Kabanata 17

12 2 0
                                    


Punong puno nang palamuti ang buong kampo ngayon, kaninang umaga pa lang ay abala na ang mga ito sa pag aasikaso ng mga dapat ayusin upang mabigyan ng magandang salo salo si Natasha. At ngayong gabi ay nag bunga na mga ang pinaghirapan namin.

Isa isa nang napuno ang mahabang lamesa na pinagduktong duktong upang maging isa, tahimik kaming umupo ni Simoune. Abala siya ngayon sa mga pakikipag kamustahan sa mga nakakatandang miyembro ng kilusan, kinakamusta nila ang progreso ng kanilang misyon.

Aniya ni Simoune kagabi ay mahalaga daw para sakanila ang misyon na ito. Maaari daw maka- hikayat ng mga sibilyan kung magagawa nilang mailigtas si Señor. Popular daw ito sa larangan ng pagsusulat at medisina, marami din daw itong mga taga hanga dahil sa nobela nitong Noli me tangere. Ipinatigil daw ang pagbebenta ng ganitong klaseng nobela dahil natatamaan ang mga opisyal na kastila, dahil dito ay uminit ang mga mata nito sa kaniya.

Kaya ginagawa nila ang lahat upang mailigtas ito, ngunit sadyang mahigpit daw ang mga bantay sa selda nito. Hindi pa sila makahanap ng tiyempo.

Bukod pa sa misyon ay abala din ang mga naiwang kalalakihan dito, nung nakaraan ay abala sila sa pag eensayo ng mga sibat, meron pa akong nakitang nag papalaso. Ginagawa ng lahat ang maaring pwedeng gawin upang makatulong sa misyon na ito. Ngunit sadyang hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong hindi tama. Ipinasawalang bahala ko na lamang ang aking nararamdaman. At ipinilit na ituon ang atensyon sa pagdiriwang.

"Oo nga pala hijo, kaarawan mo na din bukas. Maligayang kaarawan hijo." pagbati ng ginang kay Simoune.

Nagulat ako sa narinig, dumako agad ang atensyon ko kay Simoune at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

"Hindi mo sinabi sa akin?" mahina kong bulong.

"Nawala din sa isip ko, Pasensya na." tumango tango ako dito, ngunit nababagabag ako dahil wala akong regalo sakaniya.

"Inez, Simoune" bati ni Lucia, kasama niya si Arlene. Ngumiti ako bilang pagbati sakanilang dalawa.

Nang makaupo na ang lahat ay tumayo na sa gitna si Tatay Emilio. "Maraming salamat sa pagdalo. Nais ko lamang sabihin na labis ang pagpapasalamat ko sa suporta na inyong binibigay upang mapa-ganda at mapa-ayos ang ating samahan. At maligayang kaarawan aking anak." pagbati nito kay Natasha. Ngumiti lang ang huli at sinenyasan niyang maupo na ang ama.

Nagsimula nang magkainan, kukuha na rin sana ako ng pagkain ng magulat ako dahil nilagyan na ni Simoune  ang aking pinggan.

"Alagang alaga si Misis ah." pangangatyaw ng isang lalaking nakapansin. Nag init ang mukha ko dahil sa hiya. Binato ni Simoune ng panyo ang lalaki, dahilan ng lalong pangangatyaw ng ilan.

Nang mag angat ako ng tingin ay nakita kong mariin na nakatingin sa akin si Natasha, iniwas ko na lamang ang aking mga mata sakaniya.

Nang lumalim na ang gabi ay nagsimula na ang pagtatanghal namin, umawit kami ng pasasalamat kay Natasha sa mga nagawa nitong kabutihan sa ilang mga kababaihan. Nang makaupo na akong muli ay bumulong sa akin si Simoune.

"Ang ganda ng iyong boses." amoy ang alak sa bibig nito.

"Lasing ka lang." bulong ko pabalik dito. Sunod sunod itong umiling at inihilig pa ang ulo sa aking leeg.

"Bagsak na si Mister, Inez." namayani ang kantiyaw ng mga kaibigan ni Simoune. Alanganin na lang akong ngumiti sa mga ito.

Tumayo ako upang alalayan si Simoune na makabalik na sa silid. May mga nagprisintang sila na ang aalalay dito na pinaunlakan ko naman.

Ibinagsak nila ang katawan ni Simoune sa papag at mabilis na nagpa-alam upang bumalik sa kasiyahan. Kinuha ko ang palanggana sa ibabaw ng lamesa at nilagyan ito ng bahagyang mainit na tubig, kumuha din ako ng pamunas.

Ipinatong ko sa gilid ang palanggana at nagtatalo pa ang aking isip kung tatanggalin ko ba ang kamiseta. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ako at sa nanginginig na mga kamay ay inisa isa kong inalis ang pagkakabutones ng kaniyang kamiseta.

Nang matapos ay itinaas ko ito upang mahubaran siya, naging mahirap ito. Dahilan ng pagkakasubsob ko sa kaniyang dibdib. Aalis na sana ako nang maramdaman ko ang yakap niya sa akin.

Nagmulat ito ng mata. "Amara?" paninigurado nito.

Pinilit kong umupo ng maayos upang mapunasan na siya. "S-Simoune, bitawan mo ako." bulong ko dito

"hmmm" lalo pa niyang hinigpitan ang kapit sa akin.

Nang maramdaman kong banayad na ang kaniyang paghinga ay unti unti na ding lumuwag ang kapit nito sa akin. Sinimulan ko na siyang punasan. Nang matapos ay itinapon ko ang tubig sa likod bahay, papasok na sana ako ng pagkaharap ko ay tumambad sa aking harapan si Natasha.

"N-natasha" sambit ko.

"Maaari ba kitang maka-usap?" tugon nito.

"Oo naman, saglit at ipapasok ko lang ito." iniangat ko ang hawak na palanggana upang makita niya. Tumango ito sa akin.

Mabilis ang kilos ko, agad akong lumabas nang mailapag ko na muli sa lamesa ang dala. Binigyan ko ng isang tingin si Simoune bago tahimik na sinarado ang pintuan.

"Anong pag uusapan natin Natasha?"

"Sa labas tayo." sambit nito at nauna ng maglakad.

Nagtaka ako dito, ngunit sumunod pa din ako. Hindi pansin ang paglabas namin dahil madilim na at abala ang iba sa kasiyahang nagaganap.

Lalong kumunot ang aking noo ng mapagtantong malapit na kami sa pusod ng gubat kung saan nagroronda ang mga guwardia sibil.

"N-Natasha, hindi na tayo maaaring lumagpas mula dito. Baka makita tayo ng mga guwardiang nag roronda" kinakabahan kong sambit dito.

Natigilan ako nang bigla itong humarap sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Napaatras ako ng mapagtanto ang nais niyang mangyari.

"Dapat ka nang mawala sa landas ko." mariin niyang sambit sa akin.

"Pinagkatiwalaan kita."

Tumawa ito "Piliin mo ang pagkakatiwalaan mo, kasi baka sa likod mo may nakahanda na pa lang patalim." makahulugan nitong sambit.

Tumalikod ako dito upang makabalik na sana sa kampo nang may humarang sa akin na dalawang guwardia. Nakangiti sila sa akin.

"Kayo na ang bahala diyan, balita ko may pabuya sa makakahuli sa kaniya. Sainyo na ang pabuyang iyon." tugon niya sa dalawang guwardia.

Agad akong nilapitan ng isa at marahas na hinawakan sa braso. Agad na tumulo ang aking mga luha.

Sisigaw na sana ako nang may panyong itinakip sa aking ilong at bibig, unti unti ng nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha at pagkahilo. Nasilayan ko pa kung paano naglapat ang labi ni Natasha at ng isang Guwardia sibil, tuluyan na akong kinain ng dilim.

--

Consummatum Est [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon