Kabanata 21

14 2 0
                                    


Muntik na akong mawalan ng panimbang, wala sa sarili akong lumabas. Hindi ko na alintana ang matinding sakit dulot ng pilay ko sa aking kanang binti. Agad akong nagpara ng kalesa. Ibinigay ko sa tsuper ang lugar kung saan ako ihahatid. Nang tumigil ito ay agad akong bumaba kumaripas ako ng takbo papasok ng gusali. Narinig ko pang sinigaw ng tsuper.

"bayad mo!" ngunit hindi na ako lumingon pa. Nagpupuyos ako sa galit. Nang mahanap ko ang tamang tao ay mabilis lumipad ang aking palad sakaniyang pisngi.

Nagbulungan ang mga nakakita. "Hindi kayo tumupad sa usapan." mariin kong sambit.

Tumawa ito ng pagak, "Ang kasunduan ay hayaan kayong makabalik sa hongkong ng legal." matapang nitong bulong sa akin.

"Ang sabi nyo ay hindi nyo siya sasaktan." nanginginig ako sa galit.

"Hindi naman namin siya sinaktan, wala naman sa usapan natin ang hindi siya maaaring idawit" pagkatapos niya itong sabihin ay tinalikuran na ako nito.

Tulala ako, tuloy tuloy nang dumadaloy sa aking mga mata ang aking luha. Hindi ko na alintana ang mga taong pilit ako tinitignan sa ganoong ayos. Nag aagaw na ang dilim ng magpasya akong bumalik sa Casa. Hinang hina ako nang makabalik ako, tila ba wala ako sa aking katinuan.

"Anak, may sulat ka galing kay Simoune." bungad ni papa nang makita niya akong pumasok. Iniabot niya sa akin ang sobre. Nakasulat sa likurang bahagi nito ang aking pangalan. Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko na ito?. Natatakot ako sa maaaring nakasulat dito. Inilapag ko muna ito sa lamesita at tinignan ang kalagayan ni papa.

"Ayos ka lamang ba, anak?" tanong nito.

"Ayos lang ako papa." pinilit kong ipakita na masaya ako, kahit sa loob ko ay unti unti na akong nauubos.

"Umiyak ka ba?" lalong sumingkit ang kaniyang mga mata. Umiling ako dito.

"alam kong.. Hindi man ako ang tunay mong ama, ngunit nagawa kong itrato ka na parang akin. Minahal kita bilang isang tunay na anak, maaari mong sabihin sa akin ang mga bumabagabag sa iyo. Makikinig ako." hindi ko alam ngunit tila isa itong gatilyo na nagpalabas sa aking mga nararamdaman.


"Pagod na pagod na ako pa, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama ba ang mga ginawa ko." yumakap ako dito. Hinimas niya ang aking buhok.

"Minsan, akala natin. Kung anong sa tingin natin ay tama ay siyang makakabuti sa atin. Ngunit mayroon din namang pagkakataon na, ang akala nating mali ay siya palang makakabuti sa atin. May mga rason anak, kung bakit yan binibigay saiyo. Maaaring alam ng nasa taas na kakayanin mo iyan, susubukin ka niya. Ngunit wag kang papadala, kayanin mo anak. Alam kong kaya mo." hinagkan niya ang tuktok ng aking ulo.

Nabigla ako nang himigin niya ang pabiritong kantahin ng kaniyang yumaong asawa noon sa akin. Tuwing pinapatulog ako, naghatid ito nang pamilyar na pakiramdam. Kahit pala lumipas na ang maraming taon ay ganto pa rin ang epekto nito sa akin.

Lumipas ang isang oras ay dahan dahan akong kumalas sa yakap, sinisikap kong hindi siya magising. Nang magtagumpay ay dahan dahan kong inayos ang kaniyang kumot.


Sinikop ko ang mga kalat sa silid, pinasalamatan ko na din ang mga tagapag alaga dito sa klinika sa pag babantay ng mga panahong wala ako. Nang makabalik ako sa loob ang agad nakuha ng aking atensyon ang sobreng nag hihintay sa akin, kinuha ko ito at Lumabas upang magpahangin, at maghanap ng mauupuan.

Dinala ako ng aking mga paa sa dalampasigan, ang daming magagandang ala-ala sa lugar na ito, dito ko siya unang nakilala. Dito din ang unang pagtatalo namin. Dito ako unang nag alala sakaniya. Sino nga ba makakapag sabi na mangyayari ang lahat ng ito?.

Umupo ako sa buhanginan, pagkaraan ng ilang minuto ay sinimulan ko nang basahin ang liham.

Mahal kong Amara,

Marahil alam mo na sa mga oras na ito, nais ko lamang sabihin na huwag mo sisihin ang iyong sarili. Alam ko may mabigat kang dahilan sa lahat, naiintindihan ko mahal. Labis akong natutuwa dahil nakalabas ka sa pihitang iyon ng ayon sa batas.

Natatandaan mo ba ang sinabi ko noon?, handa akong labagin ang lahat para lamang saiyo. At hinding hindi ko pinag sisisihan lahat ng iyon. Ikaw ang pahinga ko sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa bansang ito, nahanap ko ang kapayapaan saiyo.. Sa mga kamay mo, sa haplos at yakap mo.

Huwag kang malungkot, lagi mo akong kasama. Babantayan kita sa aking makakaya. Ngunit maaari ba akong humingi ng pabor?, huwag mo muna akong papalitan sa puso mo. Ang makasarili ko hindi ba, maaari mo ba akong pagbigyan?, kahit isang taon, dalawa, o tatlo?. Pasensiya ka na, maiintindihan ko kung hindi. Lagi kitang iintindihin.

Lagi mo sanang aalagaan ang iyong sarili, huwag kang magpapalipas ng gutom. O kahit kapag naglalakad ka, lagi mong tignan ang iyong dinadaanan. Baka mamaya bigla ka na namang matalisod. Uminom ka ng maraming tubig araw araw upang sa gayon ay hindi bumaho ang iyong paglalabas ng masamang hangin.

Kapag na ngungulila ka sa akin, tignan mo lang ang mga bituin sa langit. Pag may nakita kang pinakamakinang, ako iyon. Alam ko mas magandang sabihin ito sa personal ngunit.. Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon.

Mahal na mahal kita Amara Inez Ymel, maaari ko bang hingin ang iyong kamay upang ika'y makasal sa akin?, kahit dito lang. Dahil hindi na tayo nabigyan ng pagkakataon upang gawin ito. Maaari bang dito na lang?. Nasa baba nito ang aking pangako :

'Sa aking mga kamay, bubuhatin ko ang iyong mga  pighati. Sa panahong nahihirapan ka, Ako ang masisilbing sandalan mo. Ako ang magsisilbing tanglaw mo sa dilim, ang singsing na ito ang magsisilbing simbolo ng aking pagmamahal. Maaari ba kitang maging asawa?.'


Nagmamahal,

Simoune.

Doon ko lamang napansin ang singsing na nakatali sa ibabang bahagi ng liham. Sa baba din nito ay makikita ang maliit na mensahe. Tila ba ayaw nitong madiskubre.

"Maaari ba kitang makita,  kahit.. Sa huling pagkakataon.."

Halos mapahagulgol na ako, hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Dahan dahan kong isinuot ito sa aking daliri, simple lang ang disenyo nito. Ginto ang kulay nito, at may nakaimprentang 'Mi amore' sa loob nito. Itinaas ko ang aking kamay, sakto namang tumapat ito sa papalubong ng araw.

'ipinapangako ko, mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga.'

Consummatum Est [Completed]Where stories live. Discover now