Kabanata 1

119 9 5
                                    

HONGKONG 1891
 
 
 
" Señorita Inez, Señorita"
 

Humahangos papalapit ang aming kasambahay na si Nellisa, hinihingal s'yang tumigil sa aking harapan. Agad na sumilay ang pagtataka sa aking mukha.
 
 
" tu papa es marinero" (señorita ang iyong papa) bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.
 
 
Agad kong nabitawan ang brotsa na gamit ko sa aking pagpipinta. Sinikop ko ang laylayan ng aking saya at kahit ito'y hindi kaaya ayang gawain ng isang binibini ay hindi ko na ito alintana at matulin akong tumakbo pauwi ng mansyon.
 
 
 
"Señorita, por favor"
 
 
Hinihingal akong tumakbo paakyat ng silid ni papa, nagkakagulo ang mga kasambahay agad kong nilapitan ang isa sa kanila.
 
 
"que paso?" ( anong nangyari?)
 
 
"señorita, tu papa se feu" (senorita, ang iyong papa nagwawala po)
 
 
Mabilis akong pumasok sa loob, tumambad sa akin ang mga nagkalat na kagamitan, basag na din ang mga antigong plorera na kanyang iniingatan.
 
"todavia, por que? Que duele?" (pa,bakit ? Anong masakit?") nag aalala kong tanong sakanya. Agad na tumulo ang kanyang mga luha. Agad akong natuliro.
 
 
" por que?" (bakit?) nagsisimula na akong mas lalong mag alala sa kanyang kinikilos.
 
 
"hija,no veo" (anak, wala akong makita)
 
 
"llamar a un doctor !" (tumawag kayo ng doktor) malakas kong sigaw.
 
 
Pinakalma ko si papa upang hindi tumaas ang kanyang altrepasyon. Di naman nagtagal ay dumating na din ang aming personal na doktor. Kalmado na si papa at sinusuri na ang kanyang mga mata. Nang matapos ay agad nyang binigyan ng gamot si papa, pangpakalma upang sya'y makatulog.
 
 
 
"su catarata ya era severa en los ojos, no soy un oftalmologo especializado, te recomiendo que vayas a Filipinas, se mucho alli. " (malala na ang katarata sa kanyang mata, hindi ako magaling sa pag aaral sa mata, rekomenda kong mag tungo kayo sa Pilipinas, may kakilala akong magaling dyan). Mahaba nyang paliwanag sa akin.
 

 
May sinulat sya sa maliit na papel, naglalaman ito ng address ng kanyang kakilala sa pilipinas. Nakasulat din dito ang buong pangalan nito. 
 
 
 
'Jose Mercado Rizal' pamilyar ang ngalang ito sa akin, nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong siya iyong madalas kong mabasa sa La Solidaridad.  Sinilid ko ang kapirasong sulat sa bulsa nang aking saya. Dahan dahan kong isinarado ang pinto sa silid ni papa.
 
 

Agad kong tinawag si baldo upang iutos na ikuha kami ng tiket sa barkong Victoria na dadaong papuntang pilipinas. Nakaplano na ang aming pagbisita sa bansa, ayos na din ang aming ilang kagamitan na kakailangan sa paglalayag.
 
 
 
 
Marso,1891
 
 
 
 
" disculpe" (makikiraan po) magalang kong sabi sa ilang kapwa pasaherong  nakaharang sa aming dadaanan, hawak ko sa kamay si papa upang maalalayan sya sa paglalakad. Pinili ko ang malayong pwesto upang hindi gaanong mairita si papa.
 
 
 
" Señorita Inez Buen dia" (Señorita Inez, magandang araw)
 
 
Agad sumilay ang napakalaking ngiti sa aking mga labi, lumapit ako dito upang makabati ng maayos.
 
 
"buenos dias señor, por favor tenga nuestra habitacion?" (magandang araw rin ginoo, saan po ang aming silid?) magalang kong tanong.
 
 
 
" sigueme" (sumunod kayo sakin)
 
 
Pinatayo ko si papa upang sundan si Don Lucio sya ang may ari nitong barko, kaibigan sya ni papa nung sila'y mag kamag aral. Tumigil kami sa isang magarang silid.
 
 
"disfruta tu estadia" (enjoy your stay) yumukod ito tanda ng pag galang, ginawa ko din ito bago buksan ang silid. Inihiga ko si papa sa kama upang makapagpahinga ito. Ang bilin sa amin ng personal na doktor ay hindi sya pwedeng mapagod ng husto, pinainom ko muna sya ng gamot bago pinatulog.
 
 
 
 
Hunyo, 1891
Filipinas
 
 
 
 
Tanaw ang mga bulubundukin sa malayo, batid kong malapit nang dumaong ang barko. Sinilid kong muli ang aming mga kagamitan sa lagayan nito, sa tatlong buwan na paglalayag ay sabik akong muling makatapak sa lupa. Nakakasawa din ang kulay asul na tanawin sa araw araw. Saktong pagtapos kong isilid ang pinaka huling gamit ay bumusina ang barko hudyat na dadaong na ito. Maraming nakaabang na mamamayan sa daungan, samo't saring mga paninda ang makikita sa di kalayuan. Tahimik kaming pumila upang makababa ng barko. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng maamoy ang sariwang hangin.
 
Kinuha ko ang sulat na naglalaman ng impormasyon sa taong aming ipinunta dito, agad namang sumilay sa tsuper ng  kalesa ang ngiti ng makita ang sulat.
 
 
"mawalang galang na po binibini, ngunit. . Hindi po ako nakakaintindi ng wikang epanyol" nahihiya nyang sabi sa akin. Agad akong nahiya dahil sa aking inasal . Nang hingi ako ng paumanhin at binasa sa wikang tagalog ang nakasulat sa munting papel.
 
 
 
" ah, kay Señor Rizal. " nahimigan ko ang pagkapamilyar sa kanyang tono. Hindi na ako nagtaka dahil kilala naman talaga ang ginoong ito dahil sa mga akda nya.
 
 
 
 
Mahaba ang naging byahe papunta sa klinika, inalalayan kami ng tsuper sa pagbaba. Agad kaming sinalubong ng ilang kababaihan na nakasuot ng puti, wari ko'y mga katulong ito sa tungkulin ng Ginoo. Pinaupo kami sa silya ang sabi'y antayin lang daw na kami ay matawag. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar. Malawak ito, tila ba'y payapa sa lugar na ito. Abala ako sa pagmumuni muni ng  may bolang tumama sa aking paanan. Kuunot ang aking noo. Pupuluti ko na sana ito ng may munting binibini ang tumatakbo sa aking direksyon. Sa tant'ya ko'y nasa limang taong gulang pa lang ito. Humahangos sya ng makalapit sa akin. Pinulot ko ang kanyang laruan at nakangiti kong ibinigay ito sakanya.
 
 
 
Nahihiya syang yumuko sa akin at akmang kukunin nya na ito ng may mabilis na kamay na umagaw nito sa akin. Gulat akong napatingin dito, isa itong binatilyo na di nalalayo sa aking edad. Matangkad, may katamtaman ang hugis ng kanyang katawan, kulay kayumanggi ang kanyang balat, matangos ang ilong may mapupulang labi, bilugan na mata. Natigil ako sa pagtitig nang mapansin kong ikinakaway nya ang kanyang kamay sa aking harapan. Agad namula ang aking pisngi dahil sa inasal.
 
 
 
" Don Alfredo, maaari na po kayong pumasok sa silid. " magalang na anunsyo ng binibini, agad kong inalalayan si papa na makatayo. Sa namumulang mga pisngi ay sinikap kong lagpasan ang ginoo sa aking harapan.
 
 
 
 
Nang makapasok sa silid ay agad ng sinuri si papa ni Señor Rizal. Masasabi kong hindi sya palasalitang tao at tahimik nyang ginagampanan ay kanyang tungkulin kaya naman nagulat ako ng mag salita sya.
 
 
" Señorita, sa tingin ko'y malala na ang katarata sa kanyang mga mata kung kaya't hindi na sya nakakakita pa.  Kailangan nyang maoperahan sa lalong madaling panahon. " mahaba nyang paliwanag.
 
 
Tumango ako sa lahat ng kanyang naging bilin. Inirekomenda din nyang dito na kami manatili  habang hinihitay ang araw ng operasyon ni papa.
 
 
 
 
" Simoune " sigaw ni señor at agad namang nag bukas ang pinto ng silid.
 
 
 
Nanlalaki ang aking mata ng mamukhaan ito.  " paki hatid sila sa kanilang magiging silid. " dagdag pa nito.
 
 
Masayang inalalayan nito ang aking papa upang makalakad ng maayos, habang naglalakad ay pansin ko ang kanyang pagtitig sa akin,  sa tuwing ibabaling ko ang aking paningin dito ay nahuhuli ko syang nakangisi. Bagay na nakapag painis sa akin.  Nang makarating sa hindi kalakihan ngunit malinis na silid ay ay inalalayan nya si papang makaupo sa kama, mayroon itong dalawang kama may lamesa sa pagitan nito malapit sa pader, sinasayaw din ang puting kurtina sa nakabukas nitong bintana. Lumabas ako ng silid upang makapag pahangin.
 
 
 
" paumanhin nga pala sa naging asal ng aking kapatid, binibini." bahagya akong nagulat sa  agarang pagsulpot nya sa aking tabi.
 
Hindi ako kumibo sa kanyang sinabi. Wala naman kasi akong sasabihin bukod sa ayos lang ito. Kaya mas pinili ko na lamang na dahan dahang tumango dito.
 
 
" ako nga pala si Simoune Dela Paz " yumukod sya sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
 
 
" Inez " matipid kong sabi at agad na umiwas ng tingin.
 
 
Narinig ko syang tumawa ng mahina . " totoo ngang sumplada ang mga binibini galing hongkong " pabiro nitong pasaring sa akin.
 
 
 
Nahihiya akong tumikhim . " ipag-umanhin mo ginoo. Ngunit hindi ako basta basta nakikipag usap sa hindi ko pa lubos na kilala."
 
 
Nasilayan ko ang matinding pagkamangha sa kanyang mukha. " bueno, gagawin ko ang lahat upang ako'y iyong makilala ng lubusan. "
 
 
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at tuluyan nang nagpaalam sa akin.
 
 
-
 
 
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa  tunog nang nagsisibak ng kahoy sa labas ng aming silid. Sa inaantok na mga mata ay sinikap kong bumangon, nadatnan kong nagkakape na si papa sa munting lamesita sa aming silid. Nagtataka akong bumaling dito.
 
 
" papa' sino ang nagtimpla ng iyong kape? " saglit s'yang nag-isip.
 
 
 
"si simoune… maaga syang pumarito. At pinagtimpla ako ng kape."
 
 
Agad akong sumilip sa maliit na uwang sa aming bintana, at sa labas nakita ko nga si Simoune na nagsisibak ng kahoy, wala syang suot na pang itaas at kitang kita ang perpektong hubog ng kanyang katawan. Bahagya na ding tumutulo ang kanyang pawis.
 
 
 
" bakit sya nagsisibak ng kahoy?" balik kong tanong sa papa'.
 
 
 
" ang sabi raw ni Señor Rizal, ay pagsilbihan nya daw tayo. Kaya ayun, nagsisibak ng kahoy upang makaluto daw ng agahan."

 
Nagkibit balikat ako at pumasok na sa palikuran upang makapag ayos ng sarili. Pag labas ko'y nadatnan ko si Simoune at papa na nagtatawanan. Tahimik akong umupo di kalayuan sa kanila at tinanaw ang labas.
 
 
 
" binibini, nagluto ako ng agahan, halina at kumain na tayo. "  nadatnan kong naghahain na sya ng pagkain sa lamesa. Lumapit ako dito at tahimik na umupo.
 
 
 
" pag pasensyahan mo na hijo ang aking anak, hindi talaga yan pala-salita. " agad akong pinamulahan ng mukha sa narinig sa ama.
 
Aalma na sana ako ng lagyan ni Simoune nang sinangag na kanin ang aking pinggan. Agad na kumunot ang aking noo sa kanyang ginawa.
 
 
" kaya kong kumuha ng sariling pagkain, ginoo." puna ko dito.
 
 
Ngumiti lang sya sa akin at hinayaan na akong kumuha ng sariling pagkain. Nang matapos ay sinikap kong ligpitin ang aming pinagkainan. Kahit naman papaano ay marunong akong mag urong ng pinggan, bagay na itinuro sa akin ng totoo kong mga magulang.
 
 
Hindi ako isang ganap na Ymel, ampon lang ako ng itinuturing kong ama ngayon, mahirap lang ang nakamulatan kong pamilya. Ang aking totoong ina ay isa lamang labandera at magsasaka naman ang aking ama. Kapwa sila namatay dahil sa sunog na nangyari sa aming palayan. Pauwi na ako noon galing palengke, dahil nga ako'y menor de edad ay napunta ako sa isang bahay ampunan, at dun ko nakilala si Don Alfredo at Dona Luciana. Sila ang umampon sa akin. Mabait silang dalawa itinuri nila akong parang isang ganap na anak. Kaya nama'y labis ang aking naging kalungkutan ng bawian ng buhay ay itinuring kong pangalawang ina.
 
 
Nang matapos sa pag huhugas ng plato ay agad akong lumabas upang muling magpahangin. Gusto ko ang lugar na ito, payapa at malapit sa kalikasan. Lumanghap ako ng sariwang hangin.
 
 
 
" baka pati ako ay masinghot mo. "
 
 
 
Inis akong bumaling sa kanya. At pinagtaasan ko sya ng kilay. Narinig ko syang bumulong ng 'sungit' sa aking tabi, hindi ko na lamang ito pinansin.  Nang magtagal ay nagsalita na ako.
 
 
 
"maraming salamat sa pag sisilbi mo sa amin. " magalang kong sabi, kahit papaano ay tumatanaw naman ako ng utang na loob sa kanya.
 
 
" marunong ka palang magpasalamat? " biro nya sa akin. Agad na tumaas ang aking kilay at galit syang binalingan.
 
 
 
" anong tingin mo sa akin? Mahadera? Hindi ako ganoong klaseng tao ginoo" suplada kong balik.
 
 
 
Itinaas nya ang dalawa nyang kamay tanda ng pagsuko. " binibiro lang kita. " natatawa nyang balik sa akin.
 
 
 
 
Ngayon ko lang napansin na tila ata'y nag iba ang kanyang kasuotan. Marahil ay naligo na rin sya nung naliligo ako.  Kumunot ang aking noo ng maalala ang kanyang naging kilos kanina. Hindi sa pagmamayabang ngunit sa hongkong ay marami akong naging manliligaw kung kaya't alam na alam ko na ang kilos ng mga ginoo'ng nagpapahiwatig sa akin. Lalong sumingkit ang aking mga mata at diretso syang tinignan sa mata.
 
 
" may gusto ka ba sa akin?" diretso kong tanong.
 
 
Sumilay ang pagkabigla sa kanyang mga mata at di nagtagal ay malakas syang tumawa. Agad akong pinamulahan ng mukha, ngayon lamang sumagi sa akin ang nakakahiyang sinabi. Maluha luha sya sa kakatawa, nang kumalma sya ay tumingin sya sa akin.
 
 
 
 
 

 
" paumanhin binibini, ngunit…
 
 
 
Hindi natin sigurado iyan, masyado pang maaga para masabi kung gusto ba kita…

Ngunit malay mo...."
 
 
 
----------------------
 
:0000
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Consummatum Est [Completed]Where stories live. Discover now