa burol upang makabalik sa kampo. Malapit na kami sa kampo ng matigilan nang may makitang ilang guwardia ang nagroronda. Natigil ako sa paglalakad ganun din si Simoune sa aking tabi. Nasa hulihan kami ng grupo, nagulat ako ng hilahin ako ni Simoune upang makapag tago.

"Magandang umaga." narinig kong bati ni Tatay Emilio.

"Magandang umaga ho, ano pong ginagawa niyo sa tuktok ng bundok?" aniya ng guwardia.

"Nagdasal lang ho kami sa bundok, tradisyon na namin iyon." Pagdadahilan ni tatay Emilio.

"Ganoon ho ba, mag ingat ho kayo sa pagpanhik dito. Napag alaman ho kasi naming dito naglalagi ang mga rebelde." Pagbibigay imporma nito.

"Ah, tatay baka nakita nyo ho ang babaeng ito." hindi ko alam kung may ipinakita bang larawan ito ngunit sa kutob ko'y mayroon nga. Hindi ako hinayaang sumilip ni Simoune.

Matagal bago nakasagot si tatay Emilio. "Hindi ko pa ho nakikita ang babaeng iyan."

"Ganoon ho ba, sige po tay mag iingat ho kayo sa pagbaba.

Hindi na namin narinig nagsalita pa si Tatay Emilio, makaraan nang ilang minuto ay lumabas na kami sa aming pinatataguan. Wala na ang mga guwardia, hinawakan ako sa palapulsuhan ni Simoune at saka kami naglakad muli. Sa tantiya ni Simoune ay marapat kaming dumaan sa rutang tago upang hindi na namin makasalubong ang mga guwardia.

"Sa tingin ko ay dapat na tayong umalis dito." Pagputol niya sa katahimikan sa pagitan namin. "Dahil sa pag hahanap sayo ng gobyerno ay mailalagay natin sa kapahamakan ang mga inosenteng miyembro ng kilusan." dagdag nito.

Tumingin siya sa akin, pinag aaralan kung tutol ba ako dito o hindi. Ngumiti ako dito upang ipakita na sang-ayon ako dito.

"Gusto ko din sanang, bisitahin si papa. "

Tumango siya sa naging tugon ko. "Kapag nakaluwag ay bibisitahin natin ang iyong papa."

Nang makarating na kami sa kampo ay agad na ipinatawag si Simoune ng kanilang pinuno. Sa tingin ko ay may kinalaman sa nangyari kanina ang dahilan kung kaya't agad siyang pinatawag. Naiwan naman ako sa labas ng aming silid. Hindi ko pa gustong pumasok sa loob nito, nais ko pang magpahangin man lang.

"Sa tingin ko nagkalat na ang larawan mo sa bayan." nagulat ako sa biglaang pagdating ni Natasha.

"Iyon nga ang tingin din ni Simoune." Nahihiya akong tumango dito.

"Sa tingin ko din, tama si Ama. Ilalagay mo sa kapahamakan si Simoune, Inez." diretso niya pahayag sa akin.

Nagulat ako. Marahil alam ko na ang bagay na ito pero, masakit pa rin itong pakinggan.

"Layuan mo na siya. Simula ng makilala ka niya hindi na niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Alam mo bang pangarap niyang maging doktor?. At hindi na niya magagawa iyon dahil nandito siya, kasama mo na pinaghahanap na ng kaharian ng Espaniya. Madadamay siya. Ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak niya."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang ito ay naglakad na siya palayo. Unti unti namang tumulo ang aking luha.

Masakit pa lang mamulat sa reyalidad. Ang sakit isipin na.ikaw ang magiging dahilan ng Pagbagsak ng taong labis mong pinapahalagahan.

--

Consummatum Est [Completed]Where stories live. Discover now